ROLE 41: Trouble Magnet

16.4K 445 25
                                    



ROLE 41: Trouble Magnet

I like her and maybe I'm falling in love with her.

Pabagsak na humiga si Maj sa higaan niya. Ilang beses siyang napabuntong hiniga sa naiisip. Emer. Emer. Emer. Hindi niya magawang tanggihan ang sarili sa naiisip niya lalo na't aminado nga siyang nagselos kay Anthony. Naaalala niya kung pano para siyang sinuntok nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki sa kabilang linya ng cellphone. Akala niya sila na uli ni Emer at hindi niya yun matanggap.

Ang tanong ngayon sa isip ni Maj ay kung kalian? Kailan siya na-fall sa babaeng hindi niya inaasahang magustuhan. Ibang iba to kay Kyra pagdating sa kutis. Hindi kaputian si Emer. Malayo rin sa pananalita at sa pagkilos. Masyadong magaslaw at madaldal ang reel girlfriend niya. Malakas din ang tama nito sa utak. Ang pagkakapareho siguro ng dalawa ay ang padalos-dalos kung magdesisyon pero hindi naman yun ang nagustuhan ni Maj kay Kyra.

Napaling sa pag-iisip si Maj ng tumunog ang cellphone niya. Tumatawag si Nico.

"What?" Salubong ni Maj.

"Hi! Just want to inform you that I'm asking Kyra to marry me on Christmas day. Bye."

"Wait! Ano?" Nagulat si Maj sa sinabi ng kaibigan.

"Magpo-propose ako kay Kyra."

"Good news, man." Natuwa siya para sa kaibigan. "What's your plan?"

Ikinwento ng kaibigan niya na isasabay niya ito sa event na gaganapin sa Seattle. Pagkapumayag si Kyra-- na sigurado namang papayag-- magpapakasal sila by the end of Febuary.

"Gusto kong nandoon kayo ni Emer sa kasal."

Si Emer.

"Natahimik ka? Wag mo sabihing hindi ka pa umaamin sa kaniya? Tigilan niyo na nga yang kunwa-kunwarian at paglalaro niyo. Sabihin mo na sa kaniya na gusto mo siya."

"Hindi ganoon kadali--"

"Gusto mo bang maunahan ka na naman?"

"No."

"Then you know what to do. I want you to bring her at my wedding day as your real girlfriend."

"Fine,"



<3

Kinabukasan sa MJ Entertainment, may sumalubong na kaagad na anumalya tungkol sa tax ng kumpanya. May mga nakahalungkat sa BIR na hindi raw nagbabayad ng sapat ang MJ sa loob ng limang taon . Hindi niya lubos maisip kung bakit nangyari ito. Alam niya, full lagi ang binabayarang tax ng company.

Nagpatawag kaagad siya ng meeting para ayusin ang gusot. Umagang umaga sira na ang araw ni Maj. Inabot ata ang meeting niya hanggang hapon. May mga napatalsik na rin siya ngayong araw na ito sa Accounting Department. Ayaw man niyang maging harsh ngunit hindi niya hinahayaang masira ang company niya dahil sa kapabayaan ng empleyado niya.

"Relax. Nakakatakot ka na naman." Sabi ni Emer habang minamasahe ang likod ni Maj.

"Bakit ka pala nandito? Wala ka bang workshop o taping?" Pagtataka niya.

"As a personal maid mo, concern din ako sayo. Narinig ko kasi yung balita tungkol sa kaso ng BIR sa MJ. Nag-alala kaagad ako sayo."

Kung hindi lang siguro masakiy ang ulo ni Maj baka hinila niya si Emer para yakapin. Nag-aalala ito para sa kaniya.

"Don't worry, I already talked to my lawyer about the issue." Hindi lang iyon ang issueng kinahaharap niya. Kanina sa meeting may mga nawawalang documents na katibayan na kumpleto ang bayad nila. Walang makapagsabi kung saan na ito napunta.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon