Kabanata 15: Walang Mukha

757 29 8
                                    

[ Grammatical errors and typos a head!]

Kabanta 15: Walang Mukha

AURORA

Namamangha akong napatingin-tingin sa loob ng mall. Para akong ibon na ngayon lang nakalabas sa hawla. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa mall, it's been a long time at hindi ko na matandaan kong kailan ang huling pasyal ko sa lugar na ito. Mas Lalo atang gumanda ang mall, ang dami ring pagbabago.


" Aurora, halika doon tayo sa kabila, I will buy some dresses for you," napabaling ako kay Mama Almira nang hawakan nito ang kamay ko at nagpatinuod na lang ako kung saan ako nito dadalhin.

Pumasok kami sa Isang dress store ng mga damit. Sa hitsura pa lang ay alam kong mamahalin ang brand ng mga damit dito.

" You can pick all the dresses you'd like, I will just call someone for a minute.." paalam nito sakin. Tumango ako kay Mama Almira dahil mukhang importante ata ang taong tatawagan niya. Nang makalabas ito sa shop ay nakangiwi kong binalingan ng tingin ang mga damit sa harapan. They all look good that's why I'm having a hard time choosing what to pick. And plus the dress are so expensive, nakakalula ang mga presyo nito parang pambayad lang ng one month bill ng kuryente. Choss!

Limang dress lang ang kinuha ko yung babagay sa panahon ngayon. Mag sa-summer na rin kasi. May sales lady na sunod nang sunod sakin at nakakahiya na dahil kanina pa ako paikot-ikot dito pero hindi parin bumabalik si Mama Almira. Kinakabahan na rin ako dahil ang mga staff dito sa shop ay panay ang tingin sakin. Baka iniisip nilang wala akong pambayad...nasan naba kasi si Mama Almira? Pati ang bodyguard namin ay hindi ko rin mahagilip. Wala sila sa labas ng shop...ako na talaga ang nagbabayad nito.

Pikit mata kong kinuha ang Isang gold credit card sa shoulder bag na dala ko. Ibinigay ito ni Dad sakin kaso ay ayokong gamitin ito baka isipin ni dad na nagsasayang ako ng Pera.

" Iyan na po ba lahat Ma'am?" nakangiting tanong ng casher sakin pagkatapos kong ibigay ang napili ko.

" Ah—Oo!" tugon ko at bahagyang ngumiti. At dahil hindi ba bumabalik si Mama Almira ay napilitan akong gamitan ang card na binigay ni Dad. Pagkatapos kong mabayaran ang mga damit ay agad na akong lumabas doon para hanapin si Mama Almira. Hindi pa naman ako sanay maglakad lakad dito dahil matagal na akong hindi nakapasok ng mall.

Habang naglalakad ako ay palinga-linga ako sa paligid. Nagsimula narin akong kabahan dahil mas dumami na ang mga tao sa loob ng mall. Hindi ko rin naman dala ang phone ko kaya ay wala akong matatawagan kung sakali mang maligaw ako. Liliko na sana ako sa kabilang side nang may biglang tumawag sa pangalan ko.

" Aurora.." kunot noo kung binalingan ng tingin ang babae. Hindi ito pamilyar sakin pero ang mukha nito ay gulat na gulat na nakatingin sakin.

" I-kaw nga Aurora! Oh my god! Totoo pala ang balita na nakalabas kana sa hospital!" hindi makapaniwalang bulalas nito. Lumapit ito sakin at biglang niyakap ako. Ako naman na nakatanga lang sa ginawa nito dahil kahit saang angulo hindi pamilyar sakin ang hitsura niya. Kaibigan ko ba siya? Kakilala?

" Oh-sorry...nadala lang ako. Ang tagal ko na kasing hindi ka nakita. At ang laki din ng kasalanan ko sayo." mukhang natauhan ito at dumistansya ng konti sakin. Anong kasalanan? At sino ba ito?

" P-pasensya na pero hindi kita kilala.." wika ko sa mahinang tuno. Kita kong napasinghap ito at nanlaki ang mata.

" Y-you have amnesia?" she asked in horror. Her face paled and shock staring at me. Nakaturo pa sakin ang daliri nito. Nagulat nalang ako nang umiyak ito at panay ang hingi nito ng sorry sakin.


AURORA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon