Not edited.
Truth Behind
" Who's b-ehind my accident? K-kilala ko ba siya gaya ng sabi ng babae sakin? S-sino doc?" mariing tanong ko. Dumiin naman ang titig nito sakin at nakita ko ang paggalaw ng pangga nito na tila may pinipigilan. Nang magsalita ito ay muntik na akong mabuwal saking kinauupuan sa gulat at rebelasyong nalaman.
" Almira...siya ang dahilan."
Hindi.
" Nagsisinungaling ka lang!" galit kong asik sa kanya at pinandilatan ko ito ng tingin. Hindi magagawa ni Mama Almira iyon, alam kong gusto niya ako. Mabait sya at inaalagaan niya ako na parang sya ang tunay kong Ina. Oo nga't pinagdudahan ko sya ngunit hindi ko matanggap.
" I'm telling the truth, Arura." hinabol nito ang kamay ko nang pilit akong lumalayo sa kanya kaya ay muli akong napabalik sa harap niya.
" Liar. I'm not going to believe your shits! Let me go! I'm going home!" pilit ko itong tinutulak pero matigas ang mukha nito at niyakap ako saking pagwawala. Naiinis ako at gusto ko itong hampasin.
"Fvck it!" napabitaw ito sakin nang malakas kong apakan ang kanyang paa na ikinasisi ko sa huli dahil mukhang nasaktan talaga ito.
" S-sorry." utal kong aniya dito. Nagsimulang rumagasa ang luha saking mata na hindi ko namalayan. Napayuko ako at patuloy na umiiyak hindi ko alam pero ang sakit ng dibdib ko. Nagsasabi siya ng totoo pero hindi ko kayang pakinggan at nasaktan ko pa siya.
" Shhh, it's not your fault. Stop crying." muli ay niyakap ako nito at marahang inalo. Patuloy lang nitong hinaplos ang buhok ko habang umiiyak ako sa kanyang dibdib. Nang mahimasmasan ay katahimikan ang bumalot sa amin.
Isang tunog ng telepono ang bumasag sa katahimikan at napabitaw ako dito. Mabilis ko namang kinalkal ang maliit kong nag dahil patuloy na nag riring ang selpon ko.
Nanay Cecilia calling...
"H-hello Nay?"
" A-anak, Aurora ang Daddy mo!" natigilan ako.
" Ho, anong nangyari kay Daddy at nasaan kayo?" maingay ang background nito at rinig ko ang pagsinghot nito na tila galing sa pagiyak.
" N-nabaril ang Daddy mo, nasa hospital ako ngayon..." iyon lang ang narinig ko bago maputol ang tawag. Kahit nanginginig ay sinubukan kong tawagan ito pabalik ngunit cannot be reach na ito. Sumikip ang dibdib ko at nataranta ako buti na lang ay mabilis akong naalalayan ng lalaking Kasama ko pa pala.
" Calm down. We need to go, kailangan kitang ilayo dito bago pa may mangyaring masama sa iyo." aniya nito ngunit pinigilan ko ito.
" Ayoko! kay Daddy, sa kanya tayo pupunta! Kailangan ko siyang Makita nabaril siya! B-baka—"
" Hush, I know but your safety is my priority, nangako ako sa Daddy mo na babantayan kita." lumuluha akong napatingin sa kanya, seryoso at may pinalidad sa tono pero hindi parin ako sasama sa kanya.
Akala ko ay mapipigilan ko ito ngunit parang sako akong binibit nito patungo sa kanyang sasakyan at dinala kong saan.
Huminto kami sa isang di pamilyar na bahay. Hindi ako umimik, bumaba naman ito at binuksan nito ang pinto sa tapat ko. Matigas akong nakaupo, ayokong bumaba hanggat hindi niya ako ihahatid sa kinaroroonan ni Dad.
" Bababa ka o ako ang magpapa baba sayo? I'm losing my patience now, Aurora." napaigtad ako sa kaseryosohan ng boses nito. Ito ang una't unang nagalit ito sakin.
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...