EPILOGUE

17.5K 432 57
                                    

(Don't expect guys. Wala pa ring edit. But thanks for waiting and for loving TRS! Nasa dulo na tayo! Yehey!)

Hindi naganap lahat ayon sa pinaplano ni Maj. Minsan talaga may abirya. Sa kasalukuyan, tuluyan nang naayos ang mga kaso at scandal ng MJ Entertainment. Napakulong na rin niya si Rex. Maganda na ang takbo ng kunpanya lalo na ngayon at gumaganda na muli ang Career ni Dino. May mga bago rin siyang actors na lumipat sa label niya tulad na lang ng actress-singer na si Ringo at ang ka-loveteam ni Emer na si Caleb. Pinaghahandaan na rin niya ang comeback ni Ashley ngayong tapos na ito manganak.

Halos dalawang taon na rin ang nakakalipas. Everything was perfect except his relationship with Emer. Dinaig pa ata nila ang rollercoaster sa madalas nilang pag-aaway bati simula nang ma-engage sila. Idahdag pa ang mga tao at trabaho sa buhay nila.

First month ng engagement nila dapat ihahanda na nila ang kanilang wedding kaso dumating ang malaking kaso ni Maj patungkol sa pagnanakaw at sexual assault ni Rex. Sumunod na buwan nagkaroon naman ng project si Emer sa loob ng tatlong buwan.

During her filming pinagseselosan pa ni Maj si Caleb kahit na ba alam niyang hindi interesado ang lalaki. Si Maj ang nagsimula ng malaking tampuhan nilang dalawa ni Emer at sa tuwing nag-aaway sila umaalis si Emer sa bahay at tumitira sa condo unit na bagong bili niya. Bukod pa sa main fight, piang-aagawan pa nila si Thunder kung kanino sasama.

"You betrayed me, Thunder!" Isa sa mga linya ni Emer sa tuwing si Maj ang papanigan ng kanilang alaga.

Nagkabati rin naman sila after few months. Umattend sila sa kasal ni Clary. Take note, hindi na si Anthony ang lalaki ngayon. Someone who's worth it at masaya ang magkakaibigan at nahanap na ng isa sa kanila ang true love.

"Sana mahanap ko na rin ang true love ko." Angal ni Melinda, isa sa mga kaibigan ni Emer.

"The best way is to stop stalking my loveteam." Advice ni Emer sa kaibigang nababaliw sa isang artist ng MJ Entertainment.

"Kayo kailan ba kayo ikakasal?" Tanong ni Clary sa amin na inaabot kay Emer ang bouquet niya samantalang ang bago naman niyang asawa ay inaabot kay Maj ang garter.

Pangatlong beses na ito.

"Soon," sagot ni Maj.

Ang soon pala ay  mapupurnada na naman dahil kay Twice, kapatid ni Maj. Bigla na lang kasi nitong inanunsyo na buntis siya at kailangan na niyang ikasal sa madaling panahon! Dahil naniniwala sa sukob ang pamilya ni Maj at Emer napurnada na naman ang sarili nilang kasal.

Makalipas ang anim na buwan hindi pa rin sila kasal.

"Mag-iisang taon na kayong engaged. Wala ba kayong balak magpakasal?" Tanong ng daddy ni Emer sa kanilang dalawa habang kumakain sila ng almusal sa mansyon ng mga Bernalez.

Bumusangot si Emer. "Maghahanda kami ng kasal tapos may mangyayaring hindi maganda. I'm so sick of it." Nagmamaktol si Emer dahil pahod na siyang maghintay lalo na sa promise ni Maj na hindi siya nito gagalawin hanggat hindi pa sila kasal. That made her frustrated and craving for more.

Naalala tuloy ni Maj ang nangyari kagabi. Inimbitahan sila ng mommy ni Emer sa mansyon nila dahil may salo-salo sila parasa kaarawan ng kaniyng ina. Sa iisang kwarto sila pinatulog dahil ang kala siguro dahil sa iisang bubong lang sila nakatira ay normal nang magkasama sila sa isang kwarto.

