Natatakot ako. Natatakot na akong mag mukhang desperada. Naghahari ngayon ang isip ko at hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Elide. Na-realize ko ang pagiging tanga ko. Na pinipilit ko ang sarili ko sa isang taong ayaw naman sa akin.My, hindi na ulit niya ako kinausap nung mga sumunod na araw. Okay lang dahil ayoko rin naman siyang kausapin. Ano nang gagawin ko ngayon?
"Move on na!" bulyaw ni Raiza sa akin. May ginagawa akong research at nandito siya sa kwarto ko. Imbis tuloy na makapag focus ay nad-distract ako.
"Ano ka ba? Tapos ka na ba sa research natin? Ang gulo!" inis kong sabi. Tumango siya at tumawa.
"Oh 'yan, love life pa more. Imbis tuloy na pag-aaral lang ang inaatupag mo ay nas-stress ka pa." nang-aasar na giit niya at tinawanan ako.
"Tse! Wala nang chase chase! Titigil na nga ako!" galit kong sabi dahil kanina niya pa akong kinukulit, para manahimik na siya.
"Weh? Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Makakahanap ka rin ng katapat mo. Nasaktan ka tuloy." pagbubunganga pa ni Raiza. Kung ipakain ko kaya sa kaniya 'tong mga scratch paper ko? Ang ingay, hindi ko na natapos itong research!
"Oo na! Ako na 'yung nasaktan. Kasalanan ko rin naman 'to e! Kaya nga mag m-move on na. Hayaan mo na 'ko!" bulyaw ko sa kaniya at nag focus sa laptop.
Kaya ko ba? Lecheng move on 'yan. Sino ba'ng nagpa-uso niyan? Ang dali sabihin, ang hirap gawin.
Akala ko ba ayaw ko na? Nung tinalikuran ko siya doon sa roof top, akala ko, ang lakas-lakas ko na. Na kaya ko na ngang pa-iralin ang isip ko. Pero jusko, kapag nakikita ko siya, nawawala 'yumg galit ko. Ang gwapo niya kahit wala siyang ginagawa. Bigla kong naalala ang pangungulit ko, nakakamiss.
Pwede bang bumalik nalang ako sa nakaraan? Gusto kong balikan 'yung time na wala lang siyang pake at hinahayaan niya 'kong kulitin siya.
Ayoko na, ayoko na, ayoko na.
Paulit-ulit 'yang tumatakbo sa isipan ko. Pero ngayong nasa harapan ko siya at amoy na amoy ko ang pabango niya, pakiramdam ko'y matutunaw ako. Nakakapanghina. Sana pala'y pinatawad ko nalang siya. Huhu. Pinagsisisihan ko nang tinalikuran ko siya?
Anong pinagsisisihan? Tanga ka ba, Raela? Hindi ba't ayaw niya nga sayo? Hindi ka ba maka-intindi
JUSKO! TAMA NA!
KANINA PA NAG TATALO ANG PUSO AT ISIP KO. HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN, SASABOG NA AKO DITO! NAKAKABALIW!
"Rae." nagulat ako nang makita siya sa harapan ko. Myghad, hindi ko na napansin. Nasa harapan ako ng locker mag-isa. Magc-cr daw muna si Rai dahil hindi na niya matiis.
Hindi ako nagsalita. Tiningnan ko lang siya. Mabilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. A-anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Papansinin ko ba? Tatalikuran ko ba?
Naestatwa ako. Hindi makagalaw. Oh my.
"I'm sorry sa lahat ng sinabi ko. You don't deserve those kind of words." sincere ang boses niya at diretsong nakatingin sa akin.
Papatayin ako ni Raiza kapag pinatawad ko siya. Pero diba walang perfect? We all make mistakes? Hindi naman siguro masama na patawarin ko siya? Nag sorry na naman e!
"R-rae. I understand kung galit ka. If you h-hate me, kasi kasalanan ko naman. I won't stop until you forgive me..." ramdam ko ang sinseridad niya habang seryosong nakatingin sa 'kin. Ang mapupungay niyang mga mata... he's so damn hot.
Nagpapa-cute siya and it's working. Ghad, i forgive you already.
"Hindi, okay na. Sorry rin." sabi ko at yumuko. "Totoo rin naman 'yung sinabi mo, siguro nga i look st-"
"No. Please. I'm sorry. 'Wag mo na sanang isipin 'yun." aniya't hinawakan ang isa kong kamay. "I'm sorry for hurting you. H-hindi totoo lahat ng sinabi ko. It was all out of anger..."
Wala akong masabi. Bakit ganito? Ang dali-dali ko siyang patawarin. Nakalimutan ko na ang lahat ng sinabi niya. Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay nasa harapan ko siya humihingi ng tawad.
Nagulat ako nang maramdaman ang yakap niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at naestatwa ako. Naramdaman ko na naman ang kakaiba sa tiyan ko. Ramdam ko ang init ng katawan niya,
"I never should've said that because none of that was true. I never hated you, Rae." mas lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa 'kin. "I hate me. I hate myself for feeling like this when I'm with you."
Please, please stop the time. Gusto kong ganito nalang habang buhay. Alam kong iniyakan ko siya pero okay na ako. Alam kong sinaktan niya ako pero okay na 'ko. Alam kong magagalit si Raiza dahil sa pagiging marupok ko pero okay lang.
Okay lang... basta si Elide.
BINABASA MO ANG
Hopeless Chase
RomanceI have never chased someone hopelessly. Chase is a part of our life. There is no circumstance in our lives that we never chased something or someone. It is normal. But is it right to chase something or someone hopeless? We'll do anything for happin...