Chapter 6

249 4 0
                                    

Chapter 6

"Oh besh, ba't ang umbok ng eyebags natin? Ano Porn na naman?" Tanong ni Abi nung nagkita kami sa gate.

"Gaga! Hindi no, hindi naman ako nanonoud ng Porn ano kaba anong akala mo sakin? Libog lagi?" Sabi ko.

"Okey, sabi mo ee. Oh so ano na nga?" Tanong niya ulit.

Ayan nag chika na naman kami hanggang sa narating na namin ang aming mga room. Pumasok siya sa kanyang room at ako naman nagpatuloy sa paglalakad.

Nung nakapasok ako ng room ko, hindi ko alam pero parang ang lakas ng tensyon sa loob. Parang ang tahimik yata. Nag-iintay ang mga tao na may bumasag ng katahimikan.

"Howard!" Tawag ko sa kanya. Milagro at naka pasok pa siya sa first subject.

Na-shock ako nung nilingon ako lahat ng mga kaklase ko, mostly girls. Anong iniisip ninyo? Na nilalandi ko na naman prince Charming niyo?

Sa totoo lang hanggang Crush lng talaga ang nararamdaman para kay Howard. Sabi ng iba LOVE na daw pero hindi eh. Hindi dahil Crush ko siya simula nung Grade 4 pa lang kami ay Love ko na siya. Sadyang hindi ko lang maitapon ang paghanga ko sa kanya. Para sa akin kasi, nasa kanya na ang lahat. Gwapo, Hindi ko masasabing matalino pero pursigido siyang mag aral, may kaya sa buhay, at Talented. Sa tingin ko kasi, wala nang hihigit sa kanya. Siguro kung may hihigit sa kanya, ma da-divert na ang feelings ko sa iba. Pero sa hinabahaba ng panahon, wala parin eh.

Okey, back to the scene, ayan na nga, nakalingon sakin lahat kaya awkward na ang feeling, kaya tumakbo ako ng slight papunta sa chair ko. Dun ko lang napansin na andun din pala si... Yung transferee, hanggang ngayon hindi ko parin alam name niya, Siguro malalaman ko rin later.

"Howard! Ba't ang... ang tense ng feeling dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Hindi naman ah? Baka nate-tense ka lang kasi andito na ako?" Tanong niya. Walang hiya ka Howard! Ang aga-aga pinapakilig mo ako.

"Ah.. Ha? Hindi ah! Ano.. parang.. hindi normal eh" Sabi ko habang naka yuko. Feel ko kasi namumula ako.

"Ah wala lang yun, guni-guni mo lang yan" Sabi nito. Okey, naniniwala naman ako sa kanya. Baka naman kasi feeling lang ako kaya ayun.

Hindi ko nalang ito binigyan pansin at isinout nalang ang headset. Hindi kasi ako kinikibo din ni Howard, may ka text eh, baka maka istorbo lang ako.

Nagpa-music lang ako ng Kpop. Im not really into Kpop pero bet ko ang ilan sa mga Music nila. Yung mga kaklase ko kasi before ay Kpop fan talaga, siguro nahawaan ako, pero di gaano kalala.

Iniisip ko, sino kaya ka text ni Howard? Sa kuryusidad ko ay nilingon ko ang Cp ni Howard ng palihim. Oo, alam ko mali ang bumasa ng text ng iba, pero kasi, Si howard na 'to. Gusto ko lang malaman sino ka text niya.

Pagkadungaw ko sa Cp niya, agad akong nanlumo.

Okey loves, see you later. I love you.

Ang nabasa ko sa cp ni Howard. Galing sa isang Venice San Juan. Nakita kong napatulala si Howard. Siguro kinilig?

Ganyan ba kiligin ang mga lalaki? Matutulala? Pinaghandaan ko naman ang panahon na ito, na dadating ang panahon na may minamahal na ang aking minamahal. pero hindi ko inakalang ngayon na pala iyon, na ngayon na pala ang panahon na iyon.

Nagdaan ang araw na parang normal lang. Klase, Kain, klase, uwi. Pinapakilig ako ni Howard pa minsan-minsa pero laging sumusunod ang katagang 'May mahal na siya, pota! Wag ka nang mag assume!' Tuwing kinikilig ako sa kanya.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon