15

2 1 0
                                    








Seryoso akong nag-aayos ngayon. Inaya niya ako kahapon na makipagdate at pumayag ako, syempre.

First date namin ito kaya dapat ay maganda ako. Inilugay ko ang kulot kong mga buhok at naglagay ng make-up sa mukha.

Light lang ang make-up ko ngayon. Excited na ako. Masama ang tingin ni Raiza sa 'kin na ka-video chat ko ngayon.

"Masyado kang bitter, dapat sayo, mainlove para naman langgamin ka ng kahit kaunti." sabi ko habang nag-aayos.

"Hay nako! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa mainlove! Stress lang 'yan. Sakit lang ang dala! Sino ba namang tanga ang gustong masaktan?" nabbwisit naman na aniya. Tinawanan ko lang siya.

Simple lang ang suot ko ngayon. Naka color peach na dress ako.








"Ano'ng gusto mong panoorin?" nginitian ako ni Elide. Isang masaya at simpleng ngiti. Paminsan-minsan ko lang siyang nakikitang ngumiti pero iba itong ngayon, ako ang dahilan. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti, kanina pa ako nakangiti dito na parang sira. Ang sakit na ng panga ko.

"Kahit ano." nakangiti kong sabi.

"Uh, ito?" tinuro niya sa 'kin ang isang romance movie. Tumango nalang ako. Bumili siya ng ticket, popcorn, at inumin at pumasok na kami sa loob ng sinehan.

Inalalayan niya ako sa paglalakad. Hawak niya ang kamay ko at ako naman 'tong mukhang tanga dahil kanina pa nakangiti.



Lumipas ang ilang minuto. May apat na lalaking magkakaibigang umupo sa tabi ko. Vacant seat kasi iyon.

"Komportable ka ba diyan?" bulong ni Elide sa akin, "We can change seats if you want..?"

Umiling ako. "Ayos lang ako."

Tumango siya at inabot ang popcorn sa 'kin. Nagulat ako nang tanggalin niya ang jacket niya at nilagay sa hita ko.

"Kita kasi 'yung legs mo, baka masilipan ka." nag-aalala niyang sabi.

Naramdaman ko ang bilis na pintig ng puso ko. Oh my fucking... I would die for him.

Iba talaga ang kilig ko sa kaniya. Kakaiba ang pinaparamdam niya sa akin. Kakaiba ang sayang nararamdaman ko. I wish this could last forever.







Kumain kami pagkatapos manood. Naenjoy namin ang movie at pinag-usapan pa ang mga pangyayari rito.

I enjoyed this moment with him. Tawanan, asaran, at kulitan. Sinusungitan niya pa rin ako paminsan-minsan pero ramdam kong pabiro ito.

"Thank you, Rae. I enjoyed spending time with you." masaya niyang sabi sa akin habang hawak-hawak ang kamay ko.

Gabi na at nasa tapat kami ng bahay ko. "Thank you rin." masaya kong sabi at nginitian siya. Binalot ulit kami ng katahimikan.

"M-mauuna na ako?" pagbasag ko ng katahimikan at magpapaalam na sana nang biglang hilahin niya ang kamay ko't hawakan ang pisngi ko.

He kissed me. Isang mabilis na halik. Sigurado akong wala pang limang segundo ang halik na iyon.

Naramdaman ko ang kung anong kuryente sa katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at tumindig ang mga balahibo ko. Iyan na naman ang mga alaga ko sa tiyan.

For the first time in my life, I felt this inexplicable feeling. This wasn't my first kiss or my first date. Pero feeling ko ay first time ito.

I've never been this in love.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon