ROLE 56: Duo

14.3K 378 19
                                    


ROLE 56: Duo

Nagsisimula nang kabahan si Maj dahil wala pa rin si Emer sa bahay alas ocho na ng gabi. Tanghali na ng mag-reply si Emer na baka gabihin siya pero hanggang ngayon hindi pa rin dumarating ang nobya niya. Wala na rin itong reply sa text niya at walang sumasagot sa mga tawag niya.

Hindi siya makakain dahil sa pag-aalala. Malayo pa naman ang ospital na pinag-iwanan niya kay Emer. Bumabagabag pa sa kaniya ang takot ni Emer sa ospital.

Para malibang at matigil ang pag-iisip niya kay Emer, nilalaro o kaya pinapakain niya si Thunder. Kinakausap niya rin na kala mo tao.

"Lagi bang gabi umuwi si Emer dati?" Tanong niya kay Thunder na sumagot naman ng pagtango. Oo, sa paningin ni Maj ng tumatango ang aso sa kaniya. "Pasaway talaga."

"Close ba sila ng mga kapatid niya?" Tanong niya uli pero hindi siya pinansin ni Thunder na busy sa pagkain. Napailing na lang tuloy siya sa sarili.

Tumunog ang gate. Nakahinga si Maj ng maluwag ng makitang si Emer ang bagong dating. Nilapitan niya si Emer at hinalikan ito sa pisngi. "How was your date with your siblings?"

Matagal bago sumagot si Emer. "Papatayin ko siya."

Nagulat si Maj sa sinabi at inaasta ni Emer. Ramdam na ramdam sa babae ang galit. Hindi tuloy malaman ni Maj kung matatakot ba siya o MATATAKOT. Basta mas malala pa ang galit nito ngayon kaysa sa noong pinahiya niya ito sa beach. Mas matindi pa noong nagtalo sila dahil kay Anthony at sa privacy.

"W-what happen?" Alanganin niyang tanong.

Walang imik si Emer. Nakikita lang ni Maj ang kamao nitong nagbubukas sara, ang nangigigil nitong panga at nanlilisik na mata. Tapos... parang nalukot ng mukha ni Emer at humagulgol. By instict niyakap niya si Emer. Mas nakakatakot ito sa lahat, ang makitang umiiyak ang babaeng pinakamamahal niya.

"Anong nangyari? Anong problema?" Tanong niya habang hinahagod ang likod ni Emer.

Hindi niya inaasahang sasagot ito dahil sa tindi ng iyak ni Emer pero nagawa pa rin nitong sabihin kung bakot siya umiiyak kahit n putol-putol. "My... M-mom. Sh-she's a-live."

Hindi na pinasalita pa ni Maj si Emer. Binuhat niya ito at dinala sa kwarto. Doon hinayaan ni Maj na umiyak ng umiyak si Emer hanggang sa hikbi na lang ang maririnig sa babae.

"You better sleep." Sabi ni Maj nang sigurdo na siyang kalmado na si Emer. "We'll talk tomorrow." Hinalikan niya sa noo si Emer saka naisipang iwan na muna ito.

Patayo na sana siya nang pigilan siya ni Emer. "Stay,"

At sinunod niya nga ang sabi ng kaniyang nobya.



<3

Lumipas ang tatlong araw na parang walang nangyaring pag-iyak si Emer. Balik ito sa dating sigla niya. Madalas na kinukulit niya pa rin si Maj. Busy uli ito sa trabaho. Ang pinagtataka lang ni Maj, wala nang nabanggit pa si Emer tungkol sa mommy niya. Tila nga iniiwasan ni Emer ang topic na iyon. Hindi tuloy malaman ni Maj kung ano ang dahilan ng babae kung bakit ito nanggagalaiti sa galit nang dumating at kung bakit ito humagulgol. Mukhang hindi rin dinadalaw ni Emer ang mommy niya dahil kung titingnan ni Maj ang written report ng handler ni Emer, full pack na full pack ang schedule nito. Tulad ngayon, nasa Bohol ito para sa isang mall tour. Wala tuloy siyang katabi matulog mamayang gabi.

Ting Dong

Napatigil siya sa pagsubo ng hapunan niya nang marinig na tumunog ang doorbell. Sa isip-isip niya baka nakauwi na kagad si Emer.

"Manang, ako na. Paligpit na lang nang hapagkainan. Ayoko na kumain." Sabi ni Maj at nagmamadali nang lumbas nang bahay. Sa mababang gate ng bahay niya nakita niya kung sinong nakadungaw. Hindi siya makapaniwala.

"Miss me?" Nakangising tanong nang lalaking nasa labas.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Wala man lang 'Welcome back, Nico Ciriaco'?"

Pinagbukasn ni Maj ang matalik na kaibigan. Niyakap niya ito saglit bago tinapik nang pagkalas-lakas si Nico. "Welcome back, pero ano ba talaga ang dahilan kung bakit nandito ka?"

Kung kanina may pagkapilyo ang dating ni Nico, ngayon seryoso na. "Dude, I own 20% of MJ Entertainment and I want to stop these problems we're facing."

Napangiti si Maj kay Nico. "Brilliant idea! Para makabawi ka naman sa sagabal na ginawa mo sa akin noong biglaan kang nagpasyang mag Amerika."

"Hanggang ngayon ba naman isinasampal mo pa rin 'yan sa akin? Eto na nga't tutulungan ka." Sabay akbay ni Nico. Pumasok na rin sila sa bahay.

Napailing na lang si Maj sa kaibigan. Niyaya niya itong maghapunan pero mas pinili ni Nico na uminom na lang ng Whiskey na dala niya.

"Siya nga pala, asan si Alice at Kyra?" Tanong ni Maj kay Nico. Parang imposible naman kasing magpunta si Nico sa Pinas nang hindi kasama ang pamilya niya.

"Nasa Taguig sa dati naming tirahan. Sumama sila para magbakasyon na rin at makilala si Emer." Paliwanag ni Nico. "Sandali, asan na pala yung girlfriend mo? Kala ko ba dito na rin siya nakatira?" May himig na panunuksong tanong ng kaibigan niya.

"Busy, alam mo naman ang trabaho nang artista."

"Kamusta naman kayo? Baka unahan niyo ako sa kasal namin ni Kyra."

"Ano ba talagang pinunta mo dito, Nico Ciriaco?"

Napahalakhak na lang si Nico.



<3

Dumating ang araw nang hearing para sa babaeng nagrereklamo nang harassment at abuse. Marami ang tumistigong mga dating talent nang MJ Entertainment sa mali umanong pamamalakad sa kumpanya. Sinasabi nilang niloko, pinahirapan, pinangakuan nang kasikatan at ang malala ay minolestya sila. Nagtataka si Maj at Nico kung bakit ngayon lang nagsisilabasan ang mga ganitong hinaing ng mga dating mga talents nila.

Nagiging pantay naman ang laban dahil sa mga artist nang MJ na pumayag na tumistigo sa panig nila Maj. Gusto nga rin makisangkot ni Emer kaso lang bago lang siya sa MJ at alam nilang may relasyon siya kay Maj.

Si Rex naman ay pinaghahanap pa rin. Mas mapapadali sana kung mahahanap siya para naman hindi matuon lang ang sisi sa kumpanya.

Kasabay nang reklamong harassment, kinakaharap rin ni Maj ang kaso nang BIR sa kaniya patungkol sa hindi tamang pagbayad nang buwis. Kahit papano ay umaayon kay Maj ang korte ngunit alam niya kung sino talaga ang nasa likod nang lahat nang ito. Minsa'y nakakatanggap siya nang sulat at email sa ama ni Emer na nagtatanong kung isusuko na ba nito ang anak niya. Tumatawag din ito kung minsan. Kahit isang beses hindi niya pinagtaasan nang boses ang matanda. Kinausap ito ni Maj nang may galang dahil kahit papano ay nirerespeto pa rin niya ito bilang ama nang babaeng mahal niya.

"Magagawan ko nang paraan ang mga kasong kinahaharap mo ngayon basta't hiwalayan mo lang si Emer. Madali naman gawin iyon 'di ba? Businessman ka. Alam mo dapat ang priority mo." Sabi pa ni Gov. Bernalez sa telepono nang tawagan niya si Maj.



"I know my priority, Sir, and Emer is on the top of that kaya kung sasabihin niyong hiwalayan ko ang anak n'yo mukhang malabong mangyari 'yon—" Natigilan sa pagsasalita si Maj nang makita si Nico na nasa likod lang at narinig ang sinabi niya. Nakakunot ang noo nito na tila ba nagtataka kung bakit ganoon ang mga sinasabi niya sa kausap sa telepono.

Wala sa oras na na-end ni Maj ang tawag dahil sa gulat. Napalunok siya sa takot na baka malaman ni Nico ang tunay na dahilan nang lahat nang problema sa MJ Entertainment.

"Ano yung narinig ko?" Tanong ni Nico. "Was that Emer's dad? May nangyayari bang hindi ko alam?"



————-<3

Pabitin effect. Hehe! Peace! Pasensya na rin pala sa late update. Super duper busy at nakakapagod ang work namin. Medyo nasasanay naman na ako. Sipagin lang ako magsulat makakapag-update ako lagi.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon