Not edited!
_______________________________________________________⊰⊱___________________
MALAKI ang ngiting nakaukit sa mukha ni Aurora habang ang kanyang doctor naman ay tulaktulak ang kanyang wheelchair na sinasakyan. Pero nagtataka siya lahat kasi ng taong nadadaanan nila sa hallway hanggang paglabas ng hospital ay nakatingin sa kanya. Bakas ang gulat at mangha sa mga mukha ng mga ito. At kanina pa niya naririnig ang salitang Sleeping Beauty na binibigkas ng mga ito tuwing nakikita siya.
" Doc. Prince," tawag niya dito ng huminto sila sa walang taong lugar at tanging puno at bermuda grass lang makikita. Nasa labas na sila ng hospital sa unahan naman nito ay may mga sasakyan na naka parke.
"
Hey, Doc. Prince!" tawag pansin niya ng hindi ito nagsalita.
" Ahm yes, you are the real Sleeping Beauty," tugon nito. Napanguso siya mukhang hindi naman ito interasadong makipagusap sa kanya.
" Galit ka ba? Kasi pinilit kitang ilabas ako? Pwede naman—"
"No, I'm not— I'm sorry, my iniisip lang ako," bawi agad nito. Napatango naman siya dito at ibinaling na lang ang tingin sa sumasayaw na dahon ng Isang punong kahoy kasabay nun ang pagihip ng hangin na dumuduyan sa kanyang mahabang buhok.
" Doc. Prince, may gadget ka bang dala, yung phone? gusto ko kasing makinig ng music," aniya niya. Agad namang kinapa ni Calder ang bulsa ng kanyang coat buti nalang ay nadala niya ito.
Pinatugtug niya iyon, napangiti siya ng akita ang saya sa mukha ni Aurora ngayon lang muli itong nakarinig ng tugtog. Napatiim bagang pa siya kanina ng hindi agad niya ito na sagot dahil busy siya sa kakatitig dito mula sa likod nito.
" Doc. Calder! Ito po ang upuan niyo!" napatingin siya sa stuff na papalapit may dala itong puting upuan na pinakuha niya kanina. Nagpasalamat siya at kinuha iyon, pumwesto siya sa gilid ng dalaga.
" Ngayon lang ulit ako nakalabas, at ang laki na pala ng pinagbago sa paligid," anas nito para siyang nasilaw ng bumaling ito sa kanya at ngumiti.
"At itong phone mo Doc.Prince napaka astig! Hindi ko alam kung paano ito gamitin iba Kasi iyung phone ko noon," muling salita nito at mangha pang hinawakan ang iPhone niya na bagong labas.Napangiti na siyang nakatitig sa naaliw nitong mukha. He never thought na mangyayari ang araw na ito. Ang akala nilang lahat ay habang buhay ng matutulog sa kawalan ang sleeping beauty but miracle happens. Nagising ito pero may hadlang nga lang, nawala ang ibang memorya nito.
Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita habang nakikinig lang siya dito. Minsan ay tanging tango lang ang tinutugon niya dahil na rin nadidistract siya sa mukha nito.
" Are you hungry, do want to eat—" napatigil siya sa pagsasalita ng Makita ang ulo nitong nakasandig at nakapikit ang mata. Bahagya siyang napatawa...mukhang tinulugan na siya nito. Hinubad niya ang kanyang coat at itinabon sa katawan nito. Ini-ayos rin niya ang pagkakasandig nito, nilagyan ng panyo iyun upang di manakit ang ulo nito.
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...