ROLE 48: Visitors

14.3K 392 13
                                    

ROLE 48: Visitor

"WHAT THE HELL!"

Naputol ang heaven ko ng may sumigaw ng hell. It was the Queen Devil named Isa who shouted to us.

"Kaya pala hindi ka na nakabalik at--" Napalingon siya sa kusina. "WHAT THE EFF! THIS IS SO UNFAIR!"

Narinig kong may nagkalaglagan sa kusina. "Isa, will you please tone down your voice."

"This is unfair guys! Asan na ba si Andro!"

Hindi namin napigilan ni Maj tumawa. Well, nahawa lang naman siya sa tawa ko. Inirapan tuloy kami ni Isa bago pumanhik ng hagdan.

Maya-maya pa lumabas na sila Twice sa kusina, thankfully, with clothes.

"Pinapanood niyo ba kami?"

"NO!" Magkasabay pa naming sagot ni Maj sa tanong ni Twice.

"Tara na nga't matulog." Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Maj.

Isinukbit na ni Twice ang braso niya sa braso ko at dali-dali akong hinila. "Si Ralph kasi,"

"I can hear that! Wag mo akong sisihin dahil ikaw naman ang biglang--" Sabat ni Ralph na kasabay naman si Maj.

"Don't mind them, let's sleep."

Pagkarating namin sa kwarto naabutan namin si Isa. Nakabusangot. "Tulog," Sabi niya na halos maabot na ng lower lips niya ang baba niya kakasimangot.

"I told you, he's not even worth it."

Hindi ko na narinig ang heart-to-aheart talk ng kambal. Sa sobrang dami nang nangyari sa akin sa buong gabi, pagkahiga ko pa lang uli sa kama, tulog na ako.



<3

Despite that I slept much earlier than the twins, I woke up the next day alone in our room. Pwera na lang kung bumalik yung dalawang yun sa mga lalake nila.

Speaking of lalake, I remembered my own man. I still can't believe what Maj told me. I knew that I was not dreaming because I feel alive and awake when he kissed me. Geez! He kissed me!

Pagkababa ko papuntang kitchen, nadatnan ko sila Isa at Twice na naghahanda nang pagkain. Tinanong ko sila kung gising na ba ang mga boys, sabi nila kanina pa at kasama ngayon ni Tita Jullian at Tita Jillian sa garden nila para tulungan sa paglilinis.

"Magkape ka muna. Mukhang matatagalan pa ang mga 'yon." Sabi ni Isa.

Naligo muna ako bago magkape. Nag-ayos ako ng bonggang bongga para naman magandahan sa akin si Maj. This is what I hate being in love, nagiging aware ka sa pananamit at itsura mo. Anyway, I intend to make Maj kiss me again with my sunny dress (courtesy by Isa) and lavander perfume (Twice). Hiningi ko lang sa kanila kasi wala kaming nadala ni Maj nang biglaan kaming nagpunta dito kahapon.

"Hoy," May kumalabit sa tagiliran ko dahilan para tumalsik yung isinasalin kong kape. "Shit! Sorry!" Natatarantang naghanap si Maj ng kitchen tissue para punasan yung dress kong natapunan ng kape. Geez!

"Sinadya mo ata para machansingan ako."

Napatigil naman si Maj at tinaas ang kamay na parang nahuli ng pulis.

"Sana yung malamig naman na inumin para hindi masakit." I winked. Buti naman at nagagawa ko pa rin ang makipag-flirt sa kaniya kahit na kumakabog ang dibdib ko at mainit yung tumapon sa aking kape.

"Stop that," He warned.

"Stop what?"

"Flirting," Iniabot niya yung tissue sa akin.

"Bakit naman?"

"Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at halikan kita dito mismo."

Puno na pala ang kitchen ng tao dahil nagsidatingan na yung mga nasa garden kanina. "Okay, maybe later."

"Oh, anong nangyari sayo, Emer?" Napansin na ni Tita Jillian ang basa sa dress ko.

"Clumsy," Sabi naman ng katabi kong si Maj.

I shoved him."Ginulat mo kaya ako."

"Kayo talagang dalawa may pagka-isip bata pa."

"Si Maj lang po." Lumapit ako kay Tita Jillian at nagmano. "Merry Christmas po ulit."



<3

Hapon na kami nagpaalam sa kanila ng aalis na kami. Na-busy kasi kanina sa dami ng mga bisitang nagpunta. May mga batang namamasko at mga kamag-anak na nangangamusta. Pinakilala pa nila ako sa kanila. Ipinasyal din ako ni Maj sa subdivision nila. Itinuro niya ang bahay nila Nico na tirahan na ng Kuya ni Nico. Hindi na namin sila binisita kasi hindi naman daw sila close.

"Ingat kayo sa pag-uwi." Paalala ni Tita Jillian. Inabutan pa kami ng baong pagkain.

Sa biyahe busy pa rin ako dahil kausap ko yung mga bestfriends ko. Si Clary nalulungkot daw dahil hindi ako sa kanila nagcelebrate ng Christmas.

After ko silang kausaping apat tumunog na naman ang cellphone pero hindi sa akin kundi kay Maj. Sabi niya sagutin ko daw kasi nagdadrive siya. In fairness kinilig ako doon. Parang totoong totoong girlfriend na niya ako!

"Hello?" Sagot ko.

"Maj Help!" Boses babae. Nakalimutan kong tingnan ang name sa caller ID kaya nagulat pa ako kung sino yun. "What should I do?"

"Ashley?"

"Is this Emer? Where's Maj? I need him. Emergency!"

Iniabot ko kay Maj ang phone. "Emergency daw."

"What?" Sa buong usapan nila nakakunot lang ang noo ni Maj. "Don't stress yourself. We're going." Pagka-end ng call tiningnan ako ni Maj. "Emergency daw."

"Bakit? Manganganak na ba siya?"

"Nope, parent's visit. Daniel's parents are coming." Then he drove to a different direction.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon