I have never chased someone hopelessly.Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal.
But is it right to chase something or someone hopeless?
We'll do anything for happiness, for our pleasure.
Pero hanggang saan ang kaya nating ibigay para sa kasiyahang walang kasiguraduhan?
Isang taon na ang lumipas. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang nakaraan.
A once a lifetime experience that I will never forget.
Medyo maraming ang tao ngunit nangingibabaw ang tunog ng mga ibon. Ang sariwang hangin at ang nalalapit na sunset.
Ang lugar ko saan ko siya sinundan,
ang lugar din kung saan natapos ang lahat.
I already forgive him for what had happened. That love was a mistake. It was selfish.
Pero kahit naging makasarili siya ay hindi ako galit. Ginusto ko rin naman ang pag-iibigan naming 'yon. It left a scar on me but i won't deny that it was the best agony of all. It left a lesson, it gave me a different level of happiness.
March 15 ngayon, birthday ko. Imbis na mag celebrate kasama ang mga kaibigan at pamilya ay mas pinili kong mapag-isa.
"Choose h-her, Elide." pagpilit ko sa kaniya. "Hindi pwedeng dalawa. Sa isang laro, isa lang ang panalo. Gano'n din sa pag-ibig. Hindi pwedeng dalawa." God knows that i don't want to do this. Ayoko siyang pakawalan.
Masakit ang lahat ng nangyari pero hindi 'yon sapat na iwan ko siya. Na pakawalan ko siya.
Pero hindi ako ang nauna. Ano ang karapatan kong ipagdamot siya sa totoong nagmamay-ari sa kaniya?
Kung hindi nacoma si Kaori, sigurado akong hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Hanggang saan ang kaya nating ibigay para sa kasiyahang walang kasiguraduhan? Kasiyahang sa una mo lang mararamdaman?
Ang lahat. Ibibigay ko ang sarili ko nang buong-buo. Wala akong pagsisisihan. Sa lahat ng ginawa ko ay alam ko sa sarili ko na wala akong pagsisisihan.
Para sa iba, ang pinaka-importante ay ang wakas. Kapag pumasok ka sa relasyon, iisipin mo kung kayo ba hanggang huli, diba?
Gano'n din ang iniisip ko... noon. Ngayon napagtanto ko na mas importante ang gitna. Ang alaala. Mas importante 'yung naramdaman mo no'ng mga oras na 'yon. 'Yung pag-ibig na naramdaman mo, 'yung saya, kilig, at 'yung lesson na matututunan mo sa kalagitnaan ng relasyon niyo.
Hindi kami ang wakas, pero masaya ako dahil naging parte ako ng buhay niya. Na minahal niya rin ako...
"Ang ganda naman ng necklace mo." natauhan ako at napatingin sa katabi ko. May babaeng naka-upo sa tabi ko. Mahaba ang buhok, makapal ang kilay, chinita at maganda.
"Thank you," sabi ko at nginitian siya. Nabaling ang atensyon ko sa suot niyang kwintas na kapareho ng akin.
"parehas pala tayo." dagdag ko pa at sabay kaming tumawa.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...