Kabanata 13: Mensahe

742 34 1
                                    

Grammatical Errors
and typos a head!

Mensahe.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆


KARINA

Sa tuwing naalala ko ang tagpo namin kahapon ay hindi ko maiwasang pamulahan ng mukha.

He likes me.

At hindi ako makapagsalita...hindi ko alam kong ano ang e rereact ko. Hindi naman siguro iyon ang kauna unahang may nagsabi sakin ng ganun, pero iba pag dating sa kanya. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa mga oras na iyon.

" Nak Aurora, ba't namumula ka, may lagnat ka ba?" napahawak ako saking dibdib at wala sa oras na napabaling kay Nanay Cecilia.

" Ah...wala 'to Nay, naiinitan lang ako," wika ko at hinimas ang mukha. Bakit ba naman kasi hindi ito marunong maki sabay.

" Doon ka sa sala may electric fan dun, alam mo naman sobrang init na ng panahon ngayon...teka umalis na ba ang Mama Almira mo?" Napakunot ang noo ko. Hindi ko nakitang bumaba si Mama Almira ang sabi niya ay aalis siya ngayon.

" Nasa itaas pa siguro siya Nay," aniya ko.

" Ah ganun ba, sige maglalaba muna ako. Ikaw magpahangin ka muna doon baka mapano ka," tumango ako dito.

Gamit ang aking tungkod ay naglakad ako pa alis sa kusina at dumiretso ako sa elevator. Nang makarating sa itaas ay naisipan kong puntahan si Mama Almira. Kita kong nakabukas ng konte ang silid nito.


" What—No! Hindi parin ako satisfied sa ginawa mo. Do your best para naman may pakinabang ka!" napahinto ako nang marinig ang Galit nitong boses. Umatras ako dahil ayokong mag eavesdrop sa kung sinuman ang kausap nito. Bumalik na lang ako at nagtungo sa silid. Kailangan ko pang maghanda dahil mamaya ay punpunta dito si Doc. Prince. Susunduin niya ako para e check ang paa ko. Ayos naman na ito. Nakakalakad na ako pero hindi nga lang nila alam.

Bigla akong napatayo nang marinig ang busina ng kotse sa labas. Mukhang siya na ata iyon.


* * *

" What do you mean?" napalunok ako sa ka seryosohan ng boses nito. Sa buong byahe hanggang sa makarating kami dito sa hospital ay wala kaming imikan at tanging tango at iling lang ang sinasagot ko sa tuwing nagtatanong ito.

At ngayon sinabe ko sa kanya ang totoo na nakakatayo na ako ng walang kahit anong agapay. Hindi ko na kailangan ng wheelchair or tungkod.

" N-nakakatayo na ako kaya hindi na kailangan e check pa ang paa ko," mahinang usal ko at nagababa ng tingin. Hindi ko kayang pantayan ang titig niya. Para akong nalulunod.


" No, we will still run a test to make sure na okay na ang kalagayan ng paa mo. And do not force yourself to walk, wag mong madaliin ang lahat," napakamot ako saking noo. E diba iyon naman dapat ang makatayo na ako at maigalaw ko na ng maayos ang paa ko. Bakit parang ayaw ata niya? Ayoko namang maging lumpo forever doc.

" Pero diba, parati mo namang chini-check yung paa ko kaya siguro ay naigagalaw ko na ito ng maayos ngayon...look," tumayo ako sa pagkakaupo. Kita kong napapikit ito at marahas na bumuntong hininga. Hindi ko siya maintindihan.

" I know but still we need to check it, pupunta parin ako sa bahay niyo. I will still be your doctor. Remember your memory lost." mariing aniya nito. Napakunot noo ako at nilabanan ang titig nito. He's wierd.

" Fine..." pagsuko ko dahil wala atang magbibitaw ng tingin sa aming dalawa. Ngumuso ako ng makita ko ang ngising tagumpay nito.

" Stop that pouty lips Princess, I might not hold myself," makahulugang bigkas na na agad ko namang ikinatakip ng bibig ko. He chuckled on my reaction and I was left dumfounded.

AURORA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon