Thank you to my awesome handsome proofreader.
ROLE 53: The Couple Date
I'm going to a mall tour after talking to Maj, he made me a little bit okay. Of course, I'm still worried but I know he can do it. Ayoko munang isiping naiinis ako sa kaniya dahil sa pagtatago niya ng sikreto sa akin tungkol sa company niya tutal naman wala akong alam sa palakad niya sa MJ. Kung kukulitin ko pa siya baka magpadadag lang ako sakit ng ulo niya.
Pagkabalik ko ng December 30, binisita ko siya sa MJ kaso pinaalis niya ako kaagad na tipong pag nandoon ako sa tabi niya eh mas lalo pa akong makakagulo sa gawain niya. I understood him so I went home and rest for a while. Kinagabihan may concert akong pinuntahan. Kumanta lang naman ako ng isang kanta pero tinapos ko yung concert. Tinext ko si Maj na uumagahin ako sa pag-uwi. Hindi siya nag-reply but I tried to understand him. Ganito naman ang ginagawa ng mabuting girlfriend 'di ba? Ang manahimik at lumayo pagkinakailangan lalo na't wala naman akong matutulong sa problema niya. Though, deep inside I wanted to get mad at him for pushing me away because he had his own problem.
Hindi kami tabing natulog ng gabing iyon pero ginising niya ako kinabukasan. Lahat ng sama ng loob ko at lungkot kahapon sa pagtaboy niya sa akin ay nawala.
"Rise and shine, Tart." Bati niya sa akin sabay halik sa noo ko.
"So papansinin mo na ako at hindi mo na ako itataboy?" Kunwari galit. Though nagtatampo at naiinis ako, malayong malayo yun sa galit.
Dinala niya ang ulo ko sa dibdib niya. "Alam ko naman busy ka kaya ayokong dagdagan pa ang problema mo ng problema ko."
Sweet! Okay, tunaw na ang tampo ko sa kaniya. Niyakap ko siya. Ganoon lang ang posisyon namin ng halos kalahating oras.
"Wala kang pasok ngayon?" Tanong ko.
"New Year's eve," He stated.
"Good. Akala ko kahit ngayon may trabaho ka."
"For you, I'll forget my problems."
"Sweet ni Majy!"
His nose wrinkled that made me laugh. "Ang pangit ng Majy."
"Ang gay, noh?"
He rolled his eyes and I laughed again. Sana lagi na lang ganito.
"Aalis muna pala ako pero babalik din akong mamayang hapon. Mag-ready ka, may pupuntahan tayo."
"Saan ka pupunta? Saan tayo pupunta mamayang gabi? Pwede ko bang isama si Thunder?"
"Ang dami mong tanong." Bumangon na siya sa kama. "Pwede mong isama si Thunder."
<3Pagka-alis ni Maj nagpaalam na rin si Manang na uuwi siya sa mga kamag-anak niya para doon Media Noche. Alam na raw ni Maj yun kaya hinayaan ko na.
Gumawa ako ng fruit salad para kainin namin ni Maj pag-uwi. Pinaliguan ko na rin si Thunder. Then I took a bath too and this bath made me excited and nervous at the same time. Geez! Naiisip ko kung saan kami pupunta ni Maj mamaya. He didn't mention about his family, so I think we're going somewhere just for the two of us. Plus, Thunder.
I'm way too paranoid or maybe I'm just, uh, aroused. Magkakaroon na siguro ako ng period. I tried to shake the thoughts away and finished my bath. Kung anong damit na lang ang sinuot ko saka pumunta sa entertainment room para manuod ng movie. Horror para may bago akong matutunang expression ng mukha pag takot.
Seryoso ako sa panunuod nang tumunog yung cellphone ko. Natakot pa akong sagutin yun dahil sa pinapanuod kong pelikula ang kung sino mang sumagot ng phone call mamamatay. Pero nakita ko sa caller ID ko ang pangalan ni Ate. May horror din akong naramdaman pero mas lamang ang amusement na naramdaman ko. Himalang tumawag ang ate ko sa akin sa loob lang ng isang linggo ng dalawang beses.
BINABASA MO ANG
The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️
Chick-LitWorst comes to worst. She badly need a job that's why she seduce the oh-so-hot Maj Chavez to let her be part of MJ Entertainment as a new talent/ actress.