ROLE 51: Awardee

15K 407 12
                                    

ROLE 51: Awardee

Ang akala ko ang pagpapakilala ng boyfriend mo sa parents mo o ang boyfriend mo sa parents niya ang pinakanakakatakot sa isang nagsisimulang relasyon. Sa lagay namin ni Maj, hindi applicable 'yon. Wala akong pake sa isipin ng tatay ko kay Maj at gusto naman ako ng mom ni Maj. Ang nakakatakot sa amin ay ang sabihin kay Direk Rolando Vergel ang tungkol sa amin. I know may pagkakasala rin ako sa kaniya bukod sa pag sipa ko kanina sa kaniya. Umamin siya sa akin na gusto siya at kung pwede ko ba raw siya tulungang ilakad kay Maj pero wala akong sinabi sa kaniyang ako na ang girlfriend ng lalaking type niya.

So far habang nagsasabi kami ng katotohanan kay Direk medyo nagsi-sink in na sa kaniya na hindi interested si Maj sa kapwa niya may espana, if you know what I mean. Lugmok na lugmok nga lang siyang tingnan. Gusto ko siya yakapin at i-comfort kaso lang baka ma-trigger ko na naman ang pagiging amazon niya at sugurin na naman ako. Baka matangal na buhok ko sa anit ko.

Pagkatapos ng usapan namin, hindatid pa namin siya ni Maj pauwi.

"Saan ka na-uwi, Emer?" Tanong niya nang makarating kami sa tapat ng bahay niya.

"Uhm..." Natatakot akong sabihin ang totoo sa kaniya. Baka mahimatay na naman siya.

"We are living together." Si Maj ang sumagot para sa akin.

"Live in partner na kayo?"

Tumango si Maj; ako alanganing tango lang.

"Maryosep!" Mukhang hindi naman siya nagulat pero mukhang dismayado siya. "Maiwan ko na nga kayong dalawa."

Tahimik lang kami ni Maj nang maibaba na namin si Direk hanggang sa maka-uwi kami. Mukhang pagod na rin siya tulad ko. Humingi nga lang siya kay Manang ng sandwich. Ako naman yogurt lang tapos pumasok na kami ni Thunder sa kwarto. Patulog na ako nang kumatok si Maj. Nakapantulog na siya at papungay-pungay na. Tinaasan ko siya ng kilay na nagtataka kung anong kailangan niya. Nginitian niya lang ako- lazy smile that can make him hotter than the usual.

I rolled my eyes just to stop myself from blushing. "Alright you can sleep with me in one condition."

Siya naman ang nagtaas ng kilay sa akin.

"Take your shirt of." I said smiling flirtatiously and he was willing to do so.

<3

The next day, I woke up with only Thunder beside me. Tanghali na rin kasi kaya nasa office na si Maj for sure. Pagbangon ko may nakita akong box at sticky note sa side table.

I think about you when I saw this. Hope you like it.

-Maj

PS. Wear this later.

Na-curious naman ako kaya binuksan ko kagad. Inside was a silver necklace and earrings with ruby stone pendant. I super like it! Mukhang alam niya ang susuotin ko mamaya sa awarding.

<3

Metro Manila Film Fest Awarding Night! Ang gabing hindi ko inaakalang magiging big deal sa akin. Sino ba namang makakapagsabing mag-aartista si Emer Bernalez? Wala 'to sa plano ko pero heto ako ngayon sa read carpet at nagpapa-picture suot ang napakaganda kong gown. Hinahangaan ako ng maraming tao at nakikilala na nila ang galing ko.

As usual, late na naman si Ma pero saglit lang. Sa tingin ko umiwas talaga siya sa red carpet. Sa itsura niya kasi ngayong namumutla at parang tuliro na paniguradong mapapansin ng mga press.

"Are you okay?" Nag-aalala kong tanong.

"Uhmm, yes."

"Namumutla ka." I stated but got distracted when the awarding ceremony started.

The Reel Sweetheart (Showbiz Series #2)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon