1

12 1 0
                                    









Sa buhay natin, hindi imposibleng kahit isang beses ay naghabol tayo. Ang pangingibang bansa ng mahal natin sa buhay, paghabol sa buwan na tila lumalayo kapag nilalapitan natin, paghabol natin sa mga nagbebenta ng dirty ice cream, o hindi kaya lobo, at lalong lalo na sa lahat, ang paghabol natin sa tao. Imposibleng hindi mo naranasang habulin ang isang bagay, o hindi kaya tao.

"Rae!"

Napasulyap ako sa tingin ng kaibigan kong kanina ko pang hinihintay. Ilang oras na akong naghihintay rito.

"The hell, Rai! Akala ko naman ay nabundol ka na diyan sa sobrang tagal mong dumating!" reklamo ko.

"Sorry naman! Na-late lang ako ng gising. Tara na sa room! Sana naman ay may kilala tayo doon." aniya habang iniiba ang usapan. Hinila ako papunta sa room namin.

First day of classes at napagkasunduan naming sabay pumasok. Pagkadating namin sa room ay kaka-unti ang tao rito at kilala namin ang halos lahat.

Sawang sawa na ako sa pagmumukha ng mga kaklase kong noon pa lang ay kaklase ko na. Sila na naman? Simula noong hayskul ay sila na ang mga kaklase ko! 3rd year college na ako at sila pa rin.

Come on! I want to meet new people!






Lumipas ang ilang minuto at dumami na ang nasa room. May ilang hindi ko kilala, sana'y bagong tao na ang mga kaklase ko sa susunod na subject. Pumasok ang professor namin at pinakilala ang sarili niya. Sampung minuto na ang nakalilipas at ito ako, tinatamad makinig. Nakaka-bored.

Humikab ako dahil sa sobrang ka-bored-an. Nagising ang buong pagkatao ko nang biglang pumasok ang isang lalaki. Matangkad siya, makapal ang kilay at maganda ang hugis ng katawan. Naka-plain white t-shirt siya pero kitang kita ang hubog nito. Ang buhok niya'y abot mata, perfect ang jawline at matangos ang ilong. What a perfect view, a very perfect person.

"I'm sorry for being late, miss." hinihingal niyang giit, napakagwapo ng boses.

Pinagalitan siya ng professor at pina-upo sa vacant seat na nasa harapan ko. Nang dumaan siya sa harap ko'y nagising ang buong pagkatao ko. Tumaas ang balahibo ko, ang bango niya.













"Ano ba, Rae? Ayos ka pa ba?" giit ni Raiza. Kumakain kami rito sa canteen, kanina pa ako tulala.

"Nakita mo ba 'yung lalaki doon? Gosh." sabi ko habang kinikilig. Hindi ko makalimutan ang itsura niya. Ang perpekto niyang mukha.

"Iyon ba ang tinutukoy mo?" nagulat ako nang ituro ni Rai ang nasa likod ko. Agad akong lumingon at nakita siya. Tila'y nag-slow motion ang lahat. Siya lang ang nakikita ko at para akong nasa langit. Ang perpekto niyang mukha, grabe.

Dumeretso siya sa isang table at mag-isa na nasa tapat namin. Ngayon ko pa lang nakikita ang isang ito kaya sigurado akong bago siya. Agad kong kinuha ang bag ko at akmang tatayo nang pigilan ako ni Rai.


"Hoy, pasaan ka?" aniya't hinawakan ang kamay ko.

"Pupuntahan siya" giit ko at ngumiti.

"Ano? siraulo ka ba? Mahiya ka naman!" sabi niya na tila bang sawang-sawa na sa akin. "Kada taon mo 'to ginagawa. Siya na ba ang kababaliwan mo ngayong taon?"

Tumawa ako, sawang sawa na siguro siya sa akin pero hayaan na. Kumalas ako sa pagkakahawak niya't lumapit doon.

"Hi!" friendly kong sabi. "Ikaw 'yung late kanina 'no? I'm Rae, it's nice to meet you." nakangiti kong sabi't inilahad ang kamay ko.






--
Disclaimer: this is a work of fiction. names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidetal.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon