6

2 1 0
                                    






"Mauna ka na." sabi ko kay Raiza.

"Baliw ka ba? Gusto mong iwan kita dito e hindi mo nga alam kung saan 'to? Huwag mong sabihing balak mong magpakita sa kaniya at magpahatid! Mahiya ka naman-" pagbubunganga ni Raiza.

"O, sige, sige na! Titingnan ko lang siya!" sabi ko at tinalikuran siya. "Dun ka nalang sa kotse, hintayin mo ako!" sinabi ko habang nakatalikod at naglakad papalayo.

Mabato ang lugar na ito at mataas. Fresh ang hangin at maraming puno. Maganda ang view. May mga ilang tao. Agad kong namatahan si Elide.

Kita kong may hawak siyang isang pulang rosas. Nakatingin siya sa magandang view. Malapit na ang sunset.

May hinihintay kaya siya? Simple lang ang suot niya pero ang gwapo pa rin. Nako. Kahit yata basahan ang i-suot nito ay siguradong maganda pa rin tingnan basta siya ang may suot.

Nakita kong tiningnan niya ang rosas. Sa mukha niya ay parang inlove siya. Hindi ko naiwasan na manghina, naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

I love the chase pero kahit kailan ay hindi ako maghahabol sa taong may girl friend na. Iba na iyon. Hinding hindi ko gugustuhin ang sumira ng relasyon o maging kabit. I know my limits.















"Rai, mauna ka na sa canteen." seryoso kong sabi kay Rai habang nakatingin kay Elide na nakikipag-usap sa ilang kaibigan niya. Hindi na ako pinigilan ni Rai at nauna na. Lumapit naman ako kay Elide at kinulbit siya.

"Elide." tawag ko at ngumiti. Malungkot ako pero tinatago ko.

Hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako. Hinila ko siya palayo at ramdam ko ang pagka-inis niya.

"What do you want this time?" inis niyang giit.

Inabot ko ang isang plastic container na may red velvet cake. Ginawa ko iyon at naisipan kong ibigay sa kaniya.

"Ano 'yan?" nagtataka niyang tanong, nakakunot pa rin.

"Basta! Ginawa ko 'yan para sayo!" sabi ko naman at kinuha ang kamay niya para hawakan ang plastic container.

"Salamat nalang, huwag n-"

"Iyo 'yan. Huwag ka nang makulit." hindi na niya ito sinauli dahil alam niyang hindi ko siya titigilan.

"O-okay. Thanks." malamig niyang sabi at akmang tatalikuran ako nang pigilan ko siya.

"W-wait!" pagpigil ko. "Uh.. ano kasi.."

Hindi siya nagsalita. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. I stared at his perfect face. Napakagwapo. Medyo magulo ang buhok at naghihintay sa sasabihin ko.

"M-may tanong ako.." kinakabahang sabi ko.

Jusko. Ang gwapo niya. Sino'ng makaka-focus kung ganiyan ka-gwapo ang nasa harapan mo?

"M-may girl friend k-ka na ba?" The hell, ba't ba ako nauutal!

Nangangatog ako sa kaba. Ewan ko ba. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Please say na wala. Please, i like you and i don't think i can let go of you. Nasanay na ako sa araw-araw na pangungulit, sa simpleng pagkulbit, sa small talks na kahit walang saysay ang sinasabi ko ay alam kong nakikinig ka. I know it, hindi mo lang ako pinapansin but i know you're listening.

"Kapag sinabi kong meron, titigilan mo na ba ako?" malamig niyang sabi.

Ayoko siyang sagutin. Ayokong um-oo. God knows na ayaw ko pang tumigil. Gusto kong ipagpatuloy itong ginagawa ko. Kahit ganito nalang habang buhay. Gusto kong i-tigil ang oras. Pwede bang tumagal ang titig mong iyan sa akin? 'Yang seryoso mong titig? Pwede bang habang buhay ka nalang nakatingin sa akin? Na walang pinapansin na iba... na nasa akin lang ang buong atensyon mo.

"E-elide i... i... l-like you..."

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon