20

4 1 0
                                    

thank you for reaching here :)
----------------------------------------------



"She got into an accident." nabitawan ko ang phone na hawak ko. Hindi ako makapaniwala. I rushed as quickly as i can sa Ospital.

I was too late. Nabalitaan ko na nacomatose siya.

Damn, my whole life fell apart.


Sana ako nalang 'yung na-coma. I can't resist seeing her having a hard time lying on that bed, she's suffering.






"Elide Maverick Andal! Wala ka bang balak gawin sa buhay mo? Patuloy mo pa rin bang hihintayin si Kaori? Mag seryoso ka, anak! Lumalaki ka na at hindi bumabata!" pag bunganga ni Dad sa 'kin.

"D-dad, please. Let me be—"

"Let you be!? Hindi pa ba sapat ang isang taong pag tigil mo sa pag-aaral? Sa tingin mo ba ay matutuwa si Kaori sayo kapag nakita niyang iyan ang nangyayari sayo? Hindi pa katapusan ng mundo! You can wait for her to wake up while studying!"









First day of classes, late ako. Wala akong ganang pumasok.

But Dad's right. I need to fix my life. I'm sure that Kaori won't be happy pag nalaman niyang ito ang nangyayari sa akin ngayon.






Lunch.






May annoying na babaeng lumapit sa akin. Damn. She's so annoying. Hindi niya ba ramdam na hindi ako interesado sa kaniya? Tsk.







Damn, akala ko'y titigil na siya kapag binigay ko ang pangalan ko. Hindi pala. She gave me cookies that she baked daw.




Imbis na mainis ay natahimik ako. I remember when Kaori used to bake for me.






"I'll group you all into five." seryosong sabi no'ng professor. Tiningnan ang lahat ng estudyante ang hinati ito.


Tinuro niya ang nasa pinaka-unahan namin. Ang nasa pinaka-unang upuan hanggang sa pinakalikod ng row namin ang magkakagrupo.

Fuck. That annoying girl is behind me.


Naramdaman ko ang pag kulbit niya sa akin. Hindi ko siya nilingon. Naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. "I guess you're stuck with me."

SHE'S ANNOYING.






Kahit naiirita ako sa kaniya ay sinearch ko ang pangalan niya.

Raela Isabelle.

I miss Kaori so much. Naluha ako nang maalala na naman siya. I miss you so much, Kaori Isabelle. Gumising ka na.












Late na dumating si Raela. Halata sa mukhang may make-up. She's pretty, i won't lie.




Pero hindi iyon sapat para maging interesado ako sa kaniya. (Well, that's what i thought.)





Damn, grabe naman ang babaeng ito. Talagang nagpahatid pa sa 'kin? I told her not to sit in the frontseat dahil si Kaori lang ang umuupo doon pero tumuloy pa rin siya. Annoying na nga, makulit pa. Damn, she's driving me crazy!

Nakita ko pa ang pagkislap ng mata niya nang marinig na binanggit ko ang pangalan niya. Fuck!

Baka isipin niya ay interesado ako sa kaniya! Wrong move, Elide Maverick!








Kahit nag-aaral ay nagagawan ko pa rin ng paraang bisitahin si Kaori. Isang linggo akong hindi pumasok. Hindi alam ni Dad 'yon at sigurado akong magagalit siya kapag nalaman niya.

Hopeless ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon