What the fuck!Bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko. Ang ilang unan ay nahulog na. Mukha akong tanga kanina! Nakakainis, ano ba 'yan! Nakakahiya! Nakakabwisit!
Kung pwede ko lang bugbugin ang sarili ko ay gagawin ko. Gusto kong magpakain sa lupa. Nakakahiya talaga 'yon. So, ano? May girl friend ba siya o wala?
What does he mean dun sa word na
"Kapag sinabi kong meron, titigilan mo na ba ako?"
Ano 'yon? Nakakainis kasi! Pagkatapos kong mag-confess ay tumakbo ako sa sobrang kahihiyan. Paano ba naman kasi, bat ba iyon ang lumabas sa bibig ko?!?
Ilang araw ko siyang hindi kinulit. Hindi pinansin. Paano, parang tanga talaga ako doon. Tinatanong ako tas bigla akong magc-confess. Ewan ko ba kung bat iyon ang lumabas sa bibig ko. Bwisit.
Naka-upo kami ni Raiza at siya ang nasa harapan ko. Kumakain ako ng chicken burger at palihim na sumusulyap sa kaniya. Nakafocus siya sa phone niya na tila may binabasang importante.
Nagfocus nalang ako sa pagkain. Makalipas ang ilang minuto ay palihim ulit akong sumulyap. Nag-init ang pisngi ko nang makitang nakatingin siya akin. Parang gusto kong iluwa 'tong kinakain ko.
Nakatingin siya sa akin! Nang magtama ang tingin namin ay inalis niya ito. Ghad, what was that!
Bumalik ako sa kinakain ko at bumaling ulit sa kaniya pagkalipas ng ilang segundo. Nakatingin na naman siya sa akin!
Nasisiraan na yata ako. Seryoso ba ito o nag ha-hallucinate lang ako? Pero imposible e! Dalawang beses na.
Nauna kaming umalis ni Raiza. Nung paalis na kami sa canteen ay tumingin ulit ako sa kaniya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Saglit kaming nagkatinginan. Limang segundo lang yata iyon pero pakiramdam ko ay isang oras na. Bakit niya ako tiningnan?
"Mauuna na ako at aalis pa kami nila mommy. Ingat ka sa pag-uwi." paalam ni Raiza at na-una na. Nagpaalam ako at dumeretso sa library. Mag-aaral ako dahil may test kami bukas.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa nangyari. Wala akong maintindihan sa binabasa ko. Tama ba 'yon? Nakatingin siya sa akin.
Napangiti ako. Kinikilig. Parang nawala ang lahat ng naramdaman kong hiya sa nangyari nung nakaraan. Sa tingin lang niyang iyon, handa na naman akong habulin siya ulit.
Nagulat ako nang dumaan ang isang pamilyar na amoy at mas lalong nanlaki ang mata ko nang makita siyang umupo sa harapan ko.
Seryoso siyang tumigin sa akin at hawak ang isang libro.
What a perfect view. Parang lumabo ang buong paligid, siya lang ang nakikita ko. Alam mo 'yung gano'ng feeling? Pwede na yata gumuho ang buong mundo. Pakiramdam ko ay wala akong pake kung mag-earthquake man at nasa kaniya pa rin ang tingin ko.
"You're ignoring me." seryoso at malamig niyang sabi. Nakatingin sa libro pero kinakausap ako.
Parang tumigil ang puso ko. Kinausap niya ako? Nang hindi ako ang nagf-first move!!!?!?!?! Hindi ako makapaniwala! Gusto kong sumigaw sa sobrang kilig! My, siya lang ang nakakapagparamdam sa akin ng ganito!
"H-hindi naman.. a-ano kasi-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Magfocus ka sa pag-aral. Don't mind me." malamig niyang bulong.
The hell!??!?!?! Paano naman ako makaka-focus kung ganiyan kagwapo ang view! Baka bumagsak pa ako bukas. Siya talaga ang sisisihin ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa libro pero grabe ang dating, kahit sino ay mad-distract sa kaniya.
"Stop focusing on me." rinig ko pang bulong niya. Tumingin ako sa libro at kunwaring nagbabasa. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang libro at palihim na ngumiti. He's making me blush.
Kahit simpleng salita lang ay kinikilig na ako.
Ilang minuto bago ako nakapagfocus. Paano, ang daming pumapasok sa isip ko. Nag-a-assume na naman ako. Tigilan na nga ang pagiging assumera, Rae! Focus sa test!
Hindi ko na namalayan ang oras. Bumaling ang atensyon ko sa libro at paminsan-minsang tumitingin sa kaniya at palihim na ngumingiti. Kung ganito ba naman araw-araw ay hindi ako magsasawang mag review. Kahit araw-araw may test ay okay lang.
Natapos kami pagkalipas ng ilang oras. Nakita kong dumidilim na kaya kaya nag-ayos na ako at nag-ayos na rin siya. Nauna siyang umalis at ako naman itong parang buntot na sumunod sa kaniya. Lumabas siya sa library at sumunod ako sa labas.
"Ihahatid na kita." hindi siya nakatingin sa akin. Ang mata niya'y nasa paligid.
Uminit ang pisngi ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at pagtaas ng mga balahibo ko. He's making me crazy. Grabe ang kilig na nararamdaman ko. Kung pwede lang tumakbo diyan sa daan at magpasagasa. Pwede na akong mamatay sa sobrang saya.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...