AURORA
Paggising ko ay Isang gwapong nilalang ang sumalubong sakin. Hindi ko siya kilala pero nakasuot ito ng puti. Nasa langit na ba ako? Si San Pedro ba ito? Pero parang hindi mukha siyang anghel tapos kulay asul pa ang kanyang mga mata. Marahan pa nitong kinuha ang isang bagay na nakaharang saking bibig upang makahinga at makapagsalita ako ng maayos.
Kung anu-ano pa ang sinasabe nito pero wala naman akong maintindihan. Kanina pa ako nagising pero hindi pa matapos tapos ang lag check nito sakin. Napanguso ako ng mapagtanto na wala pala ako sa langit, nasa hospital pala ako. Hindi ko pa masyadong naigagalaw ang katawan ko dahil namamanhid ito. Ilang araw ba akong tulog at pano ako napunta dito?
"Hey, are you okay? May masakit ba sa iyo?" Muli akong napatitig sa mukha nito ng magtanong ito. "A-ah h-hindi k-ko medyo ramdam ang katawan ko," lumapit ito sakin at hinaplos ang buhok ko. Sandali akong napapikit dahil dun.
Titig na titig ito saking mata. "A-are y-you m-my prince charming?," Napatulala ito sa sinabe ko mayamaya ay ngumiti ito sakin dahilan upang Makita ko ang pantay at maputi nitong ngipin.
"No, I'm not a prince, I am your doctor. I am Doc. Calder," napaiwas ako ng tingin. Akala ko pa naman siya na ang Prince Charming ko. Mas Lalo atang nanuyo ang lalamunan ko.
"P-pwede b-ba a-kong humingi ng t-tubig?" mahina at utal kong aniya dito dahil sa tuyong lalamunan ko ay nahihirapan akong mag salita ng diretso at parang ngayon lang ulit ako naka pagsasalita.
Mabilis itong nawala sa harapan ko at nagtungo sa may water dispenser. Bago niya inilahad ang tubig ay ini-adjust niya muna ang higaan ko upang makasandal ako ng maayos. Aabutin ko na sana ang basong inilahad niya pero parang walang lakas ang kamay ko nanginginig pa ito. Siya na lang ang naglapat nun sa bibig ko na agaran ko namang ininum. Naiilang pa ako dito dahil nakatitig lang ito sa mukha ko habang umiinom ako.
Napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal doon ang taong kanina pa hinahanap ng aking mata. Napalayo din ng bahagya si Prince Charming. Ayokong tawagin siyang Doc. Calder masyadong pormal iyon.
"D-daddy,"
Mabilis ang hakbang palapit sakin.
"My daughter! Salamat at nagising kana anak!" naiiyak itong yumakap sakin at parang maiiyak na rin ako sa inakto nito. Hindi kami bati ni Daddy dahil mula noong mamatay si Mommy ay palagi na lang itong nakaharap sa kanyang trabaho at hindi na ako nito nabigyan ng pansin kaya naman ay masaya ako dahil ganito siya sakin ngayon. Pero nakakapag taka parin.
" D-dad, a-no pong nangyari? Bakit po ako nandito?" inosenteng tanong ko. " At tsyaka diba h-hindi tayo bati, wala kanang time para sakin," may himig na pagtatampo kong aniya, rinig kong napasinghap ang ibang narito. Doon ko lang napansin ang dalawang doctor na lumabas kanina ng magising ako. Napabaling ako sa matang babae na nakatingin sakin habang may luha sa mga mata nito, Si Nanay Cecilia! Naalala ko siya iyong nagbabantay sakin nung maliit ako hanggang ngayon pero bakit mas tumanda ata siya ngayon at bakit siya umiiyak?
"Nanay Cecilia," mas Lalo ko yata itong pinaiyak dahil humihikbi na ito. Naluluha naman akong napabalingin Kay Dad. May pagtatanong ko itong tinignan, Kita ko ang hirap sa mata nito.
" A-anak wala ka bang maalala kung bakit ka narito?" sumasakit ang ulo ko sa tanong nito. Pilit kong hinahaluglug ang kasuluksulukan ng isip ko pero wala akong makapa.
Isa-isa ko silang tinignan hanggang napako ang paningin ko sa isang babaeng magara ang damit nasa tabi ito ni Nanay Cecilia. Hindi ko kilala ito pero bakas sa mukha nito ang pag-alala. Ngumiti ito sakin bago pinalis ang luhang tumulo sa kanyang mata.
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...