Menace.
◆━━━━━━◆❃◆━━━━━━◆Nakatulala lamang siyang nakatihayang nakatitig sa kisame ng silid. Hindi siya makatulog dahil umiikot parin sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Calder kanina. She thinking na baka ay nagbibiro lang ito, but yes she's jealous when he closely talk to someone else like that. Alam niyang wala siyang karapatan dahil pasyente lang siya nito, nakikihingi lang siya ng oras. Ang nakakainis lang ay binibigyan siya nito ng sinyales pero hindi niya alam kung totoo ba. What if he's just getting rid of her because he doesn't want to hurt her feelings especially that she is his patient.
She unconsciously slap her face. I must stop thinking about it! I need to focus more on myself, bago ang lahat kinakailangan ko munang gumaling!" She thought to herself.
Pagkatapos mag-isip ng kung anu-ano ay naisipan niyang pumikit at matulog na lang. Mabuti pa ang kaibigan niyang si Chanel ay kanina pa sarap na sarap ang tulog sa sopa, silang dalawa lang ang naroon dahil umuwi si Nanay Cecilia at bukas pa sa umaga babalik.
Naalimpungatan siya nang maramdamang may kung anong yabag na paparating sa kinaroroonan niya. Naisipan niyang baka si Chanel lang iyon kaya naman ay tumagilid siya at bumalik sa pagkakatulog. Ngunit sa di malamang dahilan ay napamulat ang kanyang mata at laking gulat niya ng may di kilalang tao ang nakatayo sa gilid niya. Naka mask ito at naka pang nurse ang damit may dala itong malaking syringe.
" Ahhhh!"
Napasigaw siya sa gulat ng bigla nitong hawakan ang kamay niya at pilit na itinuturok ang syringe sa kanya. Habang nilalabanan niya ito ay nakita sa peripheral vision ang pagkagising ni Chanel. Malakas niyang naitulak ang taong pilit na umaatake sa kanya. Napaatras ito at galit na sinugod siya ngunit agad itong napahinto ng hampasin ito ni Chanel gamit ang Isang flower vase at mabilis nitong pinindot ang emergency button.
Tulala siyang nakatitig sa taong iyon na nakasalampak sa sahig at walang malay.
"Partner, okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?" tarantang tanong ni Chanel ng makalapit sa kanya. Sinipat nito ang katawan niya at tanging iling lang ang naitugon niya dito. Sa pagkakaalam nila ay walang nurse na makakapasok at papasok sa ganitong oras at tanging si Doc. Calder lang naman ang mag titingin sa kalagayan niya.
Sa oras din na iyon ay ang pagpasok ni Dr. Zachary Kasama nito ang dalawang security sa hospital. Napamura pa ito ng makita ang nakahandusay na babae, agad niyang nakilala ito. Isa ito sa kanilang nurse pero nakakapagtaka anong ginagawa nito doon.
Si Chanel na ang nagbigay ng statement dahil siya ay gulat parin sa nangyari. Hindi niya alam pero bigla siyang napaiyak.
_____
Galit at hindi maipinta ang mukha ni Favio ng malaman ang nangyari sa anak. Alas kwarto ng umaga ng makatanggap sila ng tawag sa kaibigan ng anak. At wala na siyang sinayang na oras at agad na sumugod sa hospital.
" Paanong nangyari ito? Kayo! Inutusan ko kayong magbantay dito pero anong nangyari?" turo niya sa dalawang body guard na inutusan niyang magbantay sa harap ng silid ng anak.
" Sorry po Gov. Hindi po namin alam na may inilagay pa lang pampatulog ang nurse na iyon sa kapeng ibinigay niya sa amin," pahayag ng Isa. Umiling siya at desmayadong tinalikuran ang mga ito at pumasok sa silid ng anak.
Lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha ng makita ang kanyang anak. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap Kay Dr. Calder na nakaupo sa higaan nito. Sa gilid naman ay naroon si Chanel at Nanay Cecilia na may pagaalala sa mukha.
" What happened Doc?" marahang umalis ang Doctor sa higaan at inayos ang pagkakahiga kay Aurora.
" I'm sorry Sir if this happened, but we will assure to strengthen our security-"
BINABASA MO ANG
AURORA
Teen FictionNOT A FAIRYTALE SERIES 1: AURORA Because of her comatose state, Aurora De Garcia has been dubbed "Sleeping Beauty." Although, She didn't eat a poison apple, but she was involved in a car accident that caused her to lose consciousness in five years...