8

3 1 0
                                    






"Nababaliw ka na siguro. Sa sobrang kabaliwan mo sa lalaking iyan ay gumagawa ka na ng sariling kwento!" hindi makapaniwalang sabi ni Raiza. Kwinento ko kasi sa kaniya ang mga nangyari at hindi siya makapaniwala.

"Tanga! Totoo nga! Bakit naman ako gagawa ng kwento, ha!?!?? Ganon ba ako ka-desperada!" bulyaw ko sa kaniya.

"Oo naman! Iba na 'yang kabaliwan mo sa lalaking 'yan e!" pakikipagtalo niya pa.

"Ghad, Raiza, i'm telling the truth! Ayon nga ang nangyari. Baka naman interesado na siya sa akin? Baka namiss niya 'yung pangungulit ko tas narealize niya na gusto niya rin ako?" tuloy-tuloy ang pagsasalita ko habang nakangiti.

"Nag-aassume ka na naman, 'wag ka nga! Baka naman nakonsensiya lang kasi napahiya ka nung nakaraan-"

"Ang sama-sama mo talaga! Huwag mo na ngang ipaaalala!" inis kong sabi at tinalikuran siya. Tumawa lang siya. Epal talaga ang isang 'to.






"Kayo na ni Elide ang bahala doon sa research na iyon ha? Ituloy niyo nalang." binigay ni Lara ang usb sa akin dahil may panibago kaming group activity.

Tumango ako at lumapit kay Elide na nasa locker niya.

"Elide! Ito 'yung sa bagong activity na itutuloy natin." sabi ko at ipinakita ang usb sa kaniya. "Kailan mo gustong gawin? Kailan ka ba available?" masaya kong tanong habang ngumiti.

Sumulyap lang siya sa akin at tiningnan ang usb. "Mamaya nalang, sa library." seryosong aniya. Napansin ko rin ang pagbabago ng trato niya sa akin. Kung magsalita siya hindi na katulad ng dati. Hindi na tunog-hindi-interesado.

"Sige! See you later!" ngiti ko sa kaniya at kinindatan siya bago umalis! Ghad! Oh, dear professor, sana'y araw-araw ka magbigay ng activity na kahit mahirap ay okay lang. Basta si Elide ang kasama ko!

Kanina pa ako nakangiti dito sa CR. Nag-aayos na naman ako, nagpapaganda. Gosh, i could live like this forever!






"Dito ka magsimula." na-late ako ng mga limang minuto pero imbis na mainis ay inabot niya sa akin ang libro. Naninibago talaga ako sa trato niya. Gosh, akala ko'y 'yung pagiging masungit niya na ang pinaka-attractive. Nagkamali pala ako, he's more hella attractive kapag mabait!

"S-sige." giit ko at nagsimula kami. Seryoso siyang nakaharap sa laptop at ako naman ay nagbabasa ng mga information. Sinasabi ko sa kaniya kapag hindi ko naiintindihan at imbis na mainis ay ineexplain niya sa akin ang hindi ko maintindihan.

Gosh, i'm falling. Lumipas ang ilang oras at kalahati pa lang ang nagagawa namin. Marami pa kaming activities sa ibang subject pero dito kami nagfocus.

Hinawakan ko ang batok ko at gumalaw ng ka-unti. Nangangalay na ako dahil kanina ko pa kaharap ang mga libro. Masakit na rin ang ulo ko at naduduling na ako.

"Gutom ka na ba? Kain muna tayo?" nagulat ako sa narinig ko at napatingin sa kaniya. Tama ba 'yung narinig ko? Inaaya niya akong kumain.






Umalis muna kami saglit sa library at sinundan ko siya. Imbis na sa canteen dumiretso ay dumiretso siya sa kotse. Akala ko naman ay sa canteen namin balak kumain. Saan niya gusto? Saan niya ako dadalhin?

Pumasok ako sa frontseat at hindi siya umimik. Bakit nag-iba ang trato niya sa akin? Nagtataka pa rin ako. Nagsimula siyang mag drive at palihim ko siyang sinusulyapan. Myghad, first time 'to pero ayos lang, may tiwala ako sa kaniya.







"Kung hindi natin matatapos ngayon ay bukas nalang." seryosong aniya.

"S-sure! Medyo nakakapagod din eh." reklamo ko at ngumiti. "Pero kung ikaw ang kasama kong gumawa ay ayos lang. Kahit isang buong araw pa natin gawin 'yon." pagdagdag ko at nginitian siya.

First time na tinitigan niya ako at ngumiti.

PUTANGINA! ANG SARAP TUMALON DA BUILDING! ANG SARAP MAGPABUNDOL SA ISANG TRUCK! PWEDE NA AKONG MAGPAKAMATAY NGAYON.

MY, THE BUTTERFLIES IN MY STOMACH! Naramdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko ineexpect na ngingiti siya. May gusto ba siya sa akin?

"A-ang corny mo naman." nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. He's blusing because of me? Lumalambot na nga ba ang matigas niyang puso sa akin? Nagsisimula na ba siyang ipakita ang mabait na side niya sa akin? May pahahantungan ba itong paghabol ko? This isn't a hopeless chase, isn't it?

For the first time in my life. Ngayon lang ako naghabol nang ganito katagal. Ngayon ko lang naramdaman itong kakaibang kilig. Siya lang ang nakapag paramdam sa akin nito. Ghad, i don't want this to end, i like him, i don't think makaka-recover ako. I don't think masasawa ako...

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon