14

2 1 0
                                    






"Ano!?!???!" bago pa ako makapag salita ay binato na ni Raiza ang sofa pillow sa mukha ko. "Gaga ka talaga!" aniya't hinabol ako hawak-hawak ang isa pang unan.

Hindi naman ako nagpatalo. Tumakbo ako na animo'y naglalaro ng taya-taya. Hinahabol niya pa rin ako at bakas sa mukha ang inis. "Damn! You're so stupid, Raela!" sigaw niya at binato sa 'kin ang isa pang sofa pillow pero hindi tumama.

"Tumigil na kayo riyan!" napatigil kami nang biglang bumaba si Lola galing second floor. "Ano ba kayo? Para kayong mga bata riyan! Linisin mo iyan, Zang." galit na sabi ni Lola Loti.

Lola siya ni Raiza at siya ngayon ang nagbabantay sa 'min dito. Nasa Cebu kasi ang parents ni Raiza ngayon at may inaasikaso.

Binelatan ko si Raiza dahil pinagalitan siya. Masama naman ang tingin niya sa akin.

Kinuwento ko sa kaniya ang pangyayari kahapon. Kung paano ko pinatawad si Elide at kung paano niya ako niyakap. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako. My, i'm madly in love with him.

"So, ano'ng iniisip mo? May gusto siya sayo? 'Yan na naman 'yang pag-aassume mo. Kahit kailan talaga ay hindi ka matututo!" pagbubunganga pa ni Raiza sa 'kin pero hindi ko pinapansin.

"Masasaktan ka lang diyan, Raela. Ano ba 'yang pinag gagagawa mo?!" dagdag pa ni Rai, inis na inis sa akin.

"Sa huli pa naman 'yon kaya hayaan mo na! Tsaka okay lang masaktan kung sa kaniya naman!" masayang sabi ko at ngumiti. "Wag ka nang magalit, masaya naman ako e. hehe." nagpa-cute pa ako sa kaniya at inirapan niya naman ako. Wala naman siyang magagawa e! Hihi.











Pagkapasok ko sa klase ay na napatingin si Elide sa akin. Umupo ako sa likuran niya at sumunod ang tingin niya. Tiningnan niya ako hanggang sa umupo ako.

Ano kaya ang problema ng isang ito? Wala naman akong dumi sa mukha.






Lumipas ang ilang oras, dumaan ang lunch. Hindi ko kasama si Rai ngayon dahil may gagawin pa siya. Pagkalabas ko ng room ay ramdam kong may sumusunod sa 'kin. Hanggang sa makarating ako sa locker ko, nasa likod ko pa rin siya.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" pinipigilan ko ang pag ngiti ko dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi siya makatingin sa akin.

"Huh? H-hindi kita sinusundan. Mauuna na ako." masungit niyang sabi at tinalikuran ako. Napangiti ako at tahimik na tumawa. Halata namang sinusundan ako, nagsisinungaling pa.

Mabilis kong nilagay ang mga libro sa locker at sinundan siyang on the way sa canteen.

"Sabay na tayo maglunch." sabi ko at sinagi siya. Nakita kong kumislap ang mata niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Kailan ang birthday mo?" pagbasag ko sa katahimikan. Tiningnan niya ako at nag-isip bago sumagot.

"February 10." maikli niyang sabi, kalmado ang boses, back to pagiging mabait. "Ikaw?" napatingin siya nang diretso sa mata ko.

"March 15." sabi ko at ngumiti. "Isang buwan lang pala ang pagitan natin eh." dagdag ko pa.

"Paborito mong ulam?" tanong niya naman.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa pangyayaring ito. I never expected any of this to happen.

I'm happy. I'm very happy. Kahit hindi kami, kahit simpleng usapan ay sobrang saya na. Ang sarap mabuhay kung laging ganito, ang sarap mabuhay 'pag lagi siyang nandiyan."

"Sinigang." napangiti siya sinabi ko. "Paborito ko rin 'yon." aniya.

Hindi pa doon natapos ang usapan natin. Patuloy kaming nag-usap tungkol sa iba't ibang bagay. Ito na ata ang pinaka masayang lunch para sa akin. Mas lalo ko siyang nakilala, hindi siya masungit sa akin, mabait siya at tanong nang tanong sa akin na para bang interesadong-interesado.

Sa sobrang dami naming pinag-usapan ay hindi na namin namalayan ang oras. I'm so in love.. i'm so in love with him...





"Ihahatid na kita."


Tatlong salita pero ang sarap pakinggan. Pwede na talaga akong mamamatay. Ang kakaiba sa tiyan ko ay lumilitaw na naman. Mga alaga ko, buhay na buhay kayo, ano?



Itinigil niya ang kotse sa harapan niya ng bahay ko. Binalot kami ng katahimikan. Magpapaalam na sana ako nang bigla siyang magsalita,

"I want to give myself a chance, Raela. Kahit isang araw lang. Dalawang araw o isang linggo." seryoso niyang sabi habang nakatingin sa kawalan.

Hindi ko maintindihan kung ano'ng sinasabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko na kinagulat ako at tiningnan ako. Kumikislap ang mata niya ngunit may bakas itong lungkot.

"God knows how I feel. Is this right to feel this way? Can I be selfish for a moment? To be with you? To show how much I like you?"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Kung nananaginip ako ay huwag niyo na akong gisingin, handa akong matulog habang buhay kung panaginip nga ito. Hindi ko tuluyang maintindihan ang mga sinasabi niya pero isa lang ang tumatak sa isip ko....







He likes me.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon