ROLE 61: The One Who Waits
Nalintikan na. Nalaman na ni Emer ang tungkol sa pamba-blackmail ni Gov. Bernalez kay Maj. Gusto man niyang habulin si Emer, mas pinasya na lang ni Maj na hayaan na muna ito dahil maski siya naiiinis sa mga pangyayari at lalo na sa bestfriend niya. Gusto niya sana itong sapakin sa inis ang kaso ay mas naunahan na siya ni Emer na gawin ang naiisip niya. Kitang kita sa mukha ni Nico ang gulat. Nakahawak pa nga ito sa pisngi niya kung saan sinampal siya ni Emer.
Napa-iling na kang si Maj at umupo sa upuan. Parang nanhihina siya sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan niya ngayon. Hindi man pisikal pero bugbog na bugbog na ang mental at emosyon niya.
"Mas masakit pa ang sampal niya kaysa kay Kyra." Pabulong na sabi ni Nico.
"You're such a jerk. And she studied martial arts, by the way." Bumalik naman sa ala-ala niya ang audition ni Emer sa MJ Entertainement. Hindi niya mapigilang mapangiti nang maalala yun ngunit nabalik din ang lungkot sa mukha ni Maj nang maalala ang sakit at pagkadismaya ni Emer nang marinig niya ang usapan nila Nico.
"Pag hindi umuwi si Emer..." Napa-ungol na lang si Maj sag alit sa kaibigan tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at lumabas ng office.
"Why me?" Tanong pa ni Nico pero hindi na siya pinansin ni Maj.
<3
Walang Emer na nagpakita kinagabihan. Sinubukang tawagan ni Maj sa cellphone si Emer ngunit walang sumasagot.
Ito na ng aba ang sinasabi ni Maj. Paniguradong kinamumuhiaan siya ni Emer dahil sa pagtatago niya ng katotohanan ni Emer. Hindi naman inaakala ni Maj na magiging ganito ang lahat. Walang matinong ama ang gugustuhing bumagsak ang anak nila kahit na ba gaano kapasaway ito. Siguro nga wala sa katinuan ang ama ni Emer.
Napabuntong hininga na lang si Maj. Hahayaan na muna niya si Emer. If she needs space, he'll give it to him pero pag 'di na siya makapagpigil, hahanapin niya si Emer saang lupalop man ito naroon. He'll never give up on her. Para kay Maj si Emer na ang para sa kaniya kahit ano pang gawing pagtutol ng ama ni Emer at ng bestfriend niyang si Nico.
<3
Mukhang Malabo atang matiis ni Maj na hindi makita si Emer ng dalawang araw na alam niyang hindi pa sila nagkaka-ayos. Dalawang araw ng walang paramdam si Emer sa kaniya. Umalis na lang ito noong araw na marinig ng babae sila ni Nico na nag-uusap tungkol sa problema ng MJ Ent at ang relasyon ng tatay ni Emer sa mga nangyayari, nang walang paalam at hindi man lang dinala ang kotse niyang hiniram nito.
May duda na si Maj kung nasaan si Emer ngunit wala siyang kaalam-alam kung saan matatawagan o hahanapin ang taong yun. Desperate move na si Maj, nagbukas siya ng kaniyang laptop at hinanap si Clary, ang bestfriend ni Emer, sa Facebook. Sa lahat kasi ng ka-close ng nobya niya, kahit na ba maraming alitan at tampuhan ang mag bestfriend, alam niyang ito pa rin ang takbuhan ni Emer sa ganitong panahon.
Madali lang naman niyang nakita si Clary dahil mutual friend nila si Emer. Ang hinihintay na lang niya ay ang i-accept ni Clary ang Friend Request niya.
Napakamot ulo na lang si Maj, sa halip na magtrabaho siya at mag-focus sa mga problema niya, mas iniisip niya pa rin si Emer. Puro Emer. Pano si Emer? Anong ginagawa ni Emer? Mapapatawad kaya siya ni Emer? Magkakaayos pa ba sila ni Emer? Mapapakasalan niya pa kaya si Emer?
Kasal? Hindi pa handa si Emer sa ganoong usapan. Sigurado rin si Maj na hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya kay Emer pero kung may babae man ang nakikinita niyang makakasama niya habang buhay, si Emer ang laging nasa isip niya. Nakikinita niya na kahit sa daming mga flaws ni Emer, alam niyang mabuti itong tao. Napatunayan din ni Emer na loyal ito, kahit hindi pa man totoo ang relasyon nila noon. Dedicated din ito sa trabaho niya. Malapit din si Emer sa pamilya ni Maj. Sa paraan nang pag-aalaga nito kay Thunder, nakaksigurado siyang magiging caring ito sa kaniya at sa magiging anak nila.
"Okay ka lang, Maj?" Sambit ng lalaking nasa pinto.
Hindi kaagad napansin ni Maj na nakapasok nap ala si Dino del Roy.
"Oo naman!" Sagot ni Maj sa hindi normal na tono.
"Sigurado ka? Napapangiti ka kasi tapos biglang sisimangot, tapos ngingiti uli. Para ka pa ngang iiyak. Para kang artista, ang bilis mo magbago ng emosyon."
"Hindi ako magiging actor." Matipid na sagot niya kay Dino na laging sinasabihan siyang maging actor na lang.
"Sayang naman kasi,"
Umiling si Maj. "I'm the boss and that's what I'm good at. So, why are you here?"
Sumeryoso ang mukha nito. "Nasisira na rin ang image ko, Maj."
Problema na naman. Dahil nga nakaharap ang mga mata at tenga ng media sa MJ Entertainment, lumalabas na rin ang mga baho pati ng mga artist. Isa na doon si Dino. Sa mata ng mga tao at fans ni Dino, kilala ito bilang gentleman at charismatic. Walang masasabi si Maj pagdating sa talent ng lalaking ito kaya naman inaalagaan niya si Dino. Pero sa likod ng magandang image, hindi mawawala ang pagkababaero nito. Well, hindi naman sa babaero talaga pero maypagka-flirt. Hindi lang umiimik si Maj noon pero nababahala siya sa pagiging close ni Emer at Dino noong magkasama sila sa El Guardia.
"Well..." Napahinto si Maj sa sasabihin nang mabasang accepted na ang friend request niya.
"Well, what? I need your help, Maj." Sumilip siya sa ginagawa ni Maj. "Wait, pinagpapalit mo na ba si Emer?"
Hindi na niya pinansin si Dino. Patuloy siya sa sa ginagawa niya. Online si Clary kaya inaasahan niya itong magreply.
Maj: Clary
Clary: seen
Naghintay si Maj na baka replyan siya pero lumipas ang ilang minuto wala pa ring reply.
"Seezone," Nanunuyang sabi ni Dino.
Maj: Clary, I know Emer's with you. Can you help me talk to her?
"Ahh... si Emer pa rin pala ang dahilan."
"Privacy please?" Sabi ni Maj kay Dino.
Lumayo ang actor pero napapangisi pa rin. "Hindi pa tayo tapos mag-usap, Manager Maj." Saka ito lumabas ng office.
Naiwan si Maj na naghihintay sa reply nito. Seenzone uli siya. Nais niya muling mag-chat pero iniisip niya rin nab aka nakukulitan na ito sa kaniya. Kung wala pa si Emer dun, paniguradong malalaman nitong may tampuhan sila ni Emer at baka magalit pa sa kaniya.
Isasara na sana niya ang laptop nang makitang typing na si Clary. Nahintay siya. Naguumapaw sa antisipasyon si Maj. Nalugmok nga lang uli dahil nawala ang typing bubble.
Tinigil na muna ni Maj ang pag-iisip ng personal na bagay. Ginawa na lang niya ang mga documents na dapat niyang gawin. Pilit na ginawa niya ang sariling busy hanggang sa nakarinig na siya ng 'ping', indikasyon na may nagreply na sa kaniya.
--------<3
Pag si Dino ang naaalala ko si Ahron Villena
BINABASA MO ANG
The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️
ChickLitWorst comes to worst. She badly need a job that's why she seduce the oh-so-hot Maj Chavez to let her be part of MJ Entertainment as a new talent/ actress.