Not edited.
Aurora
Dumating ang mga magulang ni Calder habang ginagamot parin ito sa loob ng emergency room. Hindi ko kayang harapin ang kanyang pamilya knowing na ako ang dahilan kung bakit nariyan ang kanilang anak.
Pinili kong tumalikod at naglalakad patungo sa confined room ni Daddy. Nakalalay naman si Chanel sakin dahil nanginginig ang binti ko, ramdam ko parin ang panghihina.
Nang makarating ay sinalubong ako ni Nay Cecilia na puno ng pagalala, ngunit ang aking tingin ay napadako sa isang bultong nakahiga habang naka oxygen ito dahil malala ang ang natamo nitong tama. Sa kaliwang dibdib malapit sa kanyang puso tumama ang bala ng baril.
"A-no pong nangyari Nay?" tanong ko matapos maupo at abutan ako nito ng Isang basong tubig. Kita kong may pagalinlangan sa mukha nito at nakatinginan pa sila dalawa ng kaibigan ko.
" Anak, matagal ng pinapa imbestigahan ng ama mo ang nangyari sayo at pinalabas lang na sinarado at aksidente ang lahat upang madali lang malaman kung sino ang nasa likod sa nangyari sayo lalo na sa mama mo. At kaya rin pinakasalan ng Dad mo si Almira upang makakuha ng ebidensya kung ito ba ang dahilan ng pagkawala ng iyong Ina pero nabigo ang ama mo. Pero dahil sa nangyari sa iyo ay nagpatuloy ang pagnamnam nila sa galaw ni Almira." napatango-tango ako. Alam kong si Almira ang puno't dulo ng lahat ngunit hindi ko alam na ginagawa iyon ni Dad akala ko ay tuluyan ma niyang nalimot si Mama at pinasarado na ang kaso ko, nagkamali ako. Sa huli kami parin ang inaalala nito. I'm sorry Dad.
" May mga ebidensya silang nahanap isa na doon ang dating selpon mo," natigilan ako, hindi ko na maalala pa iyon. " May naka record doon na boses ni Almira may kausap siya at narinig doon ang Plano niyang mawala ko. Siguradong na record mo iyon bago mangyari ang aksidente at bago mo pa man ito maisumbong. Kaparehog araw ng recording ang araw na muntik kanang mawala. May diaries ka rin at doon sinulat mo lahat kung paano nagiiba ang ugali ni Almira kapag wala ang Dad mo." Hindi ko alam na may ganun akong nakatago, nakalimutan ko lahat ang eksenang iyon.
" Kahapon lang ay kinumpronta ng Ama mo si Almira at nagkasagutan silang dalawa. Maraming evidence ang nagsilabasan kaya walang takas si Almira at dahil sa galit nito ay binaril niya ang Ama mo. Hindi ko lubos maisip na makakaya niyang pumatay para sa yaman. Ngayon ay nakakulong na sya." Niyakap ko si Inay dahil naiiyak na ito. Alam kong matagal na siyang nagtitimpi kay Almira at masama talaga ang ugali nito.
Ayoko pa sanang maligo at magpalit ng damit dahil gusto ko pagising ni Dad nasa tabi niya ako pero pinilit nila ako at tinulaktulak pa ako ni Chanel papasok sa banyo. Matapos nun ay tahimik akong umupo sa gilid ng higaan ni Dad. Hinawakan ko ang kamay nitong may swero at humingi ng tawad sa kanya.
Salamat dahil kami parin ni Mama ang nasa isip mo pero dad ayokong ikaw na naman ang mawala. Mahal na Mahal kita kayo ni Mommy.
Hindi napansing nakatulgan ko ang pagiyak habang nakahawak sa kamay nito. Sobrang bigat ng pakiramdam ko.
_____
Nang magising ako ay parang binugbog ang katawan ko sa bigat. Nahihirapan din akong gumalaw pati narin ang pag buka ng aking mata.
" J-jusko! Anak gising kana!" rinig kung sigaw sa kung saan. Pinilit kong inaninag ang paligid dahil malabo ang paningin ko. Maraming yapak ang narinig kong papalapit sakin. Nang maging malinaw sakin ang lahat ay nakita ko ang mga doctor at nurse na dumungaw sakin. Marami silang ginawa at tinanong sakin ngunit naging blanko sakin ang lahat.
Hindi ko maintindihan kung bakit narito ako at nakahiga. Sa pagkakaalam ko ay matagal na akong nagising at maraming nangyari. Si Dad, si Calder! Nasaan sila?
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...