Not edited!
______________________________________
__________________⊰⊱__________________AURORA
AMNESIA, paulit ulit iyang umeeko sa isip ko. May amnesia iyon ang huling narinig ko bago ako mag pass out kanina. Ang ibig sabihin nito ay hindi lang basta maliit na aksidente ang nangyari sakin kaya ako nauwi sa lugar na ito.
" Nak, wag mong pilitin ang isip mo baka ay sasakit na naman iyan," paalala ni Nanay Cecilia sa tabi ko.
" Nanay anong Araw na ba ngayon at ilang araw o buwan akong tulog?" napaubo ito ng bahagya hindi ko alam kung dahil ba sa tanong ko o baka ay inuubo lang talaga siya.
"H-ha e," bakas ang pagdadalawang isip sa mukha nito. Tumalikod ito sakin at kinalikot ang dalang bag. " K- Kay doctor kana lang magtanong Nak, baka kasi nabigla Kita," dagdag nito.
" Pero Nanay—"
Napatigil ako sa pagsasalita ng bumukas ang pinto at pumasok doon ay babaeng Isa sa nakita ko kahapon bago ako mawalan ng Malay.
" Ma'am, nandito na pala kayo buti at gising na itong si Aurora," sinalubong ni Nanay Cecilia ang babae at kinuha Mula sa kamay nito ang isang basket ng prutas na ngayon ko lang din napansin.
May pagtatanong ang mata kong bumaling Kay Nanay Cecilia. Pero ngumiti lang ang huli.
" Anak, kamusta ang pakiramdam mo? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo?" Nabigla ako ng lumapit ito sakin at marahan sinapo ang pisngi ko.
Napakunot ang aking noo. Anak? Sino Siya?
" S-sino ka po?" napabitaw ito sa pisngi ko, gulat ang rumihestro sa mukha nito.
"H-how...you didn't remember me?" pati rin ata si Nanay Cecilia ay nabigla dahil rinig ko ang pagsinghap nito at napatakip pa ito sa bibig.
" H-hindi, Hindi kita Maalala," wala talaga ni katiting ay hindi ko matandaan ang mukha nito.
" A-ah, Ma'am Almira, huwag muna nating pilitin si Aurora baka po ay sumakit—"
" N-no, I will not force her Cecilia," hinawakan nito ang kamay ko at pinisil, ngumiti ito sakin at muling nagsalita. " Even if you don't remember me, I am still here Aurora tutulungan kitang gumaling at ng makauwi kana sa bahay, I miss those days na magkasama Tayo, I'm sorry kung hindi kita na protektahan sa aksidente," madamdaming aniya nito. Kita kong sincere ito pero Kasi wala akong alam.
"A-no pong pangalan niyo at ka ano-ano Kita?" Natigilan ito at may pait na ngumiti.
" Asawa ako ng Papa, ako ang pangalawang Ina mo Aurora at tinuring kitang tunay na anak," napaubo ako ng wala sa oras.
" Okay ka lang Aurora?" Lalapit na sana si Nanay Cecilia ng senyasan ko ito na okay lang ako.
—
" Asawa ako ng Papa, ako ang pangalawang Ina mo Aurora at tinuring kitang tunay na anak,"
" Asawa ako ng Papa, ako ang pangalawang Ina mo Aurora at tinuring kitang tunay na anak,"
PAULIT- ulit iyong nag replay sa isip ko. Hindi ako nakakibo at nabigla ako sa sinabe nito.
Alam kong nagsasabi siya ng totoo.
Pero ang hindi ko alam kung paano? Mahal na Mahal ni Daddy si Mommy kaya paa nagawa niya itong palitan!
I can't believe this is happening!
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...