18

2 0 0
                                    






Natatandaan ko ang lugar na ito. Ito 'yung lugar na pinuntahan niya noon no'ng sinundan namin siya ni Raiza.

Malungkot ang itsura niya no'n at may hawak na pulang rosas.

"Ano'ng ginagawa natin dito?" nagtataka kong sabi, bakas pa rin ang inis sa itsura ko.

Pumunta siya sa dulo kung saan makikita mo ang sunset. Madilim na ngayon dahil gabi na. Mataas ang lugar na ito at presko ang hangin. Kapag nahulog ka ay sa dagat ang bagsak mo.

"Kaori Isabelle is my first love." pagsisimula niya.

"She's my first bestfriend, first enemy, first kiss. She's my first everything." malungkot ang tono ng boses niya. Nakatingin siya sa kawalan at kita ko ang kislap ng tubig sa mga mata niya, namumuong luha.

Nasaktan ako, oo. Pero nasaktan din naman siya, diba? Ba't hindi ko naisipang pakinggan muna siya bago siya husgahan?

"We were so in love, Rae. We were very happy. I already saw myself spending the rest of my life with her." malungkot niyang dagdag.

Parang sinaksak ang puso ko. Ang mga salitang lumalabas sa bibig niya ay nagdudulot ng kakaibang sakit sa akin.


"Hanggang sa dumating ang 3rd anniversary namin. She traveled with her driver. Gabi 'yon at nanggaling siya sa isang event with her parents. Pero na-una siya sa pag-uwi dahil gusto niya 'kong i-surprise."

Doon bumuhos ang luha niya. Nakikita ko ang galit, lungkot, sakit at panghihinayang sa mga mata niya.

"Damn, if only i knew. Sana ay pinigilan ko nalang siya. She got into an accident. Namatay ang driver niya. Naapektuhan naman nang husto ang ulo niya. She's in a coma. 4 years, Rae. 4 years na siyang comatose."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. imbis na masaktan ay awa ang naramdaman ko. Apat na taon nang comatose ang girl friend niya. Iniisip ko pa lang na ako ang nasa sitwasyon niya ay parang hindi ko na kakayanin.

"I'm still waiting for her. Umaasang gigising siya." dagdag niya pa. Tiningnan niya ako nang deretso.

Katulad niya ay umiiyak na rin ako ngayon. Patuloy ang agos ng luha. "I never expected to fall for someone, Rae. I never expected that I would fall for you."

Hindi ako maka-imik. Walang gustong lumabas sa bibig ko. Gusto ko lang makinig. Makinig sa lahat ng sasabihin niya.

"Nung una, you reminded me of her. I saw her in you but..." patuloy niya pang sabi. Bumuntong hininga siya at tumingin ulit sa kawalan. "I knew it was wrong. Ayokong gumamit ng tao, Rae. Kaya sinubukan kong lumayo..."

'Yun ba 'yung panahong nagalit siya sa 'kin nang hindi ko alam ang dahilan? No'ng sinabi niya sa 'kin yung masasakit na salita?

"Damn, I missed your presence. I realized that I was in love with you, too." patuloy niya. "I was selfish. Selfish dahil hindi ko kayang pakawalan si Kaori habang nahuhulog ako sayo."

"I love you, Raela. And I hate myself because of what i did to you. Sinaktan kita. Hindi ko inisip kung ano'ng mararamdaman mo 'pag nalaman mo ang tungkol kay Kaori. Inuna ko ang sarili ko, ang umamin sayo. Ang kaligayahan ko. I made a wrong decision—"

"Yes, Elide. You made a wrong decision because you can't love two different people at the same time." iyon ang lumabas sa aking bibig. Bakas ang galit, inis, pagkabigo, at sakit sa boses ko.

Nakita ko ang ilang luhang pumatak mula sa mata niya. Itsurang nabigo. Lumapit siya sa akin. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman ko ang yakap niyang sobrang higpit. Dahilan kung ba't mas lalong bumuhos ang luha ko.

"I'm sorry, Raela. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for being a jerk, for being selfish."

Fuck. Tangina. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Ganito ba talaga lagi kapag magmamahal? Kailangan ba talagang masaktan nang sobra? Yinakap ko siya pabalik.

I am frustrated pero mahal ko siya. Mahal na mahal. Siya lang ang nagparamdam sa 'kin ng kakaibang saya.





Pero siya rin pala ang magpaparamdam sa 'kin nang sobrang sakit.








Natigilan kami nang marinig ang tawag mula sa cell phone niya. Hindi niya ito pinapansin at mahigpit pa rin ang yakap sa akin. Kumalas ako sa yakap niya at sinabihan siya,

"Baka importante 'yang tawag na 'yan. Sagutin mo."



Kinuha niya ang phone at sinagot ang tawag.

















Nanlaki ang mata at tumingin sa akin. "She's awake."

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon