Lumipas ang ilang linggo. Mas naramdaman ko ang pagbabago niya. Tuwing kinukulbit ko siya ay pinapansin na niya ako. Although, may times na masungit pa rin siya pero okay lang. Kahit si Raiza ay hindi makapaniwala sa pagbabago ni Elide. Tinanong pa nga ako ni Rai kung ginayuma ko ba raw itong si Elide dahil nga bumait sa akin.May paparating na event sa school at busy ang lahat sa pag-aayos. Mamaya ay may bandang magp-perform sa stage na naggaling sa ibang school. Maraming pagkain ang mabibili at maraming tao sa paligid. Si Raiza ay abala sa pakikipag-usap sa iba naming kaklase at ako naman ay hinahanap si Elide. Asan na kaya siya?
Kinulbit ko si Raiza, "Doon muna ako, maghahanap ng pagkain." sabi ko. Tumango siya at nagpaalam ako sa iba naming kaibigan.
Tiningnan ko ang mga mabibilhan at marami talagang pagkain. Ngayong araw lang ito kaya sinusulit na ng ibang estudyante. Maraming tao ang bumibili at busyng busy ang mga tindera sa pag-aasikaso sa mga estudyante.
Napatingin ako sa isang nagbebenta ng candies. May nakatayong lalaki doon at alam ko na agad kung sino siya, sa tangkad pa lang. Lumapit ako sa kaniya at nakita ko siyang hawak ang isang rose na candy. Tiningnan ko ang mga benta doon na may iba't ibang candy. May heart-shaped at rose na candy.
"Hi." tumabi ako sa kaniya at tiningnan siya, nakangiti.
Nagulat siya sa akin at napansin ko ang pagpungay ng mga mata niya. Inabot niya sa akin ang rose na flower. "Sayo na." aniya at inabot sa akin.
Hindi ako makapaniwala. Ramdam ko ang init ng pisngi ko. "W-wow. Thank you!" natutuwa kong sabi at kinuha ang rose na candy. Hindi ko 'to kakainin! Itatago ko lang 'to!
"Gusto mo bang pumunta doon?" turo ko sa stage na may maraming tao. Malapit na kasi mag perform 'yung banda.
Umiling siya. "Tumingin muna tayo dito." aniya at tiningnan ang mga bilihan ng iba't ibang pagkain. Tumango ako at sumama sa kaniya. Nakita kong napatingin siya dun sa tinderang nagbebenta ng tteokboki. Napangiti siya, kaka-ibang ngiti. Nagtaka naman ako. Gusto niya kaya?
"G-gusto mo?" tanong ko. Napatingin siya sa akin at umiling. Narinig kong nagsalita na ang emcee. Hinawakan niya ang kamay ko at lumapit kami sa may stage kung saan maraming tao.
Ang tingin ko ay nasa kamay niya na hawak ang kamay ko. Nag-slow motion ang lahat, ang kamay niya lang ang tanging nakikita ko.
Dumilim ang stage at maraming sumigaw. Tumutok ang spotlight sa stage at isa-isang lumabas ang mga myembro ng isang banda. Apat sila. Ang g-gwapo nilang lahat.
May hawak na gitara ang isa, ang isa naman ay electric guitar, ang isa ay drum sticks at ang isa'y humawak sa mic na nasa stage. Nag-ayos sila at biglang nagsimula ang kanta.
"What time is it where you are?
I miss you more you than anything
And back to home you feel so far
Waiting for the phone to ring
It's getting lonely living upside-down
I don't even wanna be in this town"
Humiyaw ang mga estudyante. Maraming tao, siksikan. Hindi ko alam kung nasaan sina Raiza pero i'm sure na nandito sila. Parang flash ang mga spotlight. Nagb-blink blink ito. Tumatalon ang lahat at dinadama ang kanta ng banda. Nabitawan ko si Elide sa sobrang daming tao.
"You say good morning when it's midnight
Going out of my head, alone in this bed
I wake up to your sunsetAnd it's driving me mad, I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jet lagged
Heart, heart, heart is so jet lagged
Heart, heart, heart is so jet lagged
So jet lagged"Mas lalong dumilim at halos wala na akong makita. Nahihilo ako. Ang gulo ng mga tao. Nagtatatalon at nagp-party na animo'y nagpaparty sa bar.
Hindi ko na rin mahanap si Elide. Hindi ko siya makita sa sobrang dami nang tao. Naramdaman ko ang kamay sa baywang ko, may humila sa akin. Nagb-blink blink ang spotlight. Hindi ko mamukhaan ang lalaking iyon pero pamilyar ang amoy niya.
Lumipas ang segundo at bumalik ang spotlight sa normal. Laking gulat ko nang makita ang nakahawak sa baywang ko. Naramdaman ko agad ang paghila ng isang lalaki sa akin kaya napalayo ako doon sa humawak sa baywang ko.
Si Elide ang humila sa akin.
"Relax, dude!" malakas ang banda pero rinig ko ang humawak sa baywang ko. "Hands off my girl." aniya't hinila ako. Hindi ako binitawan ni Drew. Nasa gitna tuloy ako ni Drew at Elide na hawak ang magkabilang braso ko.
"Babe, i missed you." rinig kong masayang sabi ni Drew. Ramdam ko ang pagbitaw ni Elide sa akin. Humarap ako sa kaniya at nakita kong tinalikuran niya ako.
"E-el-" napulot ang pag sigaw ko nang maramdaman ang paghila ni Drew saakin at yinakap ako.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...