"Pumunta siya sa ibang bansa! Iyon ang narinig ko eh! May nakakita raw sa kaniya sa airport." may naririnig akong nagbubulungan sa likod ko. Kinuha ko ang ilang gamit ko sa locker at rinig na rinig ko ang pagc-chismisan ng mga estudyante sa likod.Si Elide ang pinag-uusapan nila, i'm sure. Sa sobrang gwapo rin naman kasi nang isang ito ay maraming nakapansin sa kaniya. Syempre! Kahit ikaw e? Kapag may dumaan na gwapo sa school ay nais mo siyang kilalanin. Katulad ko ay marami ring may gusto kay Elide dito. Pero iba ako dahil hanggang tingin lang sila. Bleh.
Speaking of what they're talking about. Anong pumunta sa ibang bansa? Si Elide? Bakit?
Nang makita ko siyang pumasok sa room ay dumiretso ako sa upuan ko at nilagay ang bag ko sa upuan. Here's here. Ghad, i missed him. Kinulbit ko siya at bumulong,
"Huy, kamusta ka? Ba't hindi ka pumasok ng isang linggo?" mabilis kong bulong sa kaniya.
As usual, hindi niya ako pinansin.
"Elide!" pangungulit ko pa. Ilang beses kong inulit ang pangalan niya hanggang sa makulitan siya sa 'kin at hinarap ako.
"Can you stop? It's none of your business!" masungit niyang sabi at humarap.
Dumating na ang professor at nagsimula ang klase. Hindi pa rin mawala ang ngiti ko, i missed his pagsusungit.
Lumipas ang ilang oras at nag focus ako. Nag take ng notes at sumusulyap-sulyap sa kaniya na animo'y isang hayskul na may highschool crush. Wala si Raiza ngayon dahil may family emergency siya. Pagkatapos ko sa ilang klase ay lumabas na siya ng room. Nauna siya at ako naman ito na parang buntot na sumunod sa kaniya.
"Hey! Sama ako sayo!" sabi ko at tumabi sa kaniya habang naglalakad.
Nakita kong bumuntong hininga siya at inirapan ako.
Nang makarating kami sa canteen ay hindi niya ako pinapansin. Umupo siya na parang walang kasama. Umupo naman ako sa harapan niya at nakita ko ang pagkunot ng kilay niya.
"Kailan ka ba titigil, ha? Damn, you're very annoying!" naiinis niyang sabi.
Hindi ko mapigilan at natawa ako. "E, wala kasi si Raiza kaya dito nalang ako kakain! Hindi ako sanay na mag-isa!" pagsisinungaling ko kahit kaya ko namang kumain mag-isa.
Hindi niya ako tinaboy. Hindi niya lang ako pinapansin pero okay na sa akin iyon. Paano ko ba palalambutin ang trato mo sa akin, Elide? Ang sungit-sungit mo pero imbis na maturn off may mas nat-turn on ako. My, i like him so much!
"Uh, ba't pala hindi ka pumasok ng isang linggo?" pagbabasag ko ng katahimikan. Curious kasi talaga ako.
"Huy... huy" pangungulit ko pa.
"Can you stop being nosy!?" inis niyang sabi at humarap sa pagkain.
Hindi niya na ako pinansin pero kinikilig pa rin ako. Ano bang ginagawa ng isang ito sa akin. Masaya ang buong araw ko dahil kahit hindi niya ako pinansin ay nakasama ko naman siyang kumain. That's enough for me! Mapapalambot ko rin ang puso niya.
Lumipas ang ilang buwan. Sa small talks ay masaya na ako. Siya ang pinakamatagal kong hinabol pero interesadong-interesado pa rin ako. Pero hindi nawawala ang sinabi ni Raiza sa akin noon.
Paano nga kung siya na ang karma ko? Kung hindi siya mahulog? Ayoko! I'm interested sa kaniya! I like him! Lalo na 'yang pagsusungit niya. That's what i like the most. Diba hindi mo naman agad nakukuha ang lahat ng gusto mo? It takes time? Malay natin diba? Malay mo may lihim siyang tingin sa akin.
Assumera! Alam ko namang masasaktan ako sa pag-aassume ko pero okay lang. Sa huli pa naman iyon.
Pero ito na nga. Nakakapagtaka. Kada buwan ay ilang araw siyang hindi pumapasok. 4 days, 5 days. Bakit? Iniisip ko tuloy kung may sakit siya at nagpapagaling? Pero hindi, e. Mahahalata mo namang wala siyang sakit.
Mayroon na rin siyang kaunting kaibigan pero mga lalaki lang. Minsan ay nakikita ko siyang nakikipag-usap sa mga babae pero mahahalata mo sa itsura niya na wala siyang interes. Sigurado akong pinaglihi ito sa sama ng loob.
Pauwi na kami ni Raiza, nanggaling kami sa mall. Siya ang nagd-drive dahil hiniram niya ang kotse ng mommy niya.
Nang tumigil kami dahil sa red light ay napatingin ako sa katabing sasakyan. Nanlaki ang mata ko. Si Elide 'yun ah! Sunday ngayon, walang pasok. Saan siya?
Nakaderetso ang tingin niya sa daan. Hindi niya ako makikita dahil tinted ang kotse ni tita. Tinted din naman ang kotse niya pero alam kong siya iyon dahil nahalata ko ito sa mukha. Isang beses na rin akong nakasakay sa kotse niya kaya alam kong siya ito.
Mabilis na nag green light at umandar ang kotse niya.
"R-rai.. sundan mo nga iyon" natataranta kong sabi.
Nagulat siya sa sinabi ko at tumigin doon sa tinuro kong kotse. "H-ha? Sino? B-bak-"
"Basta! Bilis! Sundan mo na!"
Mabilis na sinundan ni Raiza ang kotse. "Sino ba 'yan?"
"Si Elide."
"Ha? Ano ka ba, Rae? Ayos lang ba ang utak mo? Stalker ka na ngayon?" gulat niyang sabi habang sinusundan ang kotse. "Nababaliw ka na talaga! Nahihibang ka na sa lalaking iyan!"
"Shhh! Shut the fuck up, Rai! Curious lang ako kung saan siya pupunta!" pakikipagtalo ko sa kaniya.
"Naku, nababaliw ka na! Ibang klase na 'yang kabaliwan mo! Paano kung sa girl friend niya siya pupunta?"
Napatingin ako sa kaniya at napa-isip. Paano nga kung may girl friend siya? Kahit kelan ay hindi ko naisip 'yon.
"W-wala 'yan-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Nako! Huwag na nating sundan at sobra na iyang pagiging chismosa mo!" aniya at akmang ililiko ang kotse pero pinigilan ko siya.
"Wag! H-hayaan mo na! Titigilan ko siya kapag nalaman kong may girl friend!" giit ko, kinakabahan.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...