10

2 1 0
                                    






"Bitawan mo ako, Drew!" tinulak ko siya. "Nababaliw ka na ba? Anong babe ka diyan e matagal na tayong break!" inis kong bulyaw sa kaniya para marinig niya. "Tsk!" tinulak ko ulit siya at tinalikuran.










Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Elide. Paminsan-minsan ay may nakikita akong bulaklak sa locker ko. Iniisip ko na si Elide ang nagbibigay pero imposible. Ilang araw na akong kinukulit ni Drew kaya alam kong siya iyon.


Unknown number:

Babe, susunduin na kita. I miss you. Please comeback to me. :)



Hindi ko pinansin ang text sa phone ko. Myghad, ba't ba umepal pa sa buhay ko ang isang ito.

Nakita kong dumaan si Elide sa harapan ko. "Elide!" paghabol ko sa kaniya, hindi niya ako pinapansin.

"Huy." hinawakan ko ang braso niya pero agad niya itong tinanggal. "Wag mo 'kong hawakan." inis niyang sabi. "Ano?" naiinis niyang sabi, napipilitan na naman akong kausapin.

"Nagseselos ka ba?" hindi ko alam pero iyon ang lumabas bibig ko. Paano ba naman? bumalik na naman sa dati ang trato niya sa akin. At ngayon, mas malamig pa sa yelo ang pagtrato niya.

"What?" hindi makapaniwalang sabi niya na para bang nasisiraan na ako.

"K-kung nagseselos ka, wala 'yon. E-ex ko siya-"

"I didn't ask. I don't care." aniya't mabilis akong tinalikuran.

Sinundan ko siya hanggang sa parking lot. Papasok na siya sa kotse nang pigilan ko siya. "Sandali!"

"Ano ba, Rae? P'wede bang tigilan mo na 'ko?" inis niyang sabi. Iba ang pagka-inis niya ngayon. Ramdam kong may galit ito.

"B-bakit? May nagawa ba a-"

"Hindi mo ba ramdam na ayaw na kitang kausap? Ayaw na kitang kasama. Layuan mo na ako. Maraming namang iba diyan na pwede mong-"

"Ano ba'ng ginawa ko? Bakit ganiyan ang galit mo sa 'kin?" pagputol ko sa kaniya at seryoso siyang tiningnan. Kung ako ang tatanungin niya ay ayokong tumigil. Naramdaman ko na na may pag-asa ako at ngayon ay pakiramdam kong back to the start na naman ako. Pero okay lang, willing ako na maghabol ulit para sa kaniya.

"Tigilan mo na ang pangungulit sa 'kin. I want my peaceful life back." malamig niyang sabi. Ramdam ko ang galit niya. Tinalikuran niya ako pero pinigilan ko siya.

"Huwag mo 'kong hawakan!" galit niyang sabi at tiningnan ako nang masama. Umigting ang panga niya. "Why the hell are you so desperate, Rae? Mahirap ba ang umiwas sa akin?" inis niyang sabi.

"B-bakit ba kasi-" pinutol niya na naman ako.

"Kasi nga ayoko sayo! I hate your presence! Gusto ko ng katahimikan! Hindi mo ba maintindihan iyon? Ba't hindi mo intindihin?"

Hindi ako makapagsalita. Galit na siya at hindi ko alam kung ano ang gagawin. He's pushing me away and it hurts. Ayokong lumayo. Malapt na, eh. Diba? Okay na kami... pero bakit ganito? Bakit nagbago na naman siya?

Nanghihina ako. Ayoko talang tumigil. My, this is first time na maramdaman ko 'to. Pakiramdam ko ay wala na namang patutunguhan 'tong paghabol ko, I feel like this is a hopeless chase again.

"Nakiki-usap ako. Tigilan mo na ako, Rae. If you think i like you or you think i'm jealous, i'm not. Kahit kailan ay hindi kita nagustuhan. Kahit kailan ay hindi kita magugustuhan because you're fucking annoying and desperate. Stop chasing me, stop that bullshit." malamig ang tono niya, punong puno na na parang matagal nang gustong sabihin ang mga salitang sinabi niya. Tinalikuran niya ako, pina-andar ang kotse at tuluyang umalis.

Naramdaman ko ang init ng pisngi ko at ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit nung nang galing sa kaniya ang mga salitang 'yon. I feel... so... hopeless.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon