A/N: This story will be a BoyxBoy or Romance between two man. This will be having some touch of my own true-to-life story. And this will be on Shaun's POV.
This Chapter is dedicated to jonaxx, Sya po ang inspiration kong magsulat. Try to read some of her stories, im sure you'll love it.
-------
CHAPTER 1"Shaun! Dalian mo mag sipilyo! Malelate na ako. First day of School pa naman." Sigaw ni ate Jeny sakin.
Obviously, nagmamadali kami kasi first day of school ngayon. Im not really excited kasi kahit first day of school pa ngayon, Alam kong 50% of the population ng Highschool ay kakilala ko. Im on my 4th year sa Highschool while ate is at her 3rd year sa college.
Pagdating namin sa school ay agad na akong bumaba at nag kiss ni papa. Hinahatid niya kasi kami kasi on the way lng ang work niya. Si mama naman, nasa bahay, im sure nagliligpit na yun sa mga pinagkainan namin ni kanina, 9 pa kasi Work niya.
Naghiwalay na kami ni ate way, nsa harapang building lng kasi ang College of Pharmacy which she is taking, while ang building ng High school ay nasa likod pa ng building nila ate.
Nilakad ko nalang ang napakataas na hallway ng Highschool building. Kitang-kita sa lakad ko ang hindi ko excited sa klase. Ewan ko rin ba kasi kung bakit.
"Oh shaun, What's with the face? Kami lahat dito excited, mukhang ikaw lang ang hindi." Bungad ni abigail sakin.
Since Kinder ko ata kaibigan tong si Abigail, matuturing ko na rin kasi syang BFF kasi magkaibigan din ang mga parents namin.
"Eh kasi, late ako nakapag enroll, kaya ayun, 3rd section" Matamlay kong sagot sa kanya habang naglalakad na kami papunta sa aming mga rooms.
"Seriously? Pano na yan? Di ba pwedeng e singit ka nalang sa section 1? Bat ba kasi ang tagal mo nag enroll. Yan tuloy, di na tayo classmates! First time to sis" Sabi niya.
Hindi daw pwede ee, First come, first served kasi daw ang Policy ng School. Kaya no choice." Sabi ko. Narating na namin ang first room which will be Abigail's room. Nasa labas pa kami kaya kitang-kita ko ang mga tao dito.
Sa tinagal-tagal namin magkaibigan ni abigail ay halos alam na namin ang Baho ng isat-isa. Ganyan kami ka close.
Biglang nag ring ang bell kaya nagsipasukan na ang mga studyante. Nag beso muna kami ni Abigail bago sya pumasok sa room niya. Ako naman ay tinahak ang hallway at hinanap ang room ko na nsa ikatlong silid pa.
Pagkapasok ko sa classroom ay as usual, pinagtitinginan ako ng mga transferees. Ang mga kakilala ko naman ay ningitian lamang ako. May nakasulat na rin sa Black board na 'Write your name, Age, Adress, Contact Number at Guardian in a sheet of paper"
Wala akong friends dito. Patay! Hindi pa naman ako nagdala ng papel. Sabi ko sa aking sarili.
"Shaun, Dito ka!" Ang pag tawag ni Howard sa akin. Hindi ko sya napansin kanina kaya na shock pa ako nung tinawag niya ako.
Nilapitan ko sya at binigyan niya ako ng papel. "Salamat." Ang tangi ko lang nasabi.
Dumating na ang first Teacher na magiging adviser daw namin this whole year. And the tradition goes on. Pakilala. Konting Hot Seat.
Sa kalagitnaan ng pag iintroduce ng isa sa aming mga kaklase, ay biglang kinalabit ako ni Howard.
"Oy Shaun, so totoo pala. Section 3 ka. Akala ko naligaw ka lang kanina ee" Bulong pa niya sabay kamot sa ulo niya.
"Ah.. eh.. Late ako na enrolled ee, No choice na rin kasi dito gusto ni mama." Sagot ko sa kanya at napatango nalang siya.
"Akala ko nga iisnobin mo ako kanina, nakatulala ka kasi pagpasok mo ee hehe" Sabi niya habang nka kamot parin sa ulo niya.
'EE SINO BA NAMAN KASING DI MATULALA PAG NALAMAN MONG SI HOWARD CRUZ, ISA SA MGA SIKAT NA ATHLETE NG SCHOOL, AY DITO PALA NA SECTION' Ang pagsigaw ko sa aking isipan.
"Akala ko kasi wala akong kakilala dito, kaya napatulala ako" Sagot ko sa kanya. Tumango lng sya at nakinig na sa nag iintroduce.
Shet. Ang hot niya habang kinakamot niya ang kanyang ulo. Mas nag flex kasi ang kanyang Muscle. Tas ngumisi pa sya, Lumabas tuloy ang kanyang white teeth na nakaka insecure.
Di ko inakalang magiging classmate ko pa ng 1 more year si Howard. Ang aking First and Only CRUSH. Syet lang.
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...