ROLE 47: Voyeur?

15.2K 492 52
                                    

A/N: Uunahin ko na ito dahil gusto ko magpapansin. Alam kong matagal ang hinintay nyo sa chapter 46 kaya eto na ang pambawi ko.... update kaagad!!

Binabalaan ko kayo na may pagka-SPG ang chapy na ito. SPG lang ah, hindi Rated R so don't expect LOL!

Mag vote kayo ah? tska sabihin nyo rin sa comment box kung anong kumento ninyo tungkol sa chap na ito.

Love you all for real! (hint/spoiler for this chap)

----------<3

ROLE 47: Voyeur? (search nyo meaning kung di nyo alam HAHAHA)

Kaunti na lang mapipikon na rin ako kay Isa. Grabe lang kakareklamo sa sleeping arrangement namin. Gusto niya tabi sila ng boyfriend niyang napaka-vain at napakamanyak. Makatingin lang sa boobs ni Isa kinikilabutan na ako. Lalo na pagnapapatingin siya sa akin. Creppy!

"Promise ko pa naman kay Andro na ibibigay ko ang first night namin ngayong Christmas pero eto ang nangyari!" Reklamo ni Isa sa kabilang kama.

May dalawang queen size bed dito sa kwarto nilang kambal. Buti na lang kay Twice ako nakitabi. Mas tolerable si Twice. Mas gusto ko nga lang ang fashion ni Isa kaya sakaniya ako nanghiram ng damit pantulog.

Speaking of Twice, ilang minuto na rin matapos siyang mag walk-out sa inis sa kaingayan ni Isa. Sa tingin ko naman babalik din yun. Baka uminom lang ng tubig or something.

Bumangon na rin ako para uminom ng tubig.

"Where are you going?" Isa asked.

"Iinom lang ng tubig."

"I'm sorry for being so annoying. Tatahimik na ako."

"Okay lang naman sa akin yun." Kahit deep in side naaasar na rin ako. "Iinom lang talaga ako tapos babalik na rin."

Patay na ang ilaw paglabas ko. I don't know where's the switch located. Dahan-dahan na lang akong naglakad pababa ng hagdan. Sa ibaba naman may naaaninag na akong ilaw kaya hindi na ganoon kadilim.

May narinig akong ingay pagkarating ko sa ground floor. Parang tunog hayop na hingal na hingal. Seriously, I'm starting to freak out. Syempre wala naman dito si Thunder para paghinalaan ko. Wala silang pet dito kaya baka kung anong masamang espirito na ang naririnig ko.

I shook my head. Tinatakot ko na naman ang sarili ko.

Habang bimabaybay ko ang daan papuntang kusina kung saan doon nanggagaling ang liwanag, napahinto na naman uli ako. Doon nangangaling ang ingay!

And like every horror movie I watched, I followed the sound. Actually, hindi na pang-horror ang naririnig ko. I can hear it clearly but due to my scientist like curiousity, I tried to peeked.

Nanalaki ang mata ko. Buti na lang natakpan ko yung bibig ko ng kamay ko bago maging audible ang gasp ko.

Oh my gosh! Twice and Ralph in the kitchen!

I stopped peeking when both of them were both naked. I just can't! Hindi naman sa inosente ako pagdting dito pero iba ang panonood ng porn sa monitor kaysa sa live show na kakilala mo!

Tumalikod na ako at nagmamadaling tumakbo. Sa kasawiang palad, dahil na rin sa kadiliman, natama ako sa matigas na bagay. Napapikit na lang ako na kala ko mauumpog na sa sahig ang puwet ko. So far hindi nangyari iyon. May sumagip sa akin and I'm pretty sure that it's Maj. Amoy pa lang alam na alam ko na.

"Emer?" Boses niya yun. Si Maj nga ito. "Bakit gising ka pa?"

Kumawala lang ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko para mapigilan ako kaninang bumagsak. "Ahh... I'm thirty."

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon