SIMULA

3.7K 155 29
                                    

Not edited!

______________________________________

MAINGAY at nagkakagulo ang mga doctor at nurses sa Cebu General Hospital pagdating ng Isang ambulansya na kung saan nakasakay ang Isang kritikal na pasyente.


Mabilisan itong ipinasok habang sakay ng stretcher, naliligo sa sariling dugo at walang malay ang babae. Siguradong isang napakalalang aksidente ang kinasasangkutan nito.


"Doc, ano hong nangyayari?" Isang tinig ng babaeng nurse.


"Car Accident sa south tunnel," aniya nito.


"Diba anak iyan ni Gobernador Favio! Paanong nangyari ito?," bulalas ng isa.

" Hindi pa matukoy kung anong nangyari, siguradong puputok ito sa balita ngayon!,"


Napahinto ang lahat ng pumasok ang taong inaasahang dumating. Ang ama ng babaeng isinugod sa ICU, si Favio De Garcia ang Gobernador ng Cebu. Humahangos ito at bahid ang pagalala sa mukha nito.



"Where is my daughter?!," pumailanglang ang boses nito. Isa itong striktong tao at puno ng autoridad kaya naman ay halos lahat ng naroon ay takot dito. Buti na lamang ay may naglakas loob na nurse ang nagsalita at itinuro ang pintuan ng ICU.



Doon ay nasaksihan nila kung paano umiiyak at manlumo ang kanilang Gobernador. Mayamaya pa ay humahangos na pumasok ang Isang di katandaang babae na supistekadang manamit. Naka high heels ito habang bitbit ang Isang YSL na bag sa kanyang kamay. Lumapit ito Kay Favio at yumakap sa lalaki. Ito si Almiranda De Garcia ang pangalawang asawa nito at ang tumayong Ina ni Aurora.


Nagsisi si Favio sa nangyari sa anak, sana ay hindi na lamang niya ito niregaluhan ng sasakyan. Kung alam lang niyang mangyayari ito ay naprotektahan na sana niya ito.


Wala siyang kwentang ama kung may mangyayaring masama sa kanyang kaisa-isang anak. Wala siyang pakialam kung babatikusin siya ng mga tao na Isa siyang pabaya ang gusto lamang niya ay ang kaligtasan ng kanyang anak.


Noong nakaraang araw ang naganap ang ika- dalawampu nitong kaarawan. At kahapon lang ay nagpaalam itong mamasyal sa kalapit na mall. Napasapo na lamang siya sa kanyang noo, at walang magawa kundi ang maghintay sa doctor na umasikaso sa anak.


Lahat ng naroon ay nagaabang sa paglabas ng doctor sa loob ng ICU, nakamatyag ang ibang pasyente at nurse sa pangyayari. Hindi rin naman sila makalapit sa kinaroroonan ng Gobernador dahil naroon ang mga guard nito na nakabantay din.



Napaangat ang tingin ni Favio ng bumukas ang pinto at inilabas doon ang bulto ng Isang lalaking doctor. Agad na pinahid ang luha at lumapit siya dito.



"Doc, how's my daughter?,"



"Gov. De Garcia, for now your daughter is instable, but there's a big possibility that she will not easily recover. Malakas ang impact sa kanyang katawan ang nangyari, there are some fractured especially in her head," mahabang paliwanag nito.



"What do you mean doc?" anas ng Gobernador.


"I'm sorry Sir, your daughter is in a state of comatose," mahinang bigkas ng doctor na rinig at ikinasinghap ng lahat.



Humagulhol naman si Almiranda sa narinig, at parang binagsakan ng langit at lupa si Favio. Her daughter! Ang unija hija niya! Oh god paanong nangyari ito!



Napahawak ito sa kanyang dibdib at ang lahat ay nabigla ng Unti-unti itong bumagsak sa kinatatayuan.




"Gov!"



______


NAPABALIKWAS siya ng bangon ng biglang tumunog ang kanyang telepono. Masakit pa ang kanyang ulo dahil sa hangover. Nagkaroon sila ng inuman ng kanyang mga kaibigan, pumayag siya doon dahil Wala naman siyang pasok sa trabaho ngayon nag leave siya ng isang linggo.


"What is it Tito Vanz?," aniya niya sa tumawag.


"Calder, I need your here right now," saad nito.



"What? Is there something happened? Naka leave po ako ngayon sa trabaho," kunot noong aniya niya. Kapag ganito Kasi tumawag ang Tito niya ay alam niyang seryosong usapan ito.




"I know but I have a kritikal patient at hindi ko ito maasikaso ng maayos dahil bukas ay tutungo ako sa America at magtatagal ako doon and I want you to replace me and take my position," lintaya nito.




"Sure Tito, I will go there in time, by the way who's the patient?," kurios niyang tanong dahil mukhang mahalaga ang taong ito sa pananlita pa lang ng kanyang Tito.



" It's Aurora De Garcia, the Daughter of Gobernador Favio De Garcia," napatda siya sa ibinigkas nito.



Nagkasalubong ang kanyang kilay sa narinig. Ang anak ng Gobernador? Hindi yata siya nakarinig ng balita ngayon. Pero sa kabilang Banda ng kanyang isipan ay parang na excite ito. Siguradong magiging mahaba ang pagaalaga niya dito dahil isa itong anak ng malaking tao isang making galaw lang ay sigurado sa impyerno siya babagsak. Pero hindi siya naging Isang Dr. Calder Pritzker para katakutan ang bagay na iyo. Isa siyang tanyag na Isa sa pinakamagaling na physician sa Pilipinas at takot ang lahat sa kanyang malamig na pakikitungo sa karamihan. Minsan lamang siyang ngumiti at Makita sa publiko dahil pinaka ayaw niya ang ma expose.




Napaka private niyang tao at trabaho lang ang inaatupag niya at ngayon lamang siya muling nakipag inuman sa mga kaibigan, pinagbigyan lamang niya ang mga ito dahil kinukulit siya at hindi tinitigilan.



Napadako ang tingin niya sa hawak na papel. Nakalagay doon ang pangalan ng dalagang pasyente.



Aurora De Garcia, 20 years old.
A comatose patient - Room 222


Naalala niya ang pagtatagpo nilang iyon. Binato nito ng sapatos ang kanyang sasakyan ng aksidente niya itong nabusinahan habang bumibili ito ng street food sa labas. Napaka simple lang nitong babae, hindi mo akalaing anak mayaman at anak ng Gobernador.





But he didn't expect na hahangtong ito sa ganitong sitwasyon but whatever it takes he will make the sleeping beauty wake up.









____

I will not promise to update everyday, but surely I can update in my vacant time, weekends!

Plss do vote and comments, Luvlots!

AURORA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon