ROLE 31: The Busy bee

17.5K 436 21
                                    

ROLE 31: The Busy bee

That was the most exhausting video conversation I ever had. Swear! Pagkakita ko pa lang sa apat na mukhang nakasilip sa akin para na akong hindi mapakali. Kung nadito yung mga friends ko baka nagsigawan pa sila sa tuwa. A video call from Nico Ciriaco will surely make them crazy. Pinigilan ko lang talagang mag ala-fangirl nang makita ko ang mukha ni Nico sa screen. Sabi alam niya lahat ng tungkol sa amin ni Maj pero nanunukso pa rin siya. Tapos meron ding batang si Alice na dinugo ako sa kaka-English niya. What freaked me out is the way she acts like she was older than me. I hate kids like that. Then, there was this... she's not that gorgeous but beautiful enough. Ang kakaiba sa kaniya kahit na nasa virtual lang kami nag-uusap ay ang aura niya-strong, confident and powerful. Hindi siya naglalabas ng kung anong power pero makikita mo sa kaniyang may kakayahan siyang gawin ang lahat dahil may pera siya. That's it! Mayaman siya tingnan. Yung pang-apat na mukha syempre kay Maj.

Saglit lang naman ang video call pero dahil puro pang-aasar ang ginawa nila talagang napagod ako. Kaagad akong bumalik sa kwarto ko pagkatapos ng call at nagpahiga. Ang huling nasa utak ko ay yung sinabi ni Kyra na isa raw ako sa bridesmaid pag-ikakasal na sila ni Nico. Kung ganoon, magtatagal pa ang relationship namin ni Maj. Totohanan na kaya kami pag nangyari yun?

<3

Dumating na ang huling appearance ko sa movie na ginagawa namin. Ito na ang last scene ko at kailangan kong pagbutihan ito. This is the part that I dodged the bullet for Vince then I died with a huge hump on my tummy. Yeah, that bed scene sure got me pregnant.

Panglabing walong take na namin ito. Ayoko nang magkamali pero mukhang sinasadya ni Vince lalo na doon sa part na nakahandusay na ako sa sahig tapos bubuhatin niya ako pero pinigilan ko siya. Mukhang gustong gusto niya 'yon dahil nahahawakan niya yung bewang ko o kaya yung leeg ko. I wasn't complaining at first few takes but when he brushed his hand on my chest. Uh-uh, ibang usapan na 'yan.

Binigyan ko na siya ng warining look para tigilan na niya. Pagka-time na uli ng scene namin, talagang nag-concentrate na ako at pilit kong idinadala siya sa acting ko.

Sa tingin ko nagtagumapay ako noong pang twenty takes na. Iniyak ko ang lahat. At walang halong Emer nang sabihin ko ang line na pinaka-ayaw ko. "Halikan mo ako." Hindi si Emer yan kundi si Segunda. Huling wish niya ay ang mahalikan ang lalaking hindi naman siya mahal!

The real me, Emer, would say "I'm dying please take me to the hospital, idiot!" But my role here, Segunda, would say "Halikan mo ako."

I kissed Vince as much as I hated it. Saglit lang naman. Kaagad kong sinabi ang last line ko. "M-mahal na, ma-hal k-kita..." tapos patay na.

Laking pasalamat ko nang hindi ulitin ni Direk Vergel yun scene. Katunayan nga niyang nilapitan pa ako ni direk at sinabing "That was great, Emer. I have to thank, Maj for that."

Sa akin hindi magte-thank you pero kay Maj? Gumagawa lang siya ng way para mapalapit kay Maj!

"Anyway, may prescon bago ipalabas ang movie, pumunta ka."

Tumango na lang ako sa kaniya. The last time na may prescon para i-announce kung sino ang mga cast hindi ako nakasama, pero ngayon... awsome!

<3

Pagod na pagod na naman ako nang umuwi sa bahay. Pagpasok ko pa lang si Thunder na ang hinanap ko.

"Thunder?" Panglimang beses ko nang tinawag pero walang lumalapit sa akin.

"Thunder!" Nilakasan ko na at narinig kong tumahol siya sa may backyard. Kala ko narinig na niya ako at lalapit na sa akin pero walang lumapit.

Tumahop pa siya uli at narinig kong nasa backyard siya. Pagkarating ko sa backyard nakita ko si Maj na nasa sulok habang tinitingnan siya ni Thunder. "Naka-uwi ka na pala." Sabi ko ng makita si Maj.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon