Chapter 17

168 4 2
                                    

Chapter 17

Nung mga sumunod na araw, hindi ko na nakita si Howard, pinuntahan ko rin ang bahay niya at ang sinabi lamang ng caretaker sa akin ay hindi pa daw nakakauwi.

I know myself na hinahanap ko pa rin si Howard, na mahal ko parin siya. Hindi naman kasi agad-agad nawawala ang feelings, especially kung nakatatak na talaga ang taong iyon sa buhay mo.

I tried not to be affected, respeto nalang din kay damien na halos hindi ako iniiwan. Nagpapanggap talaga akong okey ra harap niya.

"Marr, CR muna ako." Sabi ni Abi, matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakakasama. Buti pa ang bruha, may James.

"Marr, nakita mo ba si Howard? Hindi ko na kasi siya nakikita eh." Tanong niya sa akin kaya napa tingin ako sa kanya. "Hindi eh. Ilang araw na nga siyang absent, nagtataka na rin ako." Sagot ko sa kanya at tinanguan lang ako.



------


Umabot ng isang buwan bago bumalik si Howard. Masasabi kong hindi na ako masyadong attached sa kanya, pero i also think na baka pag nakita ko sya, babalik lahat.



That time, papunta ako sa Gym. Pupuntahan ko sana si Damien na noo'y nagpapractice. Pero laking gulat ko nung nakita kong nakangisi ng pagkalaki-laki ni Howard.



"Suprise!" Sabi niya at yinakap ako. Hindi muna ako naka kibo at nanatiling nakatayo. "For you." Sabi niya sabay bigay ng paper bag na may lamang imported na chocolates. "Aren't you surprise, Babe?"



Hindi pa ako nakakasalita ay tinawag na ako ni Damien. "Ano, uwi na tayo?" Sabi ni Damien nung naka lapit na sa amin. "Oh, Tol! Kailan ka pa nakabalik?" Sabi niya at nagkamayan sila.



"Kanina lang." Sagot ni Howard. Medyo natimbrehan ni Damien and awkward moment kaya niyaya niya kaming umuwi na.



"Sge tol, Una na kami." Anyaya ni Damien tsaka kami umalis.



------


"Do you still want me to continue this?" Tanong ni Damien sa akin nung naka uwi na kami. Umupo muna kami sa labas ng aming bahay at dun nag usap.



"No Damien, please. Huwag mo muna akong iwan. Not now, please." Sabi ko at yinakap siya. Naaawa na ako kay damien ngunit parang ito talaga ang paraan upang maiwasan ko ang bumabalik ko na pagtingin kay Howard.



"Okey Marr. I'll do it. Just tell me if ayaw mo na. Tommorow, i'll fetch you. Huwag kang umalis pag hindi ako kasama. Got it?" Sabi niya at hinalikan ang noo ko.



Alam kong may pagtingin si Damien sa akin kaya niya nagagawa ang mga iyon ngunit ipinagsantabi ko nalang ito. Pinapasok na ako ni Damien upang maka uwi na din ito.



Kinabukasan, Sa bahay na nag almusal si Damien. Wala pang alas Singko ay nindito na ito. Baka daw kasi maunahan pa siya ni Howard sa pag kuha sa akin.



At yun nga ang nangyari, Papalabas na kami ni Damien ay nandun na sa labas si Howard.



"Napa dalaw ka, Howard?" Tanong agad ni Damien. "Susundian ko sana si Shaun, ikaw anong ginagawa mo dito?" Howard.



"Bakit, masama bang sunduin ko syota ko?" Damien. Kitang-kita sa mukha ni Howard ang pagkagulat kaya umeksena na ako.



"Ahh.. mauna na kami sa school howard. Male-late na kasi kami. Kita kits nalang." Sabi ko at hinatak si Damien papalabas.



"Ano ba yung sinabi mo kanina, Damien?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami sa school. "Bakit, bawal ba mangarap Shaun?" Pabiro niyang sagot at tumawa. "Bahala ka nga!" Sabi ko.




Nung nagsimula na ang klase ay hindi ko nakitang pumasok si Howard. Akala ko papasok siya kasi kanina naka uniform pa sya nung pumunta sa bahay. Hindi ko nalang ito pinansin at nag focus nalang sa teacher kong kanina pa nagtuturo.



"Shaun, May practice kami. Kung pwede i'll just dop you muna sa bahay niyo bago ako pupunta sa Gym, para naman mahatid kita." Sabi ni Damien. "Ano ka ba, Kaya ko naman umuwi mag-isa. Baka ako pa sisihin mo na ma kick-out ka sa Varsity team. Kaya shuuu!~ Punta ka na dun!" Sabi ko at parang tinataboy ko siya. Tumawa lamang ito at hinalikan na naman noo ko.



Habang tinitingnang si Damien ay napagtanto kong nakakababa ng pride yung maging 'Rebound' yet he still chose to be it. Kahit na magmukha siyang tanga. And one thing, he also chose me, sa lahat ng tao. Ang swerte-swerte ko na kay Damien kung siya ang pipiliin ko. Pero sad to say, hindi natin madidiktahan ang puso.



-----


I was in total shock when i saw Howard sa labas ng aming bahay, still wearing uniform na mukhang kanina pa naghihintay sa akin. Nakasandal ito sa headboard ng sasakyan habang naka pikit ang mata at naka bukas ang sasakyan.



"Kanina ka pa dito, Howard?" Tanong ko. Napamulat ito ng mata at agad akong yinakap.



"Actually, hindi ako umalis since kanina. I want to talk to you, Shuan. Mag-usap naman tayo." Sabi niya habang yakap-yakap ako.



Gusto kong umayaw sa gusto niya pero kailangan kong marinig ang panig niya..... Para mapalaya na namin ang isa't-isa.



-------

A/N: Cliff-hanger! Hahahahahah. Comments muna for updates, para naman ganahan ako. Hahaha ciao! ♥

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon