ROLE 55: Revenger

15K 523 16
                                    

ROLE 55: Revenger

Saglit lang kami nakatulog nang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Ate Glyn para paalalahanan ako sa meeting namin. Nagmadali naman kami. Hinatid ako ni Maj sa hospital kung saan kami magkikita ng mga kapatid ko.

"Okay ka lang ba talagang mag-isang papasok sa ospital?"

Napalunok ako sa tanong niya at sa tanawing nakikita ko. Nasa tapat na kami ng hospital. May naghihintay na ng nurse na may lumabas sa kotse ni Maj.

"Kaya ko 'to."

Hinawakan ni Maj ang pisngi ko. "Alam kong natatakot ka sa ospital."

"I can handle this. Isa pa sabi ni Ate bawal kami magsama ng iba." Hinawakan ko yung kamay niyang nasa pisngi ko.

"Do you want me to wait for you?"

"Sasabay na ako kay Kuya."

"Alright, baba ka na. Mukhang nagtataka na yung nurse."

Bago ako bumaba hinalikan ko muna siya sa labi. Dapat saglit lang kaso hindi ko mapigilang wag lasapin ang halik niya. Natigil lang kami ng umungol... hindi ako o si Maj kun'di si Thunder.

Hinimas ko ang ulo niya. "Thunder, behave, okay? Bantayan mo si Maj baka mambabae."

Kinurot ako sa pisngi ni Maj. Kanina hinahaplos niya lang mukha ko ngayon kinukurot na. "Akala mo naman mambababae ako."

"Oo nga pala nanlalalaki ka lang." Pagkasabi ko, lumabas ako kagad sa kotse. Nag flying kiss ako sa kaniya at kumaway. Pagkatapos nilapitan ko na yung nurse at sinabi kong may appointment ako kay Dra. Glyn Bernalez.

Itinuro niya sa akin na sa lobby magtanong (akala niya kasi Emergency).

Pagkarating ko sa lobby ng medyo luma at nakakatakot na ospital na ito tinanong ko uli kung nasaan si Dra. Glyn. Bago pa siya makasagot narinig ko na amg boses ni Ate.

"Nik!" Sigaw ng ate ko na sinusundan si Kuya Niky na papunta sa direksyon ko.

"Kuya--" Nilampasan niya lang ako na parang hindi niya ako nakikita. Namumula ang mukha niya na, nakakuyom ang mga kamao at pabagsak ang paglalakad. Nagmamadali siyang lumabas sa ospital nang hindi pa kami nakakapagsimula sa meeting namin.

Nilingon ko si Ate. Naghihilot siya ng kaniyang sintido na parang pagod na pagod na. Nilapitan ko siya at tinanong. "Nag-away na naman ba kayo?"

"We're too old for that and besided there are things that we have to solve now."

"Ano bang pag-uusapan natin?"

Matagal siya bago nakasagot. Akala ko tititigan niya lang ako. "Kailangan mong ihanda ang sarili mo."

"Ano ba 'to? Pinapakaba mo ako sa tono--"

"Follow me,"

Sinundan ko siya paakyat sa forth floor ng ospital na ito. Habang nasa hallway kami nagtataka ako kung bakit dito na-assign si Ate. Magaling at kilalang doktor ang Ate ko. Ang alam ko nasa St. Lukes siya naka-assign pero itong lugar na ito: luma, matumal, provicial at public. Dito lang ata sa floor na ito medyo maganda ang ambiance.

"Dito ka naka-assign ngayon?" Hindi ko na napigilang magtanong.

"Hindi. Isa lang ito sa ospital na pinuntahan ko for asessment. Nandito na tayo."

Nagtataka pa rin ako kung bakit kami nandito. Gusto ko pa sana siya tanungin kaso tumigil na kami sa isang room.

"I want to warn you--"

"Ate, you're starting to scared me. Ano bang meron--"

Sinandya niyang buksan ang pinto para bumawi sa pagputol ko sa sinasabi niya. Pagbukas ng pinto nakita kong may pasyente. Nilingon ko muna si Ate bago tuluyang pumasok. Nakailang hakbang lang ako bago matigilan na parang nakakita ng multo.

"Mommy?" Nasambit ko. Kahit na may mga puting buhok na siya, kumulubot ang balat niya at mas payat na siya ngayon, alam kong siya ang mommy ko.

Lumingon siya sa akin na para bang iniisip kung sino ako pero nang subukan kong lumapit nanlaki ang mata niya at tila ba natakot sa akin.

"Mommy," Niyakap ko siya nang mahigpit. Sobrang saya kong makitang buhay pa siya.

"BITAWAN MO AKO!"

Para namang napaso sako sa sinabi niya. Napabitaw ako kaagad at lumayo sa kaniya. Takot na takot siyang nakatingin sa akin.

"Layuan mo ako Fernando! Halimaw ka! Kinulong mo ako dito! Wag mo akong patayin!" Nagsisigaw siya hanggang sa lapitan na siya ng mga nurses.

Hinila naman ako papalabas at papalayo kay Mommy ni Ate. Tuliro pa ako ng ilang mga mimuto saka ko siya tinanong. "Anong nangyari kay Mommy?" Hindi ko napigilang humikbi. Ayoko mamg umiyak sa harapan ni Ate, kusa namang lumalabas sa mga mata ko ang luha.

"That bastard we called, Dad, made Mom like this."

Dad?

"Sinabi ni Dad na iniwan na tayo ni Mommy. Tapos gumawa siya ng kunwa-kunwariang aksidente kung saan sabog ang kotse ni Mommy somewhere here in Cavite para tumigil na si Niky sa paghahanap. Napaniwala niya tayong lahat na patay na si Mommy pero all this time dito niya tinatago si Mommy. Dahil kaalyansa nang magaling nating ama ang Governor dito, hinayaang dito itago sa publc hospital na ito si Mommy habang ginagamot ang depression at alcohol addiction nito. Mali, hindi pala ginagamot. Mas pinapainom pa ng kung anong gamot hanggang sa maging ganiyan si Mommy."

Wala akong masabi pero nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Kung galit na ako sa ama ko, mas galit ako sa kaniya ngayon. How dare he!

"Wala na dito ang mga kasabwat ni Dad na mga doktor at nurse. Mga bago na ang mga nandito at sumusunod na lang sila sa utos na bantayan si Mommy."

"May magandang loob pa pala siyang natitira para hayang mabuhay si Mommy." Sarcastic kong sabi.

"Emer, pinaalam ko sa inyo--"

"Oo pero bakit ngayon lang? Mahalagang bagay ito! Dapat sinabi mo kagad sa akin!"

"Para ano? Ang sigawan ako? Ang magalit ka nang ganiyan? Susugurin mo rin ba si Dad gaya nang gagawin ni Niky ngayon? Emer, wala kang magagawa. Wala tayong magagawa sa ngayon kundi itakas si Mommy. We have to move here in a safer place. We have to think smarter than our father."

"Bakit hinayaan mo si Kuya kung ganoon?"

"Para malaman ni Dad na kalbn niya na tayo. And besides I want to see him being destroyed by his favorite and most trusted child."

This is how twisted my family is. Kung pwede lang mamili ng ibang pamilya ginawa ko na. Masyado masama ang pag-iisip namin. Kaya ang dehado lagi ay si Mommy kasi siya lang ang mabait sa amin.

"Hindi ako papayag na wala na lang gagawin. I'll make sure that dad will pay for this."



-------------<3

--Short. Short. Alam ko! Hindi ko alam kung pano ko pa papahabain.

--Lagi akong nagsusulat ng tungkol sa family love. This time it's a little bit twisted. Kalaban mismo nila eh yung mismong nasa pamilya nila.

--3rd POV next, meaning, kay Maj naka-focus amg story.

-- Alam niyo na ang routine. Click yung star tapos comment sa box sa baba. Hart. Hart.
— Dec 29 HAPPY 1M VIEWS/READS

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon