Drowned.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆Dalawang linggo na mula noong magpa CT scan ako at naging maayos naman ang takbo ng therapy ko nitong nagdaang araw. Nakakainis lang dahil sa tuwing pupunta ako ng hospital ay palaging nakadikit si Nurse Genevieve Kay Doc. Prince at hinahayaan lang niya ito.
" Aurora!" ang nakangiting mukha ni Mama Almira ang nakita kong papalapit sa direksyon ko. May dala itong tray na may lamang meryenda, nandito kasi ako ngayon nakaupo sa may bench malapit sa pool.
" Here, take your snacks. Ako ang gumawa ng cupcake na yan," aniya nito pagkatapos ilapag ang pagkain sa isang mesa sa harap ay umupo ito sa tabi ko.
" Salamat po," napatingin ako sa tray. May iba't ibang flavor iyon ng cupcake, may strawberry, peanut, and chocolate. Tas may slice din ng red ribbon chocolate cake. Puro matatamis.
" I'm glad na unti-unti ay nakakalakad kana anak, I can't wait to bond with you again gaya ng ginawa natin noon," napangiti ako. Speaking of noon hindi ko parin naalala iyon. Hindi naman sumasakit ang ulo ko pero hindi ko rin naman pinipilit ang isip kong makaalala ulit. I mean naalala ko naman yung childhood ko noong buhay pa ang Ina ko, pero ang hindi ko maalala ay ang pagdating ni Mama Almira sa buhay namin ni Dad. Hindi ko alam kung bakit ganun pero wala talaga akong maalala na nakilala ko ang stepmother ko.
Napatitig ako sa mukha nito. This past days ay palagi itong nasa tabi ko, she even cook foods for me. Hinahayaan ko na lang kahit nandiyan naman si Nanay Cecilia para magluto. Ang sabi niya ay pambawi lang niya iyon sa mga taong hindi kami nakapag sama.
Habang kumakain ako ng cupcake ay biglang nag ring ang cellphone nito.
" Excuse me, I will answer this for a while," I nodded. Nang makalayo siya sakin ay doon lang niya sinagot ang tawag at minsan ay palingon lingon ito sa gawi ko.
Kinuha ko ang cane sa gilid ko dahil parang maiihin ako kaya kailangan kong mag banyo saglit. Tungkod ang ginagamit ko sa pag balance ko sa paglalakad dahil kung palagi akong naka wheelchair siguradong hindi na ako makakalakad pa. Nakakalakad na naman ako salamat sa therapy ni Doc. Prince pero hindi pa talaga straight need ko pang sanayin ang paa ko dahil ilang years akong tulog at isa rin kasi ang paa kong naapektuhan sa aksidente. Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang balat ng saging sa gilid.
" Ahhh!" napasigaw ako ng dumiretso ang katawan ko sa swimming pool. I remember I can't swim. I don't know how to swim.
" Oh my goodness! Aurora!" rinig kong sigaw ni Mama Almira na tumakbo tungo sakin.
"H-help!" Kinapa kapa ko ang kamay at para ko pero mas lalo lang ata akong lumalayo at lumulubog ang katawan ko.
" Cecilia! Guard Help us!" Muling sigaw nito at pilit akong inaabot. I can't, hindi ko kaya nakakainom na rin ako ng tubig.
Ang huling naalala ko ay ang splash ng tubig at ang mga kamay na humila sakin.
_________
"Babe?"
Kumunot ang kanyang noo ng marinig ang boses ng babae. Ni hindi man lang ito kumatok bago pumasok sa kanyang opisina.
" Are you busy? Can we have lunch together? I'm so hungry," hindi niya ito pinansin dahil marami pa siyang inaasikasong papeles ng mga pasyente.
" Hey babe...Calder are you listening to me?" inis nitong lintaya at padabog na umupo sa kaharap na upuan.
" I am busy Genevieve," tipid niyang anas.
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...