Kabanta 16: Almira

559 20 0
                                    

Not edit. May grammatical errors and typos.

Aurora

Habol hininga akong nagising sa masamang panaginip. Ang akala ko ay tuluyan ng mawawala si Dad sa akin at ang mas nakahilakbot ay si Mama Almira ang may gawa. Kitang-Kita iyon ng aking dalawang mata pero imposibleng mangyari iyo dahil hindi niya ito magagawa. Pero may parte sakin na kinakabahan at natatakot ako sa maaaring mangyari.

Isang malakas na tunog ang pumukaw saking diwa. Agaran kong dinampot ang selpon sa gilid at sinagot ang sinumang tumatawag.


"Hello" wika ko sa mahinang tuno. Ngunit ang kanyang pamilyar na boses ang hindi ko inaasahang marinig.

"Hi my princess, good morning.
How's your sleep?" aniya nito. Ramdam ko ang pangiti nito sa kabilang linya. Natahimik ako at hindi alam ang sasabihin. I miss him pero hindi pwede, may babae na siya.

" B-bakit tumawag ka? May kailangan ka ba?" mahinahon kong tanong sa lalaki, kahapon lang ay  ako nitong magiingat. Bigla ay pumasok sa isip ko ang babaeng nakausap ko sa mall. Kailangan ko nga pala siyang makausap, marami akong gustong itanong.

" I want to be with you princess, let's go out and have date with me. I don't accept no for an answer. I fetch you at 12 be ready." Napanganga ako sa sinabe nito. Is he serious? Ano bang pakulo ito. Hindi magandang tignan na makikipag date siya sa iba samantalang may nobya na siya.

Sasagot pa sana ako nang baba na ako nito ng tawag. Hindi makapaniwalang nakatitig ako saking selpon. Mapait akong napangiti.

Nakita ko na lamang ang sarili na hawak-hawak ko ang dalawang naka hanger na dress sa makabilaang kamay. Nalilito ako kung alin sa mga ito ang isusuot ko, bakit pa ba ako nagaabala sa kung ano ang isusuot ko. In the end mas pinili ko na lang nag suot ng simpleng dress.


Diretso akong nakalabas ng bahay dahil wala si Mama Almira at hindi ko rin mahagilip si Nanay Cecilia. Kita ko agad ang sasakyan nito sa labas ng gate at hindi ko alam kung ano ang sinabe niya sa mga guard at hinayaan ako ng mga ito na makalabas ako.

Nakangiti itong pinagbuksan ako ng pinto ngunit ibinaba ko ang aking mukha para hindi nito makita ang pamumula ko. Mas lalo ata siyang gumandang lalaki ngayon sa paningin ko. Tila nawala ang pagod sa mukha nito at maaliwalas ito ngayon.

" Saan tayo pupunta?" pambabasag ko sa katahimikan. Tumikhim ito at sumulyap sakin pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa daan.

"You'll know it later, Princess" anas nito kaya napahalukipkip akong pinagkatitigan ito. Naramdaman niya ata ang pagtitig ko kaya ay muli itong tumingin sakin at ningitian ako na agad kong ikinaiwas ng tingin. He's using his charm to me arghhh! Ngiti pa lang niya nahuhulog agad ako lalo kapag kumikinang ang mga mata nito.



Naging tahimik ang byahe sa loob ng ilang minuto at kating-kati na akong malaman kung saan ba talaga kami pupunta. Nakakunot noo lang ako habang pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Marami akong gustong itanong at malaman ngunit nagdadalawang isip ako, ayokong masaktan at sumakit na naman ang ulo ko.


" Where here," deklara nito. Dumaan ang pagtataka sa matang kong bumaling sa kanya ngunit ngumiti lang ito sakin at naunang lumabas upang pagbuksan ako.


Sa Isang beach resort kami huminto. Mabuti na lang at sakto lang ang damit na nasuot ko. Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas ba ako o hindi pero mas pinili ko nalamang tanggapin ang kamay nito nakalahad at inalalayan ako sa paglabas.


" B-bakit tayo nandito? I mean bakit dito?" I asked him as we entered at the entrance of the resort. Akala ko ay kakain lang kami sa isang simpleng restaurant at maguusap. Hindi naman niya sinabeng gusto niyang magpahangin sa dagat.


AURORA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon