Chapter 7
Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Ate. Nakahalukipkip sa gitna ng doorway. Nakaka kontra-bida tuloy ang dating.
"Magandang hapon po." Sigaw na may galang ni Howard sabay kaway kay ate. Tumango lamang si ate na mala-miss minchin.
Pumasok muna ako sa gate. Kumaway ako kay Howard bago niya pina andar ang sasakyan niya. Nung naka-alis na si Howard ay pumasok na ako sa bahay.
Nadatnan ko sina Kuya Mark, Kuya Jorge at Ate Jenny na nasa Sala, nanoud ng TV. Nilingon ako ni ate at umiling ito. Wala pang sampung segundo ay ibinaling na niya ang kanyang paningin sa TV. Nung nasa sala na talaga ako, nilingon naman ako ni Kuya Mark.
"Oh Toy, bat di mo pinapasok ka tropa mo dito?" Tanong niya sa akin.
"Ah.. Eh.. nagmamadali yun kuya eh. May practice pa kasi sila, hinatid lang ako dito. May utang kasi yun sakin kaya nagpapa goodshot" Sabi ko at iniba ng kaunti ang boses ko. Slyt lng naman, para hindi malamya pakinggan.
"Ahhhh." Sabi niya at ininum na ang juice na kanina pa niya hawak. Nakita ko si Ate na umakyat sa itaas. Baka di niya bet manoud ng TV ngayon.
Papunta na sana ako sa kitchen nung biglang tinawag ako ni ate. "Toooy! Nasan yung t-shirt ko na ibinigay ni mama nung nakaraan?"
Pinuntahan ko sya sa kwarto nya na nasa kabilang kwarto lang. Pinihit ko ang doorknob niya at nakita kong nakahalukipkip siya.
"Hindi ko naman yun ginamit ate. Kahit kasya yun sakin hindi ko yun sinout. May mga damit naman ako" Agad kong sabi. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ni ate nung nagsalita siya.
"Shaun, umamin ka nga. Ano mo si Howard? Alam mo bang marami akong kakilala na kinaiinggitan ka?" Sabi niya. Napatalon ako sa kaba nung tinanong niya sa akin yun. Ganyan na ba talaga ako landi? At na broadcast pa talaga sa building nina ate?
"Ano kaba naman ate, alam mo naman diba na close lang talaga kami ni Howard? Alam mo naman dba na kakilala kami since Elementary? Sadyang naging classmate lang kami ulit at mas naging malapit. Huwag nyo naman bigyan iyon ng malisya" Pagsisinungaling ko. Nakita ko sa mukha ni ate Jenny na mukhang may hinahanap pa siyang ibang sagot maliban sa nasagot ko.
"Ano ate? Mas paniniwalaan mo pa yung sinasabi ng iba kesa sa kapatid mo? Ate naman, puro kami lalaki, ang dudumi talaga ng mga isipan ng mga tao ngayon" Sabi ko sabay arti na iling.
"Kinaklaro ko lang naman toy, Oo nagdududa ako. Sorry dahil dun. Pero kahit alam ko na ang totoo, alam kong di titigil ang mga tao sa pagsisira sayo. Dapat alam mo yan. Basta, andito parin ako, and takr note, nagmamasid din ako. Pag nalaman kong lumalandi ka sa Howard na yun, lagot ka sakin! I can feel it Shuan, kaya wag kang ano jan" Mataas niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Ang Pagdadalaga ni Totoy
Teen FictionMeet Shaun 'Totoy' Vasquez, Ang bunsong anak ni Linda at Gorio. Ika-7 sa pamilya, napaka swerte niya sa naging pamilya niya. Inaalagaan, minamahal at priprotektahan siya ng mga Ate at Kuya niya. Pero, pano kung ang TOTOY ng Pamilya ay naging TETAY...