"Tumigil ka na, Raela. Hindi mo deserve iyakan ang lalaking 'yon." malungkot na sabi ni Rai habang pinapatahan ako. Kanina pa akong umiiyak dito kaya tinawagan ko siya.I'm lucky to have her dahil lagi siyang nandito kapag kailangan ko siya. Siya 'yung tatakbuhan. Never niya akong jinudge.
"Inlove na 'ko, e. Totoo na 'to, Rai. Kahit ang sakit niya magsalita, parang ayaw ko pa ring sumuko." malungkot kong sabi sa kaniya.
"Eh, paano ka naman? Ano ka ba naman, Rae. Hindi sa lahat ng oras ay pinapa-iral ang puso ha, gamitin mo 'yang utak mo. Hind siya worth it." aniya habang pinapatahan ulit ako.
Oh my, bakit ba ganito kapag naiinlove ang isang tao. Bakit sila nabubulag? Ayaw pakinggan ang payo ng iba at gustong magpakatanga. Gosh, i hate this feeling. Bakit ba kasi naiinlove pa ang mga tao. Bakit ba kasi ang sarap-sarap mainlove pero at the same time, ang sakit.
Pagkapasok ko sa room ay wala siya. Tahimik lang kami ni Raiza. Dumaan ang ilang minuto at nagsimula ang klase. Hindi pumasok si Elide. Wala na dapat akong pakeelam sa kaniya pero hindi ko matiis. Nasaan kaya siya? Ilang araw na naman ba siyang hindi papasok?
Dumaan ang oras, at ilang araw. Hindi ko siya nakita. Hindi siya pumasok. Kahit ang sakit-sakit niya magsalita ay namimiss ko siya. Bakit ba kasi ganito ang pinaparamdam niya sa akin. Ang sakit pero handa akong magpakatanga.
Pumasok siya sa sunod na linggo. Nang pumasok siya sa room ay nag-iwas agad ako ng tingin. Namiss ko siya pero hindi ko siya matingnan, kahit nakatalikod siya sa 'kin. Kinakabahan ako... kinakabahan ako sa presensya niya.
Ghad, he's making me crazy.
Pagkatapos ng klase ay agad kong hinila si Raiza palabas nang hindi tinitingnan 'yung isa.
"Ano ba? Nasisiraan ka na ba, Rae?" inis na sabi ni Rai dahil kanina ko pa siya hinihila.
"Pwede ba! Hayaan mo na 'ko! Kinakabahan ako sa kaniya e.."
"Bakit ka naman kakabahan do'n? Ang kapal nga ng mukha e. Hindi manlang nag-sorry sa-" pinutol ko na siya.
"Shhh! Hayaan mo na..." pagtatahimik ko sa kaniya.
Nang nakita ko siyang papasok sa canteen ay iniwan kong mag-isa si Raiza. Umikot nalang ako sa buong campus. Kahit ano ay gagawin ko, maka-iwas lang sa kaniya. My, ba't ba ganito? Siya itong may kasalanan pero ako itong natatakot.
Pumunta ako sa roof top at hangin agad ang sumalubong sa akin. Ang sarap ng hangin dito. May iilang tao doon. May iilan ding bench kaya umupo ako.
Tiningnan ko ang orasan at nakitang may 30 minutes pa ako bago magsimula ang susunod na klase. Dito nalang muna ako. Mamaya nalang ako kakain pag-uwi.
Lumipas ang ilang minuto. Tahimik ang paligid at medyo rinig ko ang bulungan ng iilang tao rito. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin.
OMG, ANONG GINAGAWA NIYA DITO?
Tumayo ako at akmang aalis na nang bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"I'm sorry, Raela." rinig kong sabi niya. Nakatalikod pa rin ako sa kaniya. Hindi ko siya kayang harapin. Bakit ganito? Bakit ang bilis lumambot ng puso ko sa kaniya?
Tatlong salita lang 'yon pero ayos na ang nararamdaman ko. Parang bigla akong nagising at gusto na namang maghabol. Pero bigla kong naisip...
Hindi ba't ayaw niya nang kinukulit ko siya? Bakit siya nandito sa harapan ko at humihingi ng tawad? Think, Raela Isabelle Villaruz. Think.
Humihingi siya ng tawad dahil nakokonsensiya siya. Nakita niya akong lumuha sa harap niya. Maaaring na-realize niya na masakit ang mga binitawan niyang salita.
Pero 'yon lang 'yon. Hindi niya ako gusto, hindi siya interesado sa akin. Pinipilit kong itatak sa isip ko na hindi niya ako gusto, na wala akong pag-asa, na mukha lang akong tanga.
Pilit na lumalaban ang puso ko. Gusto ko siyang harapin, patawarin at habuling muli.
Pero lumalaban din ang isip ko. Mukha na akong tanga, i'm desperate, iyon ang sabi niya. I should stop.
Bumuntong hininga ako habang nakatalikod sa kaniya. Kinalas ko ang pagkakahawak niya't naglakad papalapit sa pinto.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomansaI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...