Hindi normal iyon. Magkahiwalay pa rin sila ng kwarto sa bahay ni Maj. Minsan nagtatani sila pero hindi madalas. Kaya ng gabing iyon muntikan nang may mangyari sa kanila buti na lang malakas si Maj at napigilan niya ang sarili niya.

Ngunit hanggang kailan? Lalaki din naman siya at mahirap talagang pigilan.

"Don't loose hope Emer." Sabi ng mommy ni Emer. "Gusto mo tawagan ko na ang mga kakilala kong wedding planner para simulan na ora mismo ang paghahanda. May anim na buwan pa naman kayo bago matapos ang sukob. Sa tingin ko wala nang aberyang mangyayari."

Narinig na naman ni Maj ang sukob. Hindi nga siya relehiyosong tao ano pa kaya ang mga walang basihang pamahiin. Nererespeto lang talag niya ang mga magulang at matatanda kaya hindi siya nagpumilit.

Matapos ang almusal nagpaalam na rin silang dalawa na uuwi na. Sa byahe hindi siya pinapansin ni Emer.

"May nagawa na naman ba akong mali?" Tanong ni Maj sa kaniyang nobya.

"Oo,"

"Huh? Ano?"

"Basta naiinis ako sayo, mali na 'yon."  Nakahalukipkip lang si Emer at nakasimangot na nakaupo sa passenger seat.

"Dinaig mo pa si Twice na buntis sa tantrums mo."

"Ako buntis? Pano ako mabubuntis kung virgin pa ako!"

Napahinto si Maj sa gilid ng kalsada. "What do you want me to do? Break my promise to you? Do you think I'm it's not hard for me to resist you?"

"Gusto ko lang naman ikasal na tayo."

Bumuntong hininga si Maj. "Fine, let's get married." Pinaharurot niya ang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?"

Hindi na kailangan pa ni Maj na sagutin ang tanong ni Emer. Nasa city hall na sila ngayon at handa nang magpakasal. Sobrang tuwa ni Emer.

"If we don't do it now then forces will stop it again. So if it's alright to you to just get hitched right here right now—."

Pinutol ni Emer ng halik si Maj. "I do, I'll marry you anytime, anywhere." Pagkatapos halikan ni Emer si Maj hinila na niya ito sa isang window. "Magpapakasal po kami nitong kasama ko."

Natameme naman ang babaeng nasa kabilang window nang makita ang kakapanalo lang ng best actress na si Emer Bernalez.

"Miss, hello? Magpapakasal na kami."

Madalas nang makita ng babaeng ito si Emer noong panahong naghahanda na itong magpakasal kay Maj noong nakaraang taon. Handa na nga ang lahat. Kulang na lang ang pirmahan pero sa hindi malamanv dahilan ng babae, hindi natuloy ang kasal.

Ngayon na mukhang desidido na ang dalawa mukhang wala siyang magagawa kundi magmadali. Natataranta siyang tumakbo at nagtitili sa kilig. Sinisigaw niya pa ang pangalan ng judge na magkakasal sa dalawa. Agaw eksena siya sa ginawa niya kaya naman lahat ng nandoon ay na curious at halos dumugin sil Emer at Maj. Sa huli ang biglaang kasal ay nagkaroon ng mahigit 200 tao na handang sumakai sa pagmamahala ng dalwa.

"You may now kiss the bride." Sabi ng judge.

Napalingon na lang sila Emer at Maj sa paligid nila. Punong puno ang kwarto ng nga taong hindi nila kilala. Nang magkatinginan sila, nagtawanan sila.

"I love you." Sambit ni Maj.

"Sabi mo yan. Rinig nilang lahat kaya walang bawian."

"I'm not an idiot. I won't let you go."

"Good then," Emer kissed Maj and whispered behind between kisses, "I can't wait for our honeymoon."

Napatigil si Maj. "Hindi ba pwedeng I love you too muna?"

"Of course I love you too."

🎉 Tapos mo nang basahin ang The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️ 🎉
The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon