Dumaan ang ilang araw at ilang linggo. Hindi ko siya kinakausap at hindi niya rin ako pinapansin. Para bang multo ako sa kaniya.Kwinento ko kay Raiza ang mga pangyayari at sinabihan niya akong tumigil na. Gusto ng utak kong tumigil pero ayaw ng puso ko.
Hindi pa rin tumitigil si Drew sa pangungulit sa akin. Nakakabwisit. Kahit si Raiza ay naiinis na sa ibang iyon.
"Baliw na 'yang Drew na 'yan. Obsessed na ata sayo." inis na sabi ni Raiza at tinapon ang bulaklak sa locker ko.
Minahal ko si Drew. Siya ang pinakamatagal kong hinabol. Nung una ay wala siyang interes sa akin katulad ni Elide pero nagustuhan niya rin ako. Masaya kami nung una pero sa una lang siya magaling. Nag-iba ang pakikitungo niya sa akin kaya hinabol ko na naman ulit siya. Nung una ay gusto ko pa dahil dagdag thrill pero nakakapagod dahil nagmumukha akong tanga. Hindi niya ako pinapansin. Tinigilan ko siya at siya naman ang naghabol sa akin. Binigyan ko siya ng chance, pagkalipas ng ilang linggo ay ganon na naman. Nag-iba na naman siya. Nahuli ko pa siyang nakikipag halikan sa iba sa sasakyan niya. Nakipagbreak ako sa kaniya at pinigilan niya pa ako noon. Mahal niya raw ako. Nagkamali raw siya. Hindi ako tanga. Hindi ko siya binalikan dahil alam kong matatamis na salita niya lang iyon.
"Nag text na naman, oh!" naiinis pang sabi ni Raiza na hawak ang phone ko. Tulala lang ako at hindi ginagalaw ang pagkain ko. "Susunduin ka raw niya mamaya, Rae." giit ni Raiza at napatingin ako.
"Sisiputin ko siya mamaya." walang ganang sabi ko. Nanlaki ang mata ni Rai.
"Ano!?!?! Baliw ka ba!?!??" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Patitigilin ko lang siya. Naiinis na ako sa pangungulit niya." sabi ko. Naisip ko tuloy, ganito rin ba ang nararamdaman ni Elide sa akin? Kaya niya ba ako tinigilan? Pero hindi ko maintindihan. Bakit naging mabait siya sa akin? Ano 'yon? Para saan 'yon kung ayaw niya sa kakulitan ko?
"Rae! Babe!" masayang sabi ni Drew nang makita akong papalapit sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko. "Please, give me another chance, i've changed-"
"Tigilan mo na 'ko, Drew." malamig kong sabi.
"I won't stop until i get you back." aniya at inabot sa akin ang isang rose. Hindi ko ito tinanggap. May ilang tao na nakatingin sa akin at nakita ko si Rai sa malayo. Sigurado akong tinitingnan nila si Drew na dating nag-aaral dito. Gwapo rin siya pero syempre, mas gwapo ang Elide ko!
"Ano bang hindi mo maintindihan sa 'tigilan mo na 'ko' ha?" walang interes kong sabi. Ang kulit ng isang 'to, jusko.
"Babe, alam ko namang galit ka lang pero mahal mo pa rin ak"
"Ang kapal din naman ng mukha mo, ano? Hindi na kita mahal. Tumigil ka."
Natawa siya. Napatingin ako sa mga taong nanonood at nakita ko ang isang lalaking matalas ang tingin sa amin. Masama ang tingin ni Elide sa akin. Nang magtama ang tingin namin ay umiwas siya at nagpatuloy sa paglakad. Papunta sa kaniyang sasakyan.
"Kung hindi ako, sino? 'Yung kumag bang humila sayo no'ng-" hindi ko na siya pinatapos.
"Oo. At pwede ba, kung kumag siya para sayo, ano namang tingin mo sa sarili mo? Mas basura ka pa sa basura. Tigilan mo na 'ko dahil wala ka nang pag-asa." galit kong sabi at tinalikuran siya.
Buti naman ay tinigilam na 'ko ni Drew. The hell, babalikan ko ang lahat ng naging ex ko except sa kaniya.
Nalaman ko kay Lara na nagpapasa si Elide sa kaniya para sa mga panibagong group activities.
"Akala ko'y kayong dalawa ang gumagawa noon? Dalawang beses na siyang nagbigay sa akin ng group activity." hindi makapaniwalang sabi ni Lara sa akin. "Kung siya lang ang gumagawa, e aba. Medyo mahirap iyon. Sina Reeza at Catlyn nga ay nahihirapan sa ibang parts." sabi pa ni Lara.
"Wala naman siyang sinasabi sa akin?" nagtataka kong sabi.
"Kung gano'n, ang swerte mo dahil tapos na kayo sa parts niyo." sabi niya at nagpaalam na sa akin.
Nababaliw na ba itong si Elide? Bakit hindi niya sinasabi sa akin? Alam kong galit siya pero sana'y isantabi niya 'yung galit niya pag dating sa activities. Mahihirapan siya kung mag-isa niya lang iyong gagawin."
"Elide!" tawag ko at lumapit sa kaniya. Hindi niya ako pinansin pero nagpatuloy ako sa pag salita. "Nalaman ko kay Lara na sinasarili mo 'yung parts natin sa activity."
Tiningnan niya lang ako at walang pake.
"Bakit hindi mo sinasabi sa akin?" inis kong sabi. Nakakainis kasi siya.
"What? Magpasalamat ka nalang dahil ako na ang gumagawa." sumbat niya at tinalikuran ako.
Kumulo ang dugo ko. Hinarap ko siya at tiningnan nang masama.
"Wag mo 'kong sumbatan. Nagkusa ka. Hindi ko naman sinabing gawin mo 'yon na mag-isa." inis kong sabi.
"Hindi kita kailangan para gawin 'yon. Magpasalamat ka nalang-"
"You know what? you're so immature. Isantabi mo 'yang problema mo sa 'kin pag dating sa group works." diretso kong sabi. Naiinis pa rin.
Inirapan niya ako. Bumuntong hininga at humarap sa akin. "I don't need your help-"
"Mas lalong hindi ko kailangan ang tulong mo."
"Then do it on your own next time! Sinabi ko na naman sayo, diba? Ayoko nang makita ka. Kung pwede lang lumipat sa ibang school ay ginawa ko na-"
Why the hell is he like this? Para namang may pinatay akong mahal niya sa sobrang galit sa akin. "Bakit ba? Hindi na kita kinukulit diba? Ano pang problema mo sa 'kin?"
Inirapan niya lang ako at tinalikuran ako. My, i want to know kung bakit ganiyan ang galit niya sa akin.
Hinawakan ko siya para pigilan. Hinawi niya ang kamay ko at hinarap ako. "Fuck, stop annoying me!"
"Ano ba kasi 'yang kinagagalit mo sa 'kin? Hindi ako naniniwalang dahil 'yan sa pangungulit ko!" bumuhos ang galit ko.
"Ito na naman sa usapang ito? Tigilan mo na nga ako! I hate you don't you get it? Kababae mong tao, napakadesperada mo. Damn, how can a person be this desperate? You look stupid. Ilang buwan mo na akong hinahabol. Hindi ka ba nahihiya? Mukha kang tanga. Ba't ba hindi ka pa tumigil? Ba't ba hindi ka pa mawala?"
Hindi ko na natiis ang sarili ko. Sinampal ko siya. His words hurts. Naramdaman ko ang mainit na luha sa pisngi ko at agad ko itong pinunasan gamit ang kamay.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang galit niya sa akin. Siguro nga ay kasalanan ko. Hinahayaan ko ang sarili kong magmukhang tanga para sa atensyon niya.
Do you hate me that much?
Do i deserve these words?
Do i deserve this pain?
I guess. Tama si Raiza. All my life, i've been chasing everyone na hindi interesado sa akin. At kapag nakuha ko sila, iiwan ko dahil nakakasawa na.
Siguro deserve ko 'to. But this is different. Iba ang nararamdaman ko kay Elide. Hindi ito 'yung normal na paghahabol. Kaka-iba ang nararamdaman ko sa kaniya.
'Yung pakiramdam na kahit imposible mong makuha 'yung bagay na gusto mo ay pipilitin mo ang mundo. I'm inlove with him, i can feel it. 'Yung paghahabol na hindi nakakasawa. '
Even if this chase is hopeless, it doesn't stop. I am willing to chase him, over and over. Even if i feel hopeless.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...