ROLE 25: Sleepyhead

19.3K 464 23
                                    

ROLE 25: Sleepyhead

Si Segunda del Rosario (my role) ay ang Fiancee ni Agusto (Vince). Arrange marriege lang sila pero mahal talaga ni Segunda ang mapapangasawa niya. Eto naman si Agusto in love kay Maria (Hannah). Kaya ang major role kong gagampanan dito bilang Segunda ay ang pagseselos at pagiging kontra sa relasyon ng bida. Determinado akong mapasaakin si Agusto kaya kahit na big taboo ang premarital sex sa panahon nila, gagawin ko masiguradong para sa akin lang, I mean para kay Segnda lang si Agusto.

So ito, buong afternoon akong may shoot. Pagdating ng gabi yung party at confrontation scene lang ang ginawa ko kaya nandoon lang ako sa sulok ng isang tent sa loob ng sleeping bag ko para matulog. Good thing at inabot na ng madaling araw yung mga scene nila at hindi natuloy ang bed scene na kailangan gabi i-shoot. Nakahinga ako ng maluwag doon. I'm not prepared for a bed scene. Hindi pa ako nakakapag-shave and everything!

Kinaumagahan saka uli ako nakasama sa shoot. Kasama ko madalas si Vince at si Dino. Magaling talaga si Vince at nakakatawa kaya naman hindi nakakapagod yung ginagawa namin. Mga two scene lang yung kasama namin si Vince tapos kami na lang ni Dino ang natira.

Nagsi-uwian na yung mga cast na nagpuyat talaga samantalang kami ni Dino eto at sinisimulan ang last scene para sa araw na ito.

"Sasabay ka umuwi sa akin?" Tanong niya habang hindi pa nagsisimula

"Can I?"

"Sure! Kaso lang uuwi na ako kaagad."

"Padaan na lang ako sa MJ kung pwede?"

"Okay."

Si Dino naman hindi ko na magawang landiin kasi alam niya yung tungkol sa amin ni Maj Chavez. Well, it's not a big deal. Noong nakilala kong mabuti si Dino nawala na rin yung super crush ko sa kaniya. Crush na lang ngayon, wala nang super.



<3


One-thirty na ako nakarating sa MJ. Hindi pa naman ako pagod na pagod kaya nagdecide akong pumasok na lang sa natitira ko pang workshop. Voice lesson lang naman kaya hindi nakakapagod.

I love singing. I'm not that good but it calms me whenever I'm singing. Sa lahat ata ng workshops ko eto ang enjoy na enjoy ako.

"Emer?" May tumawag sa akin habang papalabas na ako ng building. "Bakit nandito ka?"

"Maj Chavez! Sorry hindi ako nakapag-text. Naisipan ko kasing pumasok ng voice lesson ko."

"Pumasok ka pa? Papatayin mo ba ang sarili mo? Ihahatid na kita pauwi." Sabi niya saka ako tinulungan bitbitin yung mga dala ko. Sa kotse kung ano-anong sinasabi niya sa akin tungkol sa health. Wag ko raw paabuting mag-over fatigue ako sa trabaho.

"I'm okay! Mas malala pa nga yung work ko dati."

"Ano bang work mo dati?"

"Sa production ako sa isang TV Network. Sa akin lahat ng gawain kasi pinagtutulungan nila akong apihin dati. Sobra na kaya umalis ako doon."

"Pero ngayon hindi ka na sa likod ng camera nagtatrabaho. Bawal magmukhang haggard sa harap ng camera."

Pagkarating namin sa bahay kung ano-anong habilin pa niya. "Now, rest. Babalik lang ako sa office para sa mga dapat ko pang tapusin."

"Yes..." Daddy. "Tart. You don't have to worry. Ikaw itong stress lagi at over time na naman. Hindi pwedeng magkasakit ang head ng company kung ayaw mo malugi ang MJ."

"I get it. May tatapusin lang ako. Uuwi rin ako kaagad."

Bago ako bumaba binigyan ko siya ng kiss sa cheek. "I forgot to kiss you the last time." I smiled. "And thank you."

Pagkapasok ko sa kwarto, saka ko lang naalala na sa room pala ni Maj nakalagay yung mga damit ko. Para akong zombie na naglalakad papunta sa kwarto niya. Kumuha ako ng damit at doon na sa bathroom ni Maj nagbihis. Sa sobrang pagod ko, doon na rin ako natulog sa matress niya. Tama sya, pagod na ako.




<3


I woke up four in the morning. When I open the lampshade I saw Maj Chavez sleeping on his couch again. Ayaw na niya akong makatabi huh?

Lumapit ako para matitigan siya. He looks so peaceful and stress-free. May mga fine lines na siya sa nuo niya oh. Ang serious kasi lagi. Kung wala ako dito baka hindi rin siya tumatawa.

I smiled. I wish everything between us is not  complicated. Like we're very complicated, its that I wish we both love each other and end up together. Pareho naman kaming single, in a relationship kami sa isa't isa pero walang love. Sure we're friends pero parang naglalaro lang kami at nasa dating stage pa.

Urgh! Whatever! Bahala na si batman kung anong mangyari sa amin. Kung si Maj na talaga wala naman akong problema. Mayaman, gwapo, hot, marunong magluto, understanding , caring, committed, yun nga lang may pagka-gay.

Tama na nga! Magliligpit na lang ako.

Pinagpupulot ko yung mga nakakalat na damit ni Maj Chavez. Niligpit ko na rin ang damitan ko at hiniwalay yung mga gamit ni ex-gf ni Maj. He gave me permission to burn it but I can't. Mas maganda kung si Maj Chavez na mismo ang magsusunog.

After ko magligpit, dinala ko na yung mga labahan sa laundry area tapos pinuntahan ko si Thunder. Gosh! I missed him. Kaunti na lang ang bonding moments namin ni Thunder ngayon. Lagi na niyang kasama si Manang.

"Thunder, sorry huh? Next time sa kwarto ko na ikaw uli matutulog." Nilagyan ko siya ng tali. "Jogging tayo? Okay, magpapalit lang ako."

Umakyat ako para magpalit ng spandex sando and shirt. Nag-robber shoes na rin ako at kinuha ang earphone ko.

"Game, Thunder?" He barked in responds. "Let's go!"





Nagpaalam muna ako kay Manang bago tinakbo yung buong subdivision. Hindi naman nakakatakot kasi may mga ilaw pa naman (four am) at may mga nakakasalubong akong nage-exercise rin. Hour later I decided to go home. Si Maj Chavez kaagad ang sumalubong sa akin.





"Saan ka galing?" Naka-crossarm pa siya.





"Hindi ba sayo sinabi ni Manang? At hindi ba obvious sa damit at itsura ko?"





"Kakasabi ko pang sayo na wag mong aabusuhin ang health mo."





"Okay, Maj Chavez, this is getting O.A. nakatulog ako ng nine hours kaya bawing bawi na ako. Ikaw anong oras ka umuwi kagabi?" Nanliit ang mata ko sa kaniya lalo na ng hindi siya makasagot kaagad.





"You're good at shifting the argument to me."





Hindi ko na pinansin yung sinasabi niya. "Kumain ka na ba?"





"Not yet. Hinihintay kita."





"Ang sweet talaga." Inakbayan ko siya.





"Pawis mo!"





"Ang sweat talaga!"

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon