"Kami na ni Elide ang magre-research. Friends naman kami, e." giit ko kay Lara, siya na raw sa introduction.Gagawa kasi kami ng thesis, iyon ang sabi ng professor. Sabi ni Lara ay dalawang member daw ang magtutulungan. Walo kami lahat at inassume ko na iniisip ni Lara na magkaibigan kami ni Elide dahil nakita niya naman ang pagbigay ko ng cookies kanina.
"Sige. Mukha ngang close na kayo." ani Lara.
Napangiti ako, i'm excited.
"Elide!" tawag ko at agad na lumapit sa kaniya. "Kailan mo gustong simulan ang pag research natin?" sabi ko.
Bumuntong hininga siya na animo'y sawa na dahil ako ang kasama niya.
"I don't know, kahit kailan mo gusto, huwag lang sa wednesday." iritado niyang sabi.
Bakit hindi pwede kapag wednesday? Mas lalo akong nac-curious sa kaniya.
"Oh sige. Bukas nalang." giit ko at ngumiti. Ramdam ko na pagka-irita niya sa akin pero okay lang. Ganito naman talaga sa simula.
"Ano na, Rae? Halos maubos na 'yang make up mo. Kanina ka pa nag-aayos diyan." naiinis na giit ni Rai
"Ih, hayaan mo na ako! Ayoko kasing magmake-up dito mag-isa!" katwiran ko naman. Kanina pa kami dito sa CR, tapos na ang klase. Nagpapa ganda lang ako para kay Elide. Balak naming magkita sa library.
Nagpaalam na ako kay Raiza dahil wala na siyang klase. Ako lang naman ang nagpumilit sa kaniyang samahan ako doon para mag make-up. Pumasok ako sa library at agad namatahan ang isang lalaking naka-upo habang tinitingnan ang kaniyang relos, naiinis habang may hinihintay.
"Sorry for being late." giit ako. Tiningnan niya ako nang nakakunot. Naiinis siya pero ang cute pa rin.
Sa lahat ng lalaking nagustuhan ko'y siya ang pinakagwapo. Ghad, hindi ako makapaniwalang may ganitong kagwapong lalaki sa mundong ito.
"Ang tagal mo naman." naiinis niyang sabi. "Sino ba kasing nagsabing magpaganda ka. Nandito naman tayo para sa research." rinig ko pang bulong niya.
"Syempre, para naman maganda ang view mo habang nagr-research." nakangiti kong sabi at umupo. Pinrepare ang laptop at binuksan.
Sinimulan na namin ang pagr-research ng mga information.
Paulit-ulit akong tumitingin sa kaniya. Halos hindi ako makafocus sa pag research dahil sa mukha niyang nasa harapan ko. Seryoso siyang nakaharap sa laptop, ang gwapo, grabe. I would die for that stare.
"Can you stop staring at me and focus on your work?" nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. Kalmado ang boses niya pero ramdam mo ang pagka-irita.
"Psh! Paano naman ako makakafocus neto kung ganiyan ka-perfect ang view." bulong ko at sigurado akong narinig niya iyon.
"Then i'll sit somewhere else." masungit niyang sabi at tumayo. Bago pa siya makatayo nang tuluyan ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Wag." hindi ko na namalayan ang lumabas sa bibig ko.
Agad niyang hinawi ang kamay ko palayo at kumunot sa akin. "Don't touch me." naiirita niyang sabi.
"Dito ka na, hindi na kita guguluhin." pampagaan ko sa loob niya. Inirapan niya ako at umupo. Humarap naman ako sa laptop ko at pasimpleng ngumiti.
Myghad, i think i'm inlove!
Lumipas ang ilang oras. Natapos namin ang gawain nang maayos. Nagsimula na siyang mag-ayos kaya nag-ayos na rin ako. Nakakalungkot naman. Pwede bang patigilin ang oras na ito?
Hindi niya ako pinapansin. Animo'y magkaiba kami ng mundo dahil wala siyang pake sa akin, hindi manlang ako sinulyapan kahit isang beses.
"Madilim na pala." pagbasag ko ng katahimikan. "Hays, paano ba 'to, mag-isa lang akong uuwi." sabi ko pa sa sarili ko. Nilaksan ko ito para marinig niya. Oo, nagpaparinig ako kaya sana naman ay pansinin mo 'ko!
Dedma. Hindi niya ako pinansin at dire-diretsong naglakad papalabas ng library na tila akala mo'y mag-isa lang. Grabe! Napakasungit naman nito. Pinaglihi ba ito sa sama ng loob sa sobrang kasungitan?
Hinabol ko siya. "Elide!" giit ko at hinawakan ulit ang braso niya.
Agad niya itong inalis at hinarap ako. "I said don't touch me!" iritado niyang sabi. "What do you want?" nakabusangot ang mukha niya, halatang napipilitan akong kausapin.
Grabe naman itong isang 'to!? nag-ayos na ko't lahat-lahat ay hindi pa rin napapansin ang kagandahan ko!
"Uh.. eh.. pwede mo ba akong ihatid? Madilim na, e." paawang sabi ko at nagpa-cute.
Walang siyang reaction sa sinabi ko. Seryoso lang ang mukha na parang walang narinig. Naglakad siya papalayo kaya sinundan ko na naman siya.
"Elide! Please?" pagpapacute ko pa.
Madala ka naman! Sa ganda kong ito ay hindi pa rin lumalambot ang puso mo sa akin!
"P-pwede bang tigilan mo 'ko?" iyon lang ang sinabi niya. Kalmado, pero hindi naiinis.
Parang may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Jusko, gumagana ang pagpapacute ko.
"Pleaseee?" pagpapacute ko pa at hinawakan ang dulo ng shirt niya.
"Don't touch me!" sigaw niya me at lumayo sa akin. Patuloy pa rin akong lumalpit sa kaniya at patuloy siyang lumalayo.
"Please? Please? Pleaseeeee-"
"Fine, fine! Just don't touch me!" inis niyang sabi at nauna sa paglalakad. Ngumiti ako, parang gusto kong magtatalon dito at magwala. Napapayag ko siya!
"Damn, she's crazy." rinig kong bulong niya at binuksan ang kotse."
Papasok na sana ako sa frontseat ng kotse niya nang bigla niya akong pigilan.
"Doon ka sa likod." sabi niya.
Nag confused-look ako. The fuck? Ano 'yan, taxi driver?
"Huh?" iyon na lang ang sinabi ko at pumasok pa rin sa frontseat. Pumikit siya sa inis.
"Just tell me where you live para matapos na ito." inis na sabi niya at sinarado ang pinto. "The hell, you're driving me crazy, Raela Isabelle."
Natigilan ako sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko't naramdaman ko na naman ang kakaiba sa tiyan ko. Tumayo ang lahat ng balahibo ko, pakiramdam ko'y mababaliw ako. Pwede na yatang magprito ng itlog sa sobrang init ng pisngi ko. Gusto kong magwala, magtatalon na parang baliw at sabunutan ang sarili.
First time niyang sabihin ang pangalan ko. Pangalan ko lang ang sinabi niya pero ang lakas ng dating. Ang gwapo. Ang sarap pakinggan. Ang sarap itigil ang oras at i-replay ang pangyayari.
Sa buong buhay ko ay ngayon ko lang naramdaman ito. Pangalan ko lang iyon pero parang nababaliw na ako.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...