Hindi niya ito tinanggap. Tumingin lang siya sa akin at bumalik sa kinakain. Myghad, he's so attractive.
Umupo ako sa harapan niya, "Ang sungit. I just want to be friends." masaya kong sabi, nakangiti.
Suminghap siya't humarap sa akin, "Excuse me, but can you please leave?" kalmado niyang giit.
"Grabe ka naman! I'm just interested sa-"
"I'm not interested. Please leave." mabilis niyang tinapos ang usapan.
"Nasaan na kaya siya? Late pa rin kaya? I'm curious, what's his name?" sunod-sunod kong sabi kay Rai.
"Baliw ka talaga, ano? Hindi nga raw interesado sayo, kalimutan mo na 'yun." inis na sabi ni Rai sa akin. Maaga kaming pumasok ni Rai ngayon, gusto ko na kasi agad siyang makita.
Isang linggo na ang nakalilipas at ganoon pa rin siya, hindi ako pinapansin. He's turning me on, ayon ang mga type ko.
I love the chase, it's always been a part of me.
"Pwede bang tumigil ka na?" giit niya, kalmado pa rin ngunit kita sa mata na galit na.
This is what i love the most about chasing, iyung tinutulak na ako. It's more challenging, dagdag thrill.
Wala siyang kaibigan, wala akong nakikita. Lagi siyang mag-isa at sa nakikitang iyon ay naaawa ako. Ang sungit kasi. Joke. Pero ito na nga ako, nilalapitan 'cause i'm hella interested sa kaniya.
"Ayoko. Curious lang ako sayo. Ano'ng pangalan mo?" pangungulit ko.
Sa simpleng usapan naming ito'y kinikilig na ako. Hihi. Inlove na ata ako.
"Gaga! Anong inlove. Ano bang sabi niya?" hindi makapaniwalang sabi ni Rai habang kinukulit ako.
"Elide ang pangalan niya! Magugustuhan ako non, i'll do everything!" giit ko.
"Tapos ano? Sasaktan mo? Kasi wala nang thrill. Tsk! Ganiyan ang ginagawa mo lagi, Raela! Maawa ka naman sa mga naiinlove sayo! Sa una ka lang magaling e!"
"Heh! Hindi!" pagtanggi ko at ngumiti nang malawak.
Paano, fresh pa rin sa isip ko 'yung usapan namin.
"Hindi na kita gaanong kukulitin, just tell me your name! Pangalan lang naman ang hinihingi ko." pangungulit ko sa kaniya.
Inirapan niya ako't bumuntong hininga, "Mananahimik ka na kapag sinabi ko?" walang interesadong aniya. Shet. Ang gwapo talaga.
"Yes!" masaya kong sabi, nakangiti sa kaniya.
Umirap siya bago magsalita, "Elide." walang ganang sabi at tinalikuran ako.
Halos dumugo na ang labi ko sa pagkagat. Kinikilig ako.
"Akala ko ba, hindi mo na 'gaanong guguluhin'? Anong ginagawa mo ngayon diyaan?" umirap si Rai sa akin.
"Ang sabi ko, hindi ko na siya 'gaanong' guguluhin, wala naman akong sinabing titigil ako." masaya kong sabi.
"Hay nako! Bahala ka talaga jan!" animo'y sinukuan na ako.
"Cookies? I baked this for you." nasa harapan niya ang cookies. Naka-upo na siya sa upuan at ako naman itong inaabot sa kaniya ang ginawa ko.
"Akala ko ba mananahimik ka na? Why are you here?" iritado niyang sabi.
"Eh. Ilang araw naman kitang hindi kinausap? Hindi pa ba sapat iyon?" katwiran ko. "Kunin mo na ito, ginawa ko 'to for you." masaya kong sabi at inilagay sa desk niya ang cookies.
Hindi niya ito pinansin. Dumating ang professor ang nagsimula ang klase.
Hindi ako maka-focus dahil nasa harapan ko siya. Nakatalikod na pero ang gwapo pa rin. Ang bango. My, napaka-attractive.
"I'll group you all into five." giit ng professor. Tiningnan niya ang lahat ng estudyante ang sinimulang hatiin ang mga ito.
Nang ituro niya ang nasa pinaka-unahan namin, bumilis ang tibok ng puso ko. Ang nasa pinaka-unang upuan hanggang sa pinakalikod ng row namin ang magkakagrupo.
Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kilig. Salamat, tadhana, ha? You're the best.
Kinalbit ko si Elide na nasa harapan ko. Hindi siya lumingon pero alam kong ramdam niya iyon. Lumapit ako sa tenga niya, "I guess you're stuck with me." kinikilig kong sabi at bumalik sa kinauupuan ko.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomansaI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...