ROLE 20: Telebabad
From pissed off to feeling bad. Yan ang bumabagabag kay Maj buong gabi. Hindi siya makatulog dahil sa sinabi niya kay Emer na kinagalit nito sa kaniya. Gusto lang naman niya malaman ang tungkol kay Anthony.
Una pa lang niya nakita ang lalaking yun binibigyan na siya nang masamang tingin. Tapos noong nagkamay sila halos baliin na nito ang buto ni Maj sa kamay. Nagkahinala na siya noon na may mali. Hindi naman magkakaganoon ang isang lalake sa boyfriend ng kaibigan niyang babae unless parang kapatid na niya ang turing o may gusto ito rito.
Napaisip pa ng malalim si Maj. Bago siya dumating sa sine, umiiyak si Emer tapos nagpaalam itong mag CR noong umalis si Anthony. Inabot din si Emer ng ilang minuto. Napaisip din siya na walang maraming tao sa banyo pag kalagitnaan ng palabas. Kung tama ang hinala niya, nag-usap yung dalawa.
Mas naging solid pa ang pagtataka niya ng bigla na lang nagwala si Anthony at sinagot ni Emer na kinalungkot ng itsura ng lalake.
"Kung si Anthony at si Emer... Pano si Clary?" Napapasalita pa siya mag-isa.
"Urgh!" Tinabunan niya ang unan ang ulo niya para makatulog. "Wala ka na paki kung anong meron sa kanila."
Pinilit niyang pumikit at makatulog pero paulit-ulit sa kaniya ang reaksyon ni Emer. Galit ito sa kaniya.
Makailang oras na pabalingbaling siya sa higaan, nadesisyon na siyang bumangon. Alas singko na rin kasi ng umaga. Hindi siya sigurado kung nakatulog ba siya. Ang sigurado niya lang, bangag na bangang siya.
Humarap na lang siya sa desktop niya para magpalipas oras. Binuksan niya ang Facebook niya. Kaunti lang ang notification kasi bihira lang naman siya mag-fb. Hindi niya hilig ang mag post ng tungkol sa mga latest happenings niya sa buhay.
Una niyang tiningnan ang dalawang friend request. Puro sa mga bagong trainee ng MJ. Wala siyang message kaya yung notification na niya ang tiningnan niya.
Kyra Sandico accepted you as a friend.
Yun ang nakakuha ng atensyon niya. Napangiti siya ng maalala noong i-add niya si Kyra dati. Tiningnan niya ang profile nito at kaagad na nakita ang latest post picture nito na kasama ang inaanak ni Maj na si Alice at ang matalik nakaibigang niyang si Nico. Mukhang masayang masaya ang mga ito.
Naisipan niyang tawagan si Nico. Matagal-tagal na rin silang hindi nakakapag-usap. Yung huli ay nanghihingi siya ng tulong kung anong magandang ibigay sa isang babae para patawarin siya.
"Hello?" Parang kakagising lang nito.
"Nico, si Maj 'to."
"Do you know what time is it here in California? One in the moring. One! I'm tired. I work for twenty hours. I need sleep. This got to be important." Narinig ni Maj ang lintanya ng kaibigan nito na busy sa kaniyang pag-aaral at intern sa Hollywood.
"Uhm, ang totoo niyan, gusto lang kitang kamustahin."
"Kung si Kyra ang tumatawag sa akin matutuwa pa ako." Ungol nito. Hiwalay sila ngayon dahil sa nasa California state ang school at trabaho ni Nico samantalang nasa Seattle, Washington naman ang trabaho ni Kyra bilang CEO ng isang maritime trading company na pag-aari ng mga Sandico.
"Alright! Matulog ka na."
"Wait, wag na. Gising na ako. Anong gusto mo pag-usapan. Dude, para tayong magsyotang nagtatawagan sa gabi."
BINABASA MO ANG
The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️
ChickLitWorst comes to worst. She badly need a job that's why she seduce the oh-so-hot Maj Chavez to let her be part of MJ Entertainment as a new talent/ actress.