Maaga akong pumasok bukas at hindi pa rin nawawala ang bakas ng aking ngiti."E baka naman narinig niya lang iyon sa mga kaklase natin. Assuming ka naman masyado." paninira ni Rai.
"Kung manahimik ka kaya? Sinisira mo pa 'yung pag-aassume ko, e!" bawi ko naman sa kaniya.
Buong araw ay hindi ko siya nakita. Nakakapagtaka. Nasaan siya? Kahit no'ng lunch ay wala siya. Imbis na buong araw ay masaya ako ay napalitan ito ng lungkot. Hindi siya pumasok ngayon?
"Oh, kanina lang masaya ka diyan, ngayon nakabusangot ka na." pang-aasar ni Raiza sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin. Totoo naman eh. Ang saya-saya ko kanina tas nawala nung nalaman kong hindi siya pumasok. Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi siya nakikita. Nakakalungkot tuloy. Hays.
Kinabukasan ay hindi rin siya pumasok. Sa sumunod na araw, at sa sunod pa na araw. Ilang araw na siyang hindi pumapasok? Nasaan kaya siya? Okay lang kaya siya? Baka naman may nangyaring masama sa kaniya? Ang huling naaalala ko ay 'yung hinatid niya ako.
Sana naman ay pumasok na siya bukas. Isang linggo siyang hindi pumapasok. Namimiss niya kaya ang pangungulit ko?
"Ano na naman ang pumapasok sa isip mo, Rae? Ano? Parang tumigil na 'yang buong mundo mo dahil lang diyan sa Elide na iyan." inis niyang sabi, magkasama kasi ngayon sa bahay niya at tulala ako.
Nasa kwarto kami ni Rai, dito ako matutulog ngayon, sleep over. Meron siyang kung anong color green sa mukha niya, clay mask.
Ako naman ay naka-upo sa kama niya habang yakap ang isang stuffed toy. Nakabusangot.
"Nagtataka kasi ako! Bakit hindi siya pumasok? Tingin mo ba may nangyari nang masama sa kaniya?" nag-aalala kong sabi.
"Baka naman dahil sa sobrang kakulitan mo ay nawalan nang gana pumasok." pag-aasar ni Rai at tumawa na parang isang unggoy.
"Tse! Seryoso ako ngayon huy!" inis kong sabi sa kaniya at inirapan siya.
"Ano ka ba? Alam mo iba na 'yang pagtingin mo kay Elide ha." aniya.
"Paano naman kasi-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Napapansin ko, hindi naman ako bulag!" aniya na parang alam na alam ang mga pangyayari. "Kakaiba 'yang si Elide. Halatang hindi interesado sayo."
"Baka bulag. Ang ganda-ganda ko tas hindi siya naiinlove sa 'kin." Katwiran ko.
"'Yun nga, e. Ang ganda-ganda mo tas habol ka nang habol." giit niya at bumuntong hininga. "Ewan ko nga rin diyan. Tatlong araw lang ang pinaka mabilis mong nahabol, 'yung si James ba 'yon?"
"Nakakasawa naman agad 'yun. Wala nang thrill, masyadong mabilis-"
"E yung Nathan? Limang araw ba 'yon? Basta! Nakalimutan ko na! Tatlong linggo ang pinakamatagal mong hinabol."
"Si Drew 'yung pinakamatagal kong hinabol. Isang buwan din 'yun!" giit ko, gabing gabi na ay nag c-chismisan pa kami rito.
"Ay, oo nga pala! Naaalala ko na. 'Yun 'yung sa una lang magaling, diba?"
"Oo."
"Paano kung ganiyan din si-" inunahan ko na siya.
"Hindi! Magkaiba si Drew at Elide. Ramdam kong mabait itong si Elide!" pagtanggol ko.
"Hay nako. Tapos kapag nahulog sa iyo yang Elide na 'yan ay sasaktan mo lang? Kasi wala nang thrill?" inis na sabi ni Rai, sawa na sa ugali ko. "Sa lahat ng naging boyfriend mo, ikaw ang nakipagbreak, e! Kailan ka ba titigil sa gawaing 'yan!"
"E kasi ang boring na nila pagkatapos kong makuha! Ayoko sa masyadong sweet, masyadong clingy! They only like me because of my face!" pakikipagtalo ko sa kaniya.
Totoo naman. Walang kwenta talaga 'yang mga lalaki na 'yan. Kung ic-compliment ako ay laging mukha ko at NEVER ang ugali ko. Kaya sino ang hindi masasawa kung nagustuhan ka lang ng isang tao dahil sa itsura mo?
"Kapag hindi nahulog sayo si Elide ay malaki ang impact niyan sayo. Karma mo na 'yan!" aniya at nag-evil laugh.
Pero inaamin kong hindi naman sa lahat ng oras ay lagi itsura ko ang nagustuhan nila. May iba rin akong ex na ang boring na talaga kaya nakikipag break na 'ko. Myghad, i love the chase so much. Hindi ako nagdadalawang-isip sa pakikipagbreak kapag wala nang thrill. Kaya hindi ko rin masisisi si Rai kung bakit ganiyan siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
Roman d'amourI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...