Kanina pa 'ko pagulong-gulong dito at hindi pa rin makarecover hanggang ngayon. Hindi ko makalimutan 'yung nangyari kanina.Grabe, ganito pala 'yung feeling. Ang sarap. Ang sarap-sarap mainlove.
Ba't ba may mga taong ayaw mainlove katulad ni Raiza? Nako, ang sarap kaya! Gigising ka nang nakangiti tas tutulog kang nakangiti rin! Hihi.
Agad kong kinuha ang phone ko nang maramdamang tumunog ito. Binuksan ko 'to nang makita kung sino'ng nagmessage.
Elide my love! <3:
See you tom, hehe. Good night. :)
Kinikilig ako! Kinikilig 'yung buong organs ko! Kahit sa nickname na sinet ko ay kinikilig ako.
Nagpagulong-gulong ulit ako sa kama bago nag reply.
Me:
See you. Good night. :3
Myghad, I love you, Elide!
Nang maramdaman kong mag vibrate amg phone ko ay tiningnan ko ito.
Elide my love! <3:
How's your sleep? :D
Nasa klase kami ngayon at palihim na nagc-chat.
Me:
Okay lang. Masarap ang tulog. You? :>
Elide my love <3:
Masaya rin. Lunch later? :p
Me:
Sure! :>
Para akong tanga dito na nakangiti. Tiningnan ako ni Rai at masama ang tingin niya sa 'kin. Bitter talaga ang isang ito!
Gaya nga ng usapan, sabay kaming kumain ng lunch ni Elide. Wala namang nagawa si Raiza no'ng tinaboy ko siya. Joke. Sinabihan ko siya na sabay kaming kakain at siya na mismo ang nagsabin doon muna siya kay na Aika sasama, mga kaklase namin simula noon na kaibigan din namin.
Nagtatawanan kaming dalawa ni Elide. Nagbaon siya sinigang na siya raw mismo ang nagluto.
"Thank you dito ha? Ang sarap!" natutuwa kong sabi at hinigop ang maasim na sabaw.
Ang sarap ng luto niya. Gusto ko pa tuloy tikman ang iba niya pang luto.
Tumango lang siya at nginitian ako.
I still can't believe that he likes me. Hindi ko talaga inexpect na mangyayari 'to. Ewan ko ba kung anong nangyari sa 'kin. Kung ano'ng nangyari sa 'min. Hindi ko na maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay ang pagsusungit niya. Pero hindi bale, ngayon ay masaya na kami. Sana hanggang dulo, kami.
Imbis na pumunta sa bahay ay itinigil niya ang kotse niya sa isang malaki na bahay. Pumasok siya dito at pinasunod ako. Ang lawak ng loob, madilim at walang tao.
Binuksan niya ang ilaw at doon ko nakita kung gaano kalinis at kaganda ito.
"Stay here. May kukunin lang ako." aniya at iniwan ako doon mag-isa. Umupo ako sa sofa at hindi gumalaw. Tanging ulo ang gamit ko sa pagtingin sa paligid. Sa gilid ay makikita mo ang isang malaking picture frame ng isang babae at isang lalaki sa isang kasal. Sigurado ako na magulang niya ito.
Maikli ang buhok ng babae at maganda. Sa kaniya nakuha ni Elide ang magandang mata. Sa ama naman ang matangos na ilong at magandang labi.
"Hey." nagulat ako at napatingin kay Elide. Tiningnan niya ang picture frame na tiningnan ko. "My parents. Nasa LA sila ngayon,"
"Ah. Mag-isa ka lang dito?" tanong ko.
"No, wala lang dito sina manang. Nandoon sila ngayon sa isang bahay namin." aniya.
Isang bahay? Ang laki na ng bahay nilang ito tapos may isa pa? Ang ibig sabihin ay mayaman siya.
"I want to give this to you." seryosong giit niya at inabot sa akin ang isang maliit na box na color black.
"Ano 'to?" tanong ko naman at dahang-dahang binuksan.
Nagulat ako nang makita ko kung ano ito. Isang gold necklace na may heart pendant.
Bago pa ako makapag salita ay hinawakan niya na ang kamay ko at itinayo ako. Kinuha niya ang kwintas sa box at mabilis itong isinuot sa 'kin. Hindi na ako nakapag salita.
"There. Bagay sayo." aniya at nginitian ako.
"T-talaga? Hindi mo na sana-"
Pinutol niya ang sasabihin ko. "Sayo 'yan. 'Wag mong tatanggalin." aniya.
Hindi na ako nakipagtalo. "Thank you." sabi ko at lumapit sa kaniya, yinakap siya.
Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Ang dalawang braso ko ay nasa balikat niya. Mabilis ang pintig ng puso ko, i'm full of happiness.
"Ikaw lang ang nakapag paramdam sa 'kin nito, Elide." mahina kong sabi habang yakap-yakap pa rin siya, "I love you."
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa magkabilang baywang ko.
"I don't know if that word is enough to explain how you make me feel. For the second time, I've felt this way. Selfishness is immorality but damn, I love you."
Naramdaman ko ang paghawak niya sa pisngi ko. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang pagdampi ng mga labi namin.
Hindi ko na naman naintindihan nang tuluyan ang sinabi niya pero isa lang ang alam ko, we feel the same.
Do we really feel the same?
Imbis na sa CR nakapunta ay naligaw ako dahil sa laki ng bahay niya. Sigurado ako na sa kwarto niya ako nakapasok dahil pamilyar ang imoy nito, ito ang amoy ng pabango niya. Doon ko nalang naisipang mag CR at pagkatapos no'n ay papalabas na sana ako nang biglang mahagip ng mata ko ang isang picture frame.
Nasa tabi ito ng kama niya. Isang babae at isang lalaki medyo bata pa. Ang lalaking iyon ay si Elide, sigurado ako. Malaki ang ngiti niya habang ang ka-akbay ang babaeng mukhang tumatawa.
Kinuha ko ang picture frame na iyon at tiningnan. Sa likod noon ay may nakasulat sa baba, left side.
"Kaori Isabelle <3 Elide Maverick"
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...