ROLE 59: Investigator

11.3K 345 18
                                    

ROLE 59: Investigator


How many years since then? Two? Four? I have no idea. Basta umalis ako sa mansyong ito at pinangakong hindi na ako babalik pa. But now I'm here in front of this grand house waiting for someone to open the gate. Hindi naman tumagal ng isang minute at bukas ang gate.

Pinagbuksan ako ng guard na kanina pa ako tinitingnan na akala mo may gagawin akong masama sa sarili kong bahay (meron naman talaga). Buti na lang lumabas si Juan, ang tagapangalaga ng bahay namin. Okay, he's our butler. Exaggerated pero yun ang gustong tawag ng magaling kong ama kay Juan.

"Ms. Emer! Kinagagalak kong makita ka uli sa personal. Sa TV lang kasi kita lagging nakikita." Niyakap niya ako at masa naman akong sinuklian iyon.

"Hindi ako magtatagal dito. Gusto lang makausap si Dad."

"Matutuwa talaga ang daddy mo. Tara na't puntahan siya sa sala."

Matutuwa talaga siya. Sarcastic kong sabi sa sarili ko.

"Ayaw mo bang ipasok ang kotse mo, Ms. Emer?" Pahabol na tanong ni Juan.

"Wag na."

Sumakay kami ng golf cart para makapunta sa mismong bahay. Mahigit ten to twenty minutes din kasi paglalakarin mo ang malawak naming front yard na puno ng magagandang landscape at nakaw galing sa kaban ng bayan, if you know what I mean.

I felt sick seeing this house again. I can't believe that I live here for sixteen years thinking that we're rich because we are rich, as in rich... pero sa lahat ng narinig ko mula sa kuya ko tungkol sa patong patong na kaso ng tatay ko saka ko lang talaga na-sink-in sa utak ko na wala kami ng mga bagay na ito kung hindi gumagawa ng anumalya ang magaling kong ama.

"Nandito na po tayo."

Humito kami sa limang palapag na taas na bahay... o mansion. May malalaking bintana at putting putting pader. Parang mini White House lang ang peg.

Pagkabukas ng two-door door sumalubong ang enggrandeng ayos ng bahay. The same as what I remember before. Ang pinagkaiba lang malungkot at walang katao-tao ang lugar... bukod sa mga katulong at daddy ko.

"Emer, anak!" May sumigaw mula sa second floor. Pagkatingala ko nakita ko si Dad na papaba ng hangdan na may hawak ng baso ng whisky ( I know it's whiskey). Nakasuot siya ng suit and tie kahit nasa bahay.

Buong pwersa kong pinigilan ang sarili kong wag siya saktan. Bumabalik sa alalala ko si Daddy at kung pano niya tratuhin si Mommy na para palamuti niya lang. Bumalik din sa akin ang kasalukuyang kalagayanni Mommy. She went crazy because of my dad... literally crazy!

"Bumalik ka!" Niyakap niya ako. "Sabi ko na nga ba't babalik ka sa akin, paborito kong anak."

Para lang akong tood na nakatayo habang niyayakap niya. "Where's mom?" I asked coldly.

Napabitaw siya sa pagkakayakap. "M-matagal nang wala ang—"

Sinampal ko siya. Malaks na maski ako nasaktan pero hindi ko ipinakita sa kaniya. Hindi ko napigilan. "Niloko mo kami! Pinaniwala mo kaming patay na siya!"

"Emer, anong sinasabi mo?"

Kung may mas magaling umarte sa amin, sa kaniya na mapupunta ang award. "Don't pretend that you don't know. Where is she?"

Ilang minuto din siyang nakatanga sa akin na parang nagsasalita lang ako ng ibang language sa harap niya pero nagbago yun isang kurap ko lang. Namula ang mata niya hanggang sa may mga luha nang lumalabas sa mga mata niya. "She got depressed. My darling was so depressed when she had miscarriage."

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon