Chapter 10

192 3 0
                                    

Chapter 10

"5th group tayo. Di na masama" Sabi ni Howard nung nakabalik na sa aming kinauupuan kanina. Ngayon na kasi ang Oral Defense ng Research Paper namin at siya ang inatasan naming bumunot ng papel sa fish bowl na hinanda ng aming teacher para dun kumuha ng number kung pang-ilan kami mag pe-present.

Naka sout si Howard ngayon ng Semi-formal attire. Naka tux na gray with plain white v-neck inner na pinaresan ng faded jeans. Same as Damien na nka Black tux with plain gray t-shirt at jeans. Ako naman ang naka Tux at simpleng Tee lng for inner at Faded jeans. Dapat daw kasi formal.

Nagsimula na mag present ang ibang group, each group is given atleast 40 minutes sa loob. 25 for discussing at 15 for the Q and A. Nanginginig na ang mga tuhod ng ilang mga schoolmates namin kasali na ako habang si Damien at Howard naman ay chill lang habang binabasa ang copy namin. Todo memorize ako habang sila ay tingin-tingin lng sa copies.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan, Sanay na ang dalawang ito sa Ganitong larangan kaya dapat kong husayan upang hindi ako mangulelat.

"Chill Shaun, masasagotan mo yan. Ikaw pa! Master mo na yan. Huwag kang kabahan!" Sabi ni Damien nung nakita akong palakad-lakad na. Kami na ang susunod na group at hindi pa talaga ako ready mangulelat.

Nung tinawag na kami ay agad nang naglabasan ang aking mga pawis. Kahit naka aircon ang office na gaganapan ng Defense ay sobra-sobra ang aking pawis.

"Kinakabahan ka. Chill lng" Bulong ni Howard habang sine-set up ni Damien ang Power point namin at pilit na ngiti lamang ang aking naibigay.

"Okey, you may start." Sabi nung isa sa Panel. May tatlo kasing taga ibang school kasi hindi makaka attend ang tatlong subject teacher namin.

"Yes maam. Again, good Day panels, i will be asigned to discuss the first part of our study, which is Entitled THE EFFECTS OF HAVING A THIRD SEX." Panimula ko, agad kong pinindot ang loptop upang ma proceed sa next page ang aming powerpoint.

Binasa ko lang ang kaunting mga linya sa aming Study at ine-explain ko ang ilan. Naging stable naman ang aking pag discuss, mas naging kampante ako nung nakita kong tumatango ang ilan sa mga Panel na para bang they understand what i am saying.

Pagkatapos kong mag discuss ay agad kong ipinasa kay Howard ang pangalawang part ng aming study upang siya naman ang nag discuss. At katulad nang sa akin, naging stable din ito. Same as Damien, walang naging problema ang aming research. May mga iilang tanong ngunit nasasagot naman namin sila ng maayos.

Ang Pagdadalaga ni TotoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon