17

3 0 2
                                    









Ang kasiyahan ay hindi panghabang buhay.









"Sino si Kaori?" seryosong tanong ko.

Nakita kong gulat siyang tumingin sa akin at hindi makapaniwala sa lumabas sa bibig ko.

"W-what?" ramdam ko ang kaba sa boses niya.

Pinili kong maging kalmado. 'Wag kang mag-alala, Rae. Close friend lang siguro, o 'di kaya pinsan, o bestfriend. Only child lang siya kaya imposibleng kapatid niya iyon.

"S-si Kaori? Hindi ko kasi nakita 'yung CR kaya doon ako nakapag-cr sa kwarto mo. Nakita ko 'yung picture frame."

Hindi siya nag salita. Ako na ang pumutol ng katahimikan.

"Best friend mo? Pinsan?" hindi pa rin siya nag sasalita. Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Ex?" napatingin siya nang deretso sa mata ko.

"Hmm. Special ex, i guess? Nakadisplay pa rin 'yong picture frame e-" pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Raela. She's not my ex." malamig niyang sabi na ikinataka ko.

"I'm confused, then." sabi ko at hinarap siya. "Hindi bestfriend, hindi pinsan, hindi ex. E, ano?" seryoso kong sabi.

I'm so confused. Hindi lang sa babaeng 'yon kundi pati sa pagsasalita niya. Sa mga sinasabi niya na hindi ko maintindihan.

"Bakit hindi mo 'ko sagutin, Elide? It's just a simple question!" naiinis kong sabi. Naiinis ako sa katahimikan niya. Naiinis ako dahil hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

"She's.."

"She's what, Elide?" pagpilit ko sa kaniya.

Bakit hindi niya ako diretsuhin? Sino 'yon?

"It's hard to explain, Rae." aniya't akmang lalapit sa 'kin pero agad akong umatras. "Let me explain."

"Hard to explain? Hindi mo masagot kung sino siya? Ano siya sa buhay mo, Elide?" deretso kong sabi. Hindi ko alam kung bakit pero naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.

Am i overreacting? Why do i feel this way? Bakit ako nasasaktan sa hindi malamang dahilan?

"She's my home, Rae."




Boom! Tuluyang lumabas ang mga luha mula sa mga mata ko. Naramdaman ko ang kirot sa dibdib ko.

Home? Napakagandang salita naman no'n. Napakaspecial.

Hindi ko alam kung ano'ng karapatan ko. Kung dapat ba akong magsalita, magalit, o umalis nalang.

Tuloy-tuloy ang agos ng luha mula sa mga mata ko. Naramdaman ko ang panghihina ng binti ko. Anino'y binugbog ang puso ko. Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako kasi sino ba ako? Walang assurance na binigay. Masyado akong nagfocus sa nararamdaman namin sa isa't isa kaya nakalimutan ko na siyang tanungin kung sino ako sa buhay niya.

"Raela..." malungkot ang tono ng boses niya at yinakap ako. Namamanhid ako. Hindi ko maramdaman ang naka yakap siya sa akin. "Please let me explain. I'll tell you everything-"
















"Ano ba'ng nangyari sa inyo?" seryosong tanong ni Rai sa akin. "Kahapon lang ay masaya kayo, diba? Ano ba talagang nangyari?" dagdag niya pa.

Nandito ako sa kwarto niya ngayon. Hindi ako pwedeng matulog doon sa bahay dahil alam kong pupunta do'n si Elide. Naka-off din ang phone ko dahil tawag siya nang tawag sa akin.

Hindi ko pinansin si Raiza. Alam niya na ayaw kong pag-usapan kaya hindi na niya ako kinulit.
















"Ano ba, Elide!? Hindi mo naman kailangang mag-explain sa akin dahil hindi mo naman ako girl friend!"

Mag dadalawang oras sa siya sa labas ng bahay ko kaya lumabas na ako.

"Huwag mong sabihin yan, please-"

"Bakit? Totoo naman, ah? Hindi mo 'ko girl friend!"

"Rae, please." pagmamakaawa niya. Makikita mo sa mata niya ang lungkot. Mahal ko siya. Mahal ko siya at nasasaktan ako dahil nakikita ko siyang nasasaktan. Pero masakit din ito sa akin dahil wala akong maintindihan.

"Ano pa ba'ng sasabihin mo?" walang gana kong tanong.

Bumuntong hininga siya at ginulo ang buhok. Lumapit sa akin at hinila ako papasok ng kotse niya. Hindi ako makapiglas. Sinubukan ko siyang pigilan pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Pinapasok niya ako sa frontseat at dali-dali siyang sumakay at biglang dinrive palayo.

"Saan mo ba ako dadalhin?" inis kong sabi, hindi niya ako pinansin.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon