CHAPTER 12 (Republished Chapter)

238 3 3
                                    

Chapter 12
Warning: SPG Level 2 haha

    

-----

     

  

"Ano ka ba naman!! Sana hindi mo nalang ako hinintay! Ayan tuloy! Nagui-guilty ako sayo!" Pambungad ko kay Damien na ngayo'y naka upo sa isang table for two sa sulok ng Starbucks.

   

 

"Hello ha! Okey lang naman ako dito. Ano kaba wag ka nang ma guilty!" Sabi niya at tumawa.

 

 

 

"Bakit ba kasi hinintay mo pa ako dito? Lakas din ng trip mo no?" Ako.

 

 

"Kailangan eh" Pabulong niyang sabi. Pero dahil hindi naman maingay dito sa loob ay narinig ko parin ito.

 

 

 

"Anong kailangan? Hoy Damien! Hindi mo ako responsibilidad kay---"

 

 

 

"Alam mo Shaun, ang dami mong satsat! Umorder ka kaya muna?" Pagputol niya sa sasabihin ko.

 

 

 

"Anong order? Huwag na! Uwi na tayo, dali!" Sabi ko. Hindi ko pa siya nakumbinse pero kalaunan ay pumayag nalang ito. Pero sa isang condition DAW.

   

  

 

 

"Ano ba kasing kondisyon ang gusto mo? Ba't ayaw mo pang sabihin?" Tanong ko nung naka sakay na kami sa kanyang sasakyan.

   

 

  

"Basta! Walang bawian ha! Na hindi ka aangal, kahit ano!" Sabi niya at agad pina andar ang sasakyan niya.

 

 

 

"Bahala na nga!" Singit ko pa!

 

  

  

Sa byahe ay kinakausap ko si Damien, nagbabakasakaling sabihin niya ang 'Kondisyon' na kanina pa ako naku-curious, pero sadyang eksperto talaga sa pagtatago ang lokong ito.

    

   

  

 

"Sge na, di na kita kukulitin! Bahala ka na jan!" Sabi ko at inirapan siya. Ibinaling ko nalang sa labas ng sasakyan ang tingin ko.

    

  

   

"Hindi ko muna sasabihin kasi alam kong ayaw mo. Pagdating sa bahay, sasabihin ko agad. Para wala nang bawian!" Sabi niya at humalaklak pa! As-in halakhak na halakhak! Yung parang wala nang bukas.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